Chapter 7

1.1K 14 0
                                    

Pagdating namin sa simbahan, halatang yung bride na lang yung kulang. I even looked at Kuya Jake's direction and I can't help it but to laugh. Nakakatawa lang kasi yung itsura niya e. Not his smile can hide what he truly feels. Para siyang may LBMna ewan. hahahaha. Kinakabahan din pala ang mga lalaki pag kasal. Now I know. XD

Naghiwalay kami ng landas ni Lance. pumunta siya para sa entourage tapos ako naman kila Seth, Kirby at Christian. 

"Wow, ang gagwapo niyo ah." bati ko sa kanila.

"grabe Trixie. nagmukha kang tao," pang-aasar ni Kirby.

"soo. Anung gusto mong palabasin? na hindi ako mukhang tao noon?" naningkit yung mata ko habang sinasabi yun.

"dati kasi mukha kang dyosa" alibi naman ni Seth. 

"yan gusto ko sayo Seth. Marunong kang magsabi ng totoo" 

Pano ko ba ikukwento yung mga sumunod na pangyayari? Basta nung dumating na yung bridal car ni Ate Ianne, nagset na lahat. Kakaiba lang ata dito ay hindi lang instrumental yung entourage. Syempre para saan pa ko kung ako instrumental lang diba? 

Tapos same ceremony, palitan ng vows, yung singsing tapos kiss the bride. Basta ganun. Di ko kasi mapanuod ng maayos e. Ang gulo kasi ni Lance. Tumabi kasi siya sakin e.

“Ang cute nilang tignan no.” sabi niya sakin.

“syempre hahantong ba sila sa dambana kung hindi? ” ang sarcastic ng sagot ko nun sa kanya.

“sana ganyan din kaganda yung bride ko pag ako kinasal. Para worth it naman yung paghihintay ko” 

“Bakit kasalanan pa ba ng bride mo yun? Sinabi niya bang hintayin mo sya?” sabi ko sa kanya.

“E kasi ang choosy niya pa. Andito naman ako. Lumilingon pa sa iba” tapos lumayo siya ng tingin sakin.

“Ang drama mo. Bakit di mo ligawan?” ouch! Naramdaman ko yung parang masakit nung sinabi ko yun. bawat line sa binibitawan ni Lance tungkol sa 'future wife' niya, para may demonyong nagsasabi sa utak ko na sana ako na lang yun.

“e gusto ko wala ng ligaw ligaw. Kasal na agad. Para wala ng aagaw. Tska kilala niya naman na ko e. “

“Kasal agad? Di ka pa nga nakakagraduate e. ” ewan. Di ko maitago yung selos? Lagi na lang. "Tska kilala? You mean you already found her?" 

“ang hina mo talaga. Kaya nga di ko pa sya nililigawan e. Kasi di pa ako architect. Gusto ko pag naging kami, financially stable na ko. Tapos hindi ko na sya tatanungin nung wala kamatayang will you be my girlfriend.

and yes I found her.”  boom ** double-kick! slap on the face! 

haaay Lance. You’re really oNe of a kind. kasoo.. kasooo. Sht! dear tears, wag ngayon please. Wag ngayon. Please wait. I'll release you later.

“e panu mo sya liligawan?” and the best actress award goes to... 

“Edi dadalhin ko sya sa ginawa kong bahay. Ano pang silbi ng pagiging architect ko diba? Tapos pag nailibot ko na sya dun, ilalabas ko yung singsing tapos sasabihin ko ..

“Hindi man to kagaya ng palasyo sa mga fairytale, eto naman ang palasyo na pinatayo ko dahil alam kong ikaw ang magiging reyna nito. Can you be a queen of this house and a queen of my heart”

habang sinasabi niya yun, nakatingin lang sya sa mata ko. Bakit nararamdaman ko yung sincerity niya kahit alam kong hindi naman para sakin yung mga linyang yun.

“Kita mo yan. Pati ikaw di nakapagsalita” tapos tUmawa sya. 

Di ako makapagsalita. Ang tindi ng nararamdaman ko. Para akong nagyelo sa kinauupuan ko.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now