CHAPTER 44.2

112K 1.9K 169
  • Dedicated kay Casslee Gee D
                                    

Dedicated to Casslee Gee of FB. Thanks sa patuloy na suporta since wmgmhm days.

..

..

"Damien! DYOSKUPO! Si Damien!" Samut-saring reaksyon ng mga tao sa lobby ng Ospital. Mistulang fans day na nga ang nagaganap dahil dinumog na ng mga tao ang kawawang si Damien. Halos hindi naman pinapansin ni Damien ang mga nagkakagulong fans. Mabuti nalang at matangkad sya kaya nagagawa nya pang tumingin sa paligid. Hanggang sa makita nya ang hinahanap nya.

"Anya!" He shouted. Hindi naman mahirap makita si Damien para kay Anya. Syempre kung saan nagkakagulo ang mga tao malamang nandoon ito. Pero napangiwi si Anya ng tawagin sya ng lalaki. Nalipat lang naman kasi sa kanya ang atensyon ng ibang tao.

"Yung girlfriend ni Damien!!!" Sabay takbuhan ng mangilan-ngilan sa mga ito. Maagap namang humarang sina Lenny at Rae sa mga tao para hindi sila makalapit kay Anya.

"Oi! Oi! Bawal hawakan may bayad!" Banat pa ni Lenny.

"Ms. Anya ang ganda ganda mo po sa personal pwede bang pa-hug?" Sabi pa ng isang teenager. Pinalampas naman ni Rae ang bata. Pa-hug daw eh. Edi pagbigyan. Mukha namang mabait yung bata. Pero nang makalapit ito kay Anya ay walang habas na hinatak nito ang smooth silky and super long hair ni Anya. "Feeler ka ate! Famewhore ka! Hindi kayo bagay ni Damien!"

Mula sa malayo ay pilit namang kumakawala si Damien sa mga humaharang sa kanya lalo na ng matanaw nya ang komosyon sa pweste nina Anya.

"What the fuck? Hey! Stop! Itigil nyo yan!" Gusto na sana nya itulak ang mga nasa harapan pero halos mga babae ito kaya naman hindi nya magawa. "T@ngina huwag nyong saktan si Anya!" Galit na galit na sigaw ni Damien. Nakita nya kasing dumarami na ang dumudumog kay Anya.

Hindi malaman ni Anya kung paanong tulak ang gagawin nya sa mga teenagers na dumudumog sa kanya. Grabe. Ganito na pala ka-wild ang mga kabataan ngayon? Mabuti na lamang ay may dalawang kaibigan syang kasama na humahatak sa ibang kabataan na gustong manakit sa kanya. Leche. Huwag lang talagang makalmot ang maganda nyang mukha kung hindi baka magsuper-scien sya. "Aray ah! Papatulan na kitang bata ka eh!" Inis na sigaw ni Anya sa isang dalagita na humatak sa buhok nya mula sa kaliwa.

"Ang kapal kapal ng mukha mo ate! Ano bang nagustuhan ni Damien sayo eh wala ka namang dede!" Nagulantang silang magkakaibigan sa sinabi ng bagets na iyon. Napatingin pa sila sa hinaharap ni Anya at si Anya naman ay napayakap sa sarili.

"Aba! Aba! Bastos tong batang to ah!" Tulak ni Rae sa dalagitang iyon. "Bakit yung dede mo nga hindi pa tumutubo lumalandi ka na sa kaka-fangirl dyan kay Damien?! Anong number ng nanay mo at itetext ko!?" Pinanlakihan pa nya ng mata ang bata pero binelatan lang sya nito. Bastos talaga. La-lala pa sana ang sitwasyon kung hindi lang dumating ang mga body guards ng BreaKthrough. Kasama ng mga ito ang manager nina Damien na si Neyz.

"The fvck Damien! You don't screw a guesting just like that! Ano sisirain mo ba ang career ng banda?!" Galit na galit si Neyz. Halos pabulong lang ang mga katagang iyon pero mariin ang bitaw.

"I-I thought she was hurt." Maikling paliwanag ni Damien.

"She was better until you came here! Just look what happened to her?! Think before you do stupid things Damien. You're putting her in trouble!" She sounds desperately. Kala mo sa isang bata sya nage-explain. Ilang beses na kayang nagpasaway si Damien ng ganito sa manager nila? "Now we have a show to catch up." Ma-awtoridad na sabi nito. "You can come with us if you want." Baling ni Neyz kay Anya.

"Ay hindi na po. Nanganganak po kasi yung kaibigan ko dito. Baka kailangan nya kami." Umiiling-iling pa si Anya.

"You can't stay here." Pahabol ni Damien. He was just worried na baka balikan si Anya ng mga fans nya na-nanakit sa kanya kanina.

"I'll protect her." Isang malalim na boses ang nakapagpalingon sa kanila sa bandang likuran. Hindi halos nakagalaw si Anya. He freakin know who owns that bedroom voice.

"Tss Damien let's go." Hatak ni Neyz kay Damien but he doesnt want to move. Mas lalong ayaw nyang iwan si Anya.

"I can't trust that asshole." Mariing sabi nya. Jin smirked when he heard him.

Damien went closer to Anya and give her a hug. "I'll see you later." Then he gave her a peck on the lips. Nagulat si Anya sa halik na iyon. Awtomatikong napahawak sya sa labi nya. But seeing her reaction tempted Damien to kiss her again. This time, a little bit longer.

To be continued..

A/N: Luh. Luh. LUH! BITIN
Karugtong lang ito ng chapter 44. I'll make sure na next update mas mahaba na kasi basta. Lol Anyway happy 6M reads to us! I love you guys!



It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon