Chapter 12

1K 15 1
                                    

Trixie’s POV

Bakit ba sa tuwing hindi pinag-iisipan ni Lance yung sinasabi niya, Kinikilig ako. >0<

Oo aminado naman ako na kinikilig ako di ba?Pero hindi gaya ng iba pa pwede nilang ibroadcast yung paghanga nila kay Lance.

Parang may pyesta sa loob ng puso ako. Andaming nag dadrums.

Bakit naman kasi ang hirap ng sitwasyon ko e . :((((

“O bakit speechless ka dyan?”

Ay Anak ng baka! . Bigla siyang nagsalita.

“Wala lang. Inaantok na kasi ako. ara uwi na tayo.” ang galing kong magpalusot.

iiistart na sana niya yung engine nung bigla kong naalala na may sakit nga pala siya.

“Wait lang. Ako naman yung may kasalanan kung bakit may sakit ka diba? Ako na lang magdadrive” sabi ko sakanya para makabawi naman ako sa kanya sa ginawa ko. Bakit naman kasi pag ako kasama niya, lagi na lang trouble. Sorry Lance . :(

“Marunong kang magdrive?” tanung ni Lance habang nakataas pa yung isa niyang kilay. Mukha tuloy siyang bakla.

“Oo naman. Tinuruan kaya ako ni Mama. Wag kang mag-alala, pagdating ko sa bahay ikaw na magdadrive papunta sa inyo” sabi ko sa kanya. Marunong naman talaga akong magdrive e. Ewan ko kung bakit ako tinuruan ni Mama pero siguro ngayon alam ko na kung bakit.

Umalis naman siya sa driver seat papunta sa passenger seat. Tapos dun ako umupo.

“WOw, marunong ka pa lang magdrive hindi ka man lang nagsasabi” sabi ni Lance sa tabi ko.

“Bakit, hindi ka naman nagtatanung e”

“Ganun pala yun, dapat itatanung muna.”

“Lance.” tinawag ko siya. Anu ba to. Anung bang sasabihin ko sa kanya,

“OH bakit? namimiss mo nanaman ako?” pang-aasar niya.

“Hindi no. Feeler ka. Ano kasi, nagtataka ako. Bakit mo ginawa kay Kaiti yung kanina. Napahiya kaya yung tao” sabi ko sa kanya na parang naaawa ako kay Kaiti pero sa loob loob ko , hahaha! Serves her right.

“Bakit may mali ba sa ginawa ko? Kung napahiya siya, kasalanan na niya yun”

Grabe talaga tong lalaking to. Di na ko magtataka kung bakit wala pa siyang nagiging girlfriend kahit isa.

“Ang sama mo Pre!. Kung ako yung babaeng yun, baka nasampal kita”pinakita ko sakanya yung palad ko.

“Di ko naman gagawin sayo yun e?”

O_O tama ba yung narinig ko? O baka ilusyunada lang ako? Bakit kasi pabulong niyang sinabi? Hindi ba pwedeng malakas na lang para sana narinig ko ng maayos.

lub…dub… lub.. dub…

” Anong sabi mo?” baka sakaling ulitin niya yung sinabi niya.

“Wala. sabi ko may parada ng bingi mamaya. Baka sakaling gusto mong sumama” yun naman yung sagot niya.

Hinampas ko naman siya ng malakas sa braso niya.

“Ang sakit nun ha. Nawiwili ka kakahanpas sakin ah” sabi niya habang hawak yung braso niya na hinamapas ko.

Pero promise, iniisip ko talaga bakit niya ginawa yun kay Kaiti.

“Oi Lance! Seryoso na. Bakit mo nga yun ginawa?”

“Kasi nasa tamang pag-iisip pa ko. “

LINTEK! Napaka-ayos niyang sumagot.

“Bakit mo ba tinatanung?” tanung niya sakin.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن