CHAPTER 22

233K 1.6K 131
                                    

Matalim na tinititigan ni Jin ang natutulog na PA sa kanyang kama. Panay lang ang inom nya ng alak habang nakaupo sa harapan ng kama. Napaka inosente ng mukha ng dalaga, hindi kapanipaniwala na isa itong mababang uri ng babae. Hindi nya alam pero sumasakit ang dibdib nya kapag naiisip iyon.

"Gagawin ko lahat ng gusto mo... pero mali ang iniisip mo sakin Boss." Naalala pa nya ang sinabi ng PA nya kagabi.

"May gana kang sabihin yan? Huling huli na kayo ni Manuel kanina, ilang lalaki na ba ang sinamahan mo?" Nakangisi nyang tanong kay Anya. Bawat masasakit na salitang binibitawan nya sa dalaga parang kumikirot din ang dibdib nya. Bakit ba sya naapektuhan?

"Wala kaming ginagawang masama! He..he's... ay leche!.. bakla sya." Pabulong na sinabi ni Anya ang huling kataga. Natawa pa si Jin. Nakuha pa atang magbiro ni Anya sa ganitong sitwasyon.

"I'll fire him..." natatawang sabi ni Jin.

"Huwag!!! Boss huwag!! Please....." kahit pa nakakatawa yung sinabi ni Anya, nakuha pa nitong lumapit sa kanya . nakita nya ang buong mukha nito. Namumula ang mga mata dahil siguro sa pag iyak. May tumulo pa ngang luha.. she's so vulnerable, napakagat labi pa ang dalaga, parang pinipigilan nyang mapahikbi. Nakatitig lang sya sa mata ni Jin.

Yes.. she's crying! But hell she looks deceiving. He will never fall for that trap! Pero pakiramdam ni Jin. Hulog na hulog na sya. He kissed her tenderly that led them to end in his hotel room.

Panay ang lagok ni Jin ng alak nang maalala ang bawat detalye ng nangyari kagabi. She is his. That's all he knew.

...

...

Nagising si Anya sa maliliit na halik na pumapapak sa leeg nya. Napakainit ng mga palad na humahaplos sa tyan nya. Unti unti syang nagdilat ng mga mata. Nakakalasing naman ang pagpapak ng mga labi na iyon sa leeg nya!

"Hmmnn.." ungol nya sa tonong nagrereklamo kaya napatigil at napatingin sa kanya ang boss nya.

"Ayaw mo?" Nakatingin ito sa kanya. Nakakalokong ngumisi pa ito at pinaglakbay ang isang kamay sa kanang dibdib nya. Nakakakiliti lang, kaasar talaga!

"May choice ba ako?" Leche! Bakit ba sya kinikilig? Hindi ito ang tamang panahon para kiligin lalo na at iba ang iniisip ng boss nya patungkol sa kanya.

"Iba ang sinasabi ng katawan mo.. pretty little liar..." nakangisi pa itong umiiling iling tapos ay inilipat ang palad nito sa kabilang dibdib nya. Tae! Paano ba makakapagisip ng matino si Anya kung isang Greek God naman ang sumasamba sa kanya?

"Boss... Hindi ako katulad ng iniisip mo... Gusto ko lang malaman mo.. I was in that club on purpose.." Sabi pa nya sa boss nya kahit pa kulang nalang ay iungol nya ang bawat kataga dahil sobrang nakakadistract ang ginagawa nito sa kanya lalo na ang mga titig nito ay tagos sa kaluluwa nya. Nakakatunaw.

"Really....." sabi pa ni Jin bago dumampi ang nakakakuryenteng halik sa ilalim ng tainga ni Anya.

"Ginawa ko lang naman yun kasi gusto kong makuha ulit ang bahay ng parents ko.." patuloy ni Anya. "I'm really not a Prostitute... I was an undercover by that time..." Putapete! Paano ba nya paniniwalain ang boss nya kung sa ganitong pagkakataon sya nag e explain?!

"I don't care... I just want you now..." bulong naman ng boss nya.. shet! Kikiligin na ba sya? Pwede na ba? Nalinis na nya ang pangalan nya? Pwede na talagang kiligin?

"iiiiihhhhhhh!!! Sandali!" Itinulak ni Anya si Jin kaya napakunot ito ng noo.

"What?!" Inis na reklamo nito.

"You have to believe me! Para kiligin na ako!" Nakasimangot na sabi ni Anya. Para lang bata.

"Tsk.. you want me to believe you that you are not a... Prostitute?" Inulit pa ni Jin.. maniniwala ba sya.

"Yes boss.. hindi ako ganun. Peksman!"

"Then what are you?"

"Ako si Antonia Quintana Ismael.. You're PA boss!" Confident na sabi ni Anya.

"a PA who warms her boss's bed?"

Naningkit ang mga mata ni Anya. Langya! Sobrang insulto na ang inaabot nya dito.

"I'm doing this because you want me to. I just want our house back."

"Then you are telling me that you are not that kind of a woman. What do you call your self?" Sobrang @Sshole lang talaga ng boss nya. Naningkit ang mga mata nya.

"Magkano ba ang kailangan ko para mabawi ang bahay namin sayo?" Mawalang galang na pero talagang pikon na sya eh. Tsaka nalang sya ki kiligin!

"Fifteen Million.." he smirked. "Hindi ko alam kung bakit hinaharang ng kuya ko ang pagpapa auction ng bahay nyo. Sabihin mo nga, did you also warm his bed para tulungan ka nya?"

"Masyadong madumi ang utak mo.. bakit mo ba kasi binili ang bahay namin? Sobra sobra naman ata ang fifteen Million! Four Million lang ang worth ng bahay namin ah! Ang dami daming ibang pwedeng bilhin yung amin pa ang pinili mo!" Nakakapanginit na talaga ng ulo ang boss nga. Nagkaroon sya ng confidence na sagutsagutin ito.

"I told you. I want you mine. Only mine. Wala ka nang kawala. Unless ayaw mo na ng bahay nyo."

"I'm not a prostitute." Muling sabi ni Anya.

"Fine!" Sagot nalang ni Jin to finish the conversation at bago pa maka angal si Anya ay siniil na sya ng halik nito.

Oh Gosh... Kung bakit ba naman kasi sa tuwing ganito ang sitwasyon nawawala na si Anya sa sarili.

Sa isang iglap nawala lahat ng mga iniisip nya. Ang mga alinlangan, ang takot at ang lungkot na pagkatapos ng lahat, sya pala ang talo. Posible kaya? Na mahalin sya ng taong ito kung iba naman ang tingin nito sa kanya? Kung wala silang naging simula? At higit sa lahat... sya ang boss at si Anya?

"You're making me crazy..." He said in between his breathe. He pinned her hands sa itaas ng ulo ng dalaga habang patuloy lang sya pag galaw sa ibabaw nito. Pinagmamasdan nya ang mga matang nakapikit nito, ang bahagyang nakaawang na mga labi. Ang makinis na leeg nito. He can't believe that everything about this woman is his. Sa kanya lang. Pero hindi pa din nya mapigilan ang mapaisip, nagtatalo ang isip nya. Siguro totoo na hindi sya tulad ng iniisip nya. Sana.. sana nga...

"BEBEKINGKING!!!!!!!!!!!" Nanlaki ang mga mata ni Anya sa sunod sunod na hampas sa pinto ng hotel room ni Jin. Maging si Jin ay natigilan din at napangiwi pa. Nagkatinginan pa sila. Hindi naman nagpapatinag si Jin, gumalaw galaw pa din ito sa ibabaw nya habang pumapalag palag naman si Anya.

"Bo..boss si ano.. si Aisha!!!!" Pilit na kumakawala sya sa boss nya.

"Tsk. Wag kang malikot! Nakalock yung pinto. Argh!" Hawak hawak pa din nya ang mga kamay ni Anya kaya hindi makawala ang dalaga.

"Hmmnn... mamaya na..." pilit na pinaglalabanan ni Anya angga kaganapan. Leche. Ang hirap pala!

"We have to finish this..." pagtapos ay mas binilisan pa ni Jin ang ritmo.. he claimed her lips at sabay nilang inabot ang tagumpay!

Nagmamadaling pumasok ng c.r si Anya. Nakakataranta naman kasi. Lalo na at hindi lang ata si Aisha ang nasa labas. Rinig na rinig din nya ang boses ni Knight.

Relax na relax namang nagbihis si Jin. Itinapon nya sa laundry basket ang mga damit nila ni Anya na nakakalat sa sahig. Pagtapos ay nagsuot sya ng sando at short.

"Nasan si Ms.Ismael?" Bungad ni Knight pagbukas na pagbukas ng pinto. Malamang nalaman na nito na hindi sa villa natulog si Anya.

Isang nakakalokong ngiti lang ang isinagot ni Jin. Tapos ay bumaling ito kay Aisha. "GoodMorning.." nakangiting bati nya dito.

Nagpalipat lipat naman ng tingin sa dalawa si Aisha. "Naiihi na ako!" Sabay pasok ni Aisha sa hotel room.. "nasaan ang banyo?"

Natatarantang nilapitan sya ni Jin. "Hindi pwede!"

"Bakit hindi pwede?" Naiinis na tanong ni Aisha. Naiihi na talaga sya. "Ah ayun ba?" At hindi na talaga sya nagpaawat at pinasok ang pinto na sigurado syang banyo. Dirediretyo sya sa inidoro at doon ay ginawa ng dapat nyang gawin. Pero habang ginawa nya iyon ay napako ang paningin nya sa gumagalaw na puting tela sa harapan nya..

WHITE LADY!

"AAAAAhhhhhhhhhHhhhhhhhhh!!!!!"

To be continued....

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon