CHAPTER 43.2

123K 2.1K 135
                                    

Dedicated para sa inyong lahat na patuloy na nagpapasaya at sumusuporta sakin. MEHEL KO KEYO!

A/N: hello po! maikli lang ito sarreh! Maga-update nalang ulit ako bukas. SANA! SISIKAPIN KO PO! AH BASTA!

..

..

Pupungas-pungas pa si Anya matapos umihi. Nakakainis lang ang maihi ng madaling araw, panira sa pagtulog. Hirap pa naman syang matulog kapag nabitin na ang matiwasay nyang pagpapahinga. Pero ang nakakabadtrip sa lahat ay yung paglabas mo ng banyo ay may makikita kang demonyo sa kwarto mo. Sh!t. Ang gwapong demonyo naman ng Jin na to! Nakakainis. Pero teka? Hindi ba at naka-tank top at undies lang sya ngayong gabi?

"Kayaaahhh!" Napatili si Anya ng maalala na naka underwear lang sya kaya naman nataranta si Jin at agad na nilapitan si Anya para takpan ang bibig nito. "Hammmmph!"

"Shh! Huwag kang sumigaw!" Jin covered her mouth with his hand. He's almost hugging her from her back. He could smell her hair and her scent really made him excited. Anya never failed to make him want her. He want to cuddle her all night! Ano ba ang nangyayari sa kanya? How can he know if it's just lust or love is the reason of all his craziness.

"Hmmp!" Nagpupumiglas si Anya. Nakakainis! Kamay palang mabango na. Baka mamaya malaglag ang tanging pang ibaba nya! My ghad! Pero kailangang talunin nya ang kahinaan nya.

"Antonia stop!" Mariing utos ni Jin. Mahina lang iyon pero fierce na ibinulong sa tenga nya. Shet! Bakit kailangang sexy pati ang boses?

"Isang daang tupa! Dalawang tupa! Pitong tupa!" Out of nowhere ay biglang lumitaw si Aisha sa loob ng silid na nagbibilang ng tupa. Nakapikit pa itong maglakad. Natahimik sina Anya at Jin at napatingin kay Aisha habang si Jin ay tinatakpan pa din ang bibig ni Anya kaya tila yakap pa din nya ito mula sa likuran. Tila nananaghinip si Aisha. Humiga pa ito sa kama at humikab. "Limampung tupa NineBastos..." sabi pa nito na sinundan na ng hilik. Unti-unting tinanggal ni Jin ang kamay nya sa bibig ni Anya. Tapos ay nagkatinginan pa sila... at agad naglayo. Ang awkward lang.

"Dufus!?" Napapitlag sila ng marinig ang boses ni Knight. Shet! Hinahanap na nito si Aisha.

"Bakit iniwan mong bukas ang pinto?" Inis na tanong ni Anya. Oh sh!t! Iyon ba dapat ang itanong nya?

"Dapat ba ni-lock ko? Should I lock it now?" Nakangising tanong ni Jin. Napaka-demonyo lang ngumiti. Bwisit!

"Dufus!" Palakas ng palakas ang tawag ni Knight at palapit din ng palapit ang mga yabag nito kaya naman sa pagkataranta ay hinatak ni Anya si Jin papasok sa  bathroom. Walang sali-salita na ini-lock ni Anya ang pinto pagkatapos ay agad nyang tinungo ang shower at binuksan iyon. Unti-unting nabasa ang katawan nya. Gawa ng manipis na tela ng tank top nya ay hindi maiwasang bumakat ang kurba ng maganda at mala-Dyosa nyang katawan.

"Damn..." Matiim na nakatitig lang si Jin kay Anya. Hindi alintana ng dalaga ang pagkahumaling nya sa nakikita dahil na din siguro sa pagkataranta nito lalo na ng kumatok si Knight sa pinto ng bathroom.

"Anya? Are you there?"

"Sir Knight? Opo! Bakit po?" Pasigaw na tugon ni Anya. Nilakasan pa nya ng husto ang shower para marinig ni Knight ang lagaslas ng tubig. Pati faucet ay binuksan nya din.

"Yeah. Nasa bed mo kasi si Aisha I think she sleep walk again. I'll get her now. I'll just lock the door ok?"

"Ah talaga po? Sige po sir Knight!"

"Make sure that you always lock your door next time ha!"

"Opo!" Ilang segundo ang lumipas at pinatay na ni Anya ang shower. Siguro naman wala na si Knight at Aisha? Safe na siguro syang lumabas. Pero bago pa man sya makahakbang ay hinarang na sya ng ex-boss nya. His eyes are dreamy, nakakalasing ang  pagtitig nito sa kanya. And the hell! Kanina pa ba walang damit ang gwapong demonyong ito? Hindi nya mapigilan ang sarili na titigan ang katawan nito. She badly wanted to trace his neck with her fingers down to his chest then to his firm abs at pagkatapos... pagkatapos... tapos na. Kahit sino sigurong babae ang ikulong ng demonyong jerk boss na ito sa mga bisig nya ay malulunod sa sobrang excitement.

Anya made sure na hindi sya mapapanganga sa tanawin though hindi sya makatingin sa mata ni Jin but the next thing she knew? She's drowning by his warm lips under the hot shower. Ganoon sya kabilis nahipnotismo ng mga abs ng ex-boss nya. Damn weakness! His hands are everywhere in her body. How could she let him do this to her? And this man! How could he do this to her kung sa huli ay inilalaan na sya nito para sa iba. She pushed him pero masyado syang malakas at isa pa tila nanghihina ang katawan ni Anya dahil sa mga sensasyong ipinaparamdam sa kanya ni Jin. Ito na ba ang huli?

"A-anong gi-nagawa mo?" Sinikap ni Anyang makapagsalita. Kailangan nyang labanan ang nararamdaman nya. Hindi sya dapat nagpapadala dahil alam nyang pagkatapos nito babalik na naman sila sa reality. Ang saklap lang. He only wants her for se***x at napaka-tanga nya na pumapayag sya dahil akala nya pwede silang magkaroon ng normal romantic relationship. Asa! Isa syang malaking PAASA!

"I want you.." bulong ni Jin. Yeah right, he want her. Kahit kailan hindi nya maririning ang mga katagang 'I love you' dito. Asa ka Anya!

Hindi na nakatulog si Anya. Pinanood lang nya kung paano matulog si Jin sa tabi nya. Paano sya makakamove-on sa lalaking ito kung kapag nasa malapit sya ay sumusuko na sya agad? Nagpaka-tanga nanaman sya. Kahit pa alam nyang hindi kailanman magiging sila pumayag pa din sya sa gusto ni Jin. How can you blame her? He love this man that if se***x is the only way for her to be with him she's willing to be a victim. Ikaw ba naman ang latagan ng matipunong katawan ewan ko nalang kung hindi ka mapaluhod dahil sa panlalambot ng tuhod. Kayo talaga naka-kita lang kayo ng luhod eh kung ano-ano na ang iniisip nyo. Pasikat palang ang araw. Sa oras na tuluyang lumiwanag at gumising ang greek god sa tabi ni Anya ay matatapos lahat ng ilusyon nya. Babalik na sya sa realidad na si Jin ay isang Estude at sya ay hamak na Ismael lamang. Isang P.A na minsan pa ay naakusahang prostitute. "Huli na to... paalam mahal ko." Sambit ni Anya. SH!T! Saan galing yung mahal ko? Kapag siguro talaga emo kung hindi gumagaling sa English ay nagiging makata.

...

...

To be continued....

A/N: Salamat po pala sa mga dumamay sakin nang mga nakaraang araw. Thanks din sa pag-intindi nyo, sa mga warm message at naki-iyak sa pagkawala ng daddy ko. Napakaswerte ko na may readers ako na kagaya nyo. Yung mga silent readers napa-comment at PM pa. May iba din na nag-share ng mga karanasan nila. Salamat po ulit.

Shey,

Ay teka!

MERON NA PO PALANG WHEN MISS GANGSTER MEETS HER MATCH BOOK sa ilang bookstores! P175 po ang price. XD

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon