Chapter 35

196K 1.6K 183
                                    

DEDICATED to all of you!.. oha oha magdededicate na ako ulit kapag nahukay ko ang mga messages sa inbox ko. lol =)

..

..

"Numero unong pinaka-importante sa panliligaw, dapat kilalanin mo nang husto ang liligawan mo. Mula sa paborito nyang kulay hanggang sa pinaka ayaw nyang pagkain." Umpisa ni Keo Agustin. Miyembro ng Black Kings. Numero unong bolero sa grupo ganun pa man romantiko din sya.

"Kilalanin mo din ang pamilya. Importante iyon para alam mo kung paano magpagood shot sa kanila." Sabi naman ni Eugene Choi. Miyembro ng Black Kings. Dating badboy pero goodboy na ngayon.

"Alamin mo din kung ano ang paborito nyang damit. Kapag maikling skirt. Sunugin mo." Advice mula kay Yance German. Pangalawang pinuno ng Black Kings. -___-

"Yaahh! Aso! Nasaan ang mga skirts ko?!" Biglang sulpot si Thalia Vega. Ate ni Aisha, muse daw sya ng Black Kings.

"Tsk! Sinunog ko na! Huwag ka dito! Usapang lalaki dito. Doon ka sa labas!" Bulyaw ni Yance kay Thalia. Nagpapapadyak namang lumabas si Thalia at ibinagsak ang pinto. Natulala ang buong grupo kay Yance.

"What?" Tanong nya sa mga ito.

"Should I include that in the list?" Inosenteng tanong ni Jin sa mga ito. Oo. Naglilista sya. Baka makalimutan eh. Sunod sunod na tango naman ang isinagot ng grupo.

"Dapat alam mo din ang weakness nya. Para kapag babastedin ka na, may panlaban ka!" May halong kindat na dagdag pa ni Hugo Ventura. Miyembro ng Black Kings. Tahimik pero malupet.

"Importante ang attire. Dapat bihis na bihis ka lalo na kapag haharapin mo ang magulang nya. Ako ang bahala sa damit mo bro!" Mula kay Rowan Wales, miyembro ng Black Kings. Pinaka pilosopo at matinik sa babae. Magulo din ang utak kung minsan at para sa kanya, sya ang pinaka fashionista sa buong gang.

"Tss. I don't give a sh!t about that." Tanging sabi ni Blade Ylanes nang tumingin na sa kanya ang ibang kagrupo. Hinihintay kasi nila kung ano ang i-a advice nya.

"Tsk! Palibhasa wala kang alam sa panliligaw!" Sagot naman ni Claude Ylanes. Sila ang pinakabatang myembro ng Black Kings. Twins sila pero magkaiba ang personality. Si Blade ay seryoso at tahimik. Si Claude naman ay loud at palabiro.

"Tol, kung ako sayo bubuntisin ko na para walang kawala!" Banat ni Claude pero tinadyakan ng kambal nya ang upuan nito dahilan para mabuwal ito.

"Tsk! Puro ka kalokohan!" Singhal pa ni Blade dito.

"But that is quite a nice idea." Sabi pa ni Jin. "But the thing is.. This girl have a one hell scary brother." Patuloy ni Jin.

"Pfft! Yun lang ba?" Biglang sulpot si Vinci Galvez. Myembro din ng Black Kings. Babaero. May bitbit pa itong isang galong ice cream na kasalukuyang nilalantakan nya. "Sus. Edi itanan mo! Kita mo tong si Eugene, ganyan ang ginawa sa kinakapatid ko!" Bitter na sabi ni Vinci na sinamaan pa ng tingin si Eugene.

"Mga g@go!" Biglang sulpot din si Knight Juston Estude. Ang mister ng leader ng Black Kings. CEO ng Estude Corp. Kuya ni Jin.

"Huwag kang makinig sa mga 'to. Just be your self bro. Just show her who you are and surely you'll get her. But anyway, who's the lucky girl? I wanna meet the girl na magpapatino sa kapatid ko." Saad ni Knight. Sincere sya sa sinabi nito. Hindi naman siguro ilalagay ni Jin ang sarili nya sa ganitong kahihiyan kung hindi sya seryoso hindi ba? Alam ni Knight dahil pinagdaanan na nya ito. Kahit pa nagmukha syang katawa tawa noon kasusunod sa mga ka-gang ni Aisha para ligawan ito. Sulit naman ang naging kapalit.

Nag-iwas ng tingin si Jin at hindi agad nakapagsalita. Nangiti pa sya sabay sabing. "Aalis na pala ako. May appointment pa ako today." Bigla ay tumayo sya pero hinarang sya ni Knight.

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon