chapter 27.2

218K 1.6K 123
                                    

"Damien..." paguulit ni Anya sa pangalan nya. In this kind of situation she found comfort from unexpected person. Nakakahiya. "You can let go of me now.. nakakahiya sa mga tao.. baka makilala ka nila.." bulong ni Anya kay Damien. Oo may ilan na din kasi ang tumitingin sa kanila at isa pa hindi ba nakikita na sa tv ngayon si Damien? Baka machismis pa ito dahil sa kanya.

"Letting go of you is the most stupid thing i ever did.."Kinilabutan si Anya sa sinabi ni Damien. Ano ba ang gusto nyang mangyari? Ang dami nang nangyari, ang dami nang nagbago. But right now, pakiramdan ni Anya hinang hina sya, kailangan nya ng masasandalan.

"Kung sino man ang nagpaiyak sa'yo i will make him suffer.." banta pa nito. Nakakatakot ang tono nito. Naalala ni Anya si Jin. He is the reason why she's crying. Totohanin ba ni Damien ang sinabi nya magsusumbong na ba na parang bata si Anya dito? But he is her ex-boyfriend! Pina iyak din sya nito noon. She made stupid things and now she's facing her consequences. Ang gulo ng mundo.

"Did you also made your self suffer when you made me cry?" Out of nowhere she blurted out. Tama daw bang magusap habang magkayakap sa gilid ng kalsada?

"Fvck!you have no idea.." bumuntong hininga pa si Damien bago bahagyang pinakawalan si Anya. He held her hand at saka inalalayan sya para isakay sa kotse nya. The car that he bought to date Anya. Only for Anya.

"Wow.." namangha si Anya nang makasakay sa kotse ni Damien.

"I bought this so I can date you.." biglang sabi ni Damien kaya napa nganga si Anya. Tiningnan lang sya ni Damien at saka inistart ang kotse.

"That's true.." tipid na sabi nya.

"Your crazy..." bulong ni Anya.

"I know.." ngumisi pa si Damien.

..

..

Nagpark ang kotse ni Damien sa gilid ng isang Park. Tanaw na tanaw nya ang vendor ng fishball. Napangiti pa sya ng maalala na lagi silang kumakain noon ni Anya ng mga street food sa labas ng University bago sila umuwi. Napansin naman ni Anya ang tingin ni Damien sa Fishball Vendor. Naisip nya na baka gusto ni Damien ng fishball kaso hindi ito makalabas dahil baka dumugin ito ng mga estudyanteng nakatambay sa park. Big time na talaga ang ex nya. Agad na bumaba si Anya sa kotse oara bumili ng fishball.

"Sh!t Anya saan ka pupunta?" Napababa din si Damien ng kotse na pilit tinatakpan ang mukha.

"Ibibili kita ng fishball? Di ba gusto mo?" Inosenteng sabi ni Anya kaya napangiti si Damien. She is still thesame girl who he fall with before. "Balik ka agad ha!" Sabi nalang ni Damien na bumalik sa sasakyan.

...

...

Nagmamadaling bumalik si Jin sa opisina matapos ang meeting nya sa mga Ferrer. Sa wakas malapit nang matapos ang Real Estate Project nya. Buong araw nyang halos hindi nakita ang P.A nya. Napipikon din sya kasi hindi manlang talaga ito nag text. Kailangan ba sya ang unang magtetext dito o tatawag palagi? Pagdating nya sa opisina ay hindi nya inaasahang makikita nya ang anak ng mga Ferrer. Si Xanine Ferrer, isang modelo at bunsong anak ng bagong investor nila. Nakasama na din nya noon ang dalaga sa ibang business event. Pinatuloy nya ang dalaga sa opisina, isinama na talaga nya ito hanggang 21st floor dahil gusto na nyang makita ang P.A nya, Pero nadismaya sya ng wala ito doon.

"Jin, samahan mo akong mag dinner.." yaya ni Xanine sa kanya. Di kaila ang pagkagusto nito kay Jin. Pero tila hindi iyon narinig ni Jin. Busy sya sa pagtitig sa cellphone nya na hindi manlang nagriring. Bullshit! Sya na nga ang tatawag!

..

..

Nakangiti lang si Damien habang pinagmamasdan si Anya na bumibili ng fishball. Naisip nya kung siguro sila pa din ni Anya malamang sinasamahan nya ito ngayon sa pagbili. Langya ang corny na nya. TSK!

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon