Chapter 27.1

221K 1.6K 182
                                    

Isang awkward na agahan ang pinagsaluhan nina Anya, Manuel at Lenny. Walang umiimik sa kanilang lahat. Nagiiwasan silang lahat ng tingin. Kung titingnan mo nga naman kasi. Napaka awkward ng natagpuanh tagpo ni Anya sa kwarto ni Manuel. Parehong walang damit ang dalawa, nakaunan pa si Manuel sa dibdib ni Lenny. Habang parang bata pa na yakap ni Lenny si Manuel. How could that happen?

"Hmm... kain ka pa Manuel.." alok ni Anya ng pandesal kay Manuel.

"Sa palagay mo ba may gana pa akong kumain matapos akong pagsamantalahan ng kaibigan mong nakakadiri?" Sabi pa ni Manuel na tiningnan ng masama si Lenny. And knowing her friend? Naku.. hindi magpapatalo ito.

"Hoy bakla ka! Hindi kita pinagsamantalahan no?! As far as I can remember hinalikan mo ako, deny ka pa kasi ng deny na hindi ka bakla eh bakla ka naman pala talaga!"

"Sinamantala mo ang kalasingan ko!"

"Ikaw ang nagsamantala sakin! Sinamantala mo ang pagkabroken hearted ko!" Maluha luhang sabi ni Lenny. Nagpapasalit salit sa dalawa ang tingin ni Anya.

"Kasalanan ko bang tigang ka ngayon dahil iniwan ka ng jowa mo kaya sinamantala mo ang katawang lalaki ko?!" Tumaas ang kilay ni Manuel.

"Oh my ghad! You are so disgusting! I can't believe that i had sex with you!" Napatakip na sa mukha si Lenny.

"You are so disgusting!" Pagbabalik ni Manuel ng sinabi ni Lenny.

"Huh! Kaya pala enjoy na enjoy ka inulit ulit mo pa?" Humalukipkip si Lenny.

"Eewwwww!! Nakakadiri kang babae ka! Lasing ako! At hindi ko namamalayang babae ka pala! Wala ka kasing dibdib!"

"Aba't gagang to! Anong walang dibdib? Meron kahit papaano no! Kitang kita mo nga eh!" Namumulang sabat ni Lenny.

"Hoy babae! Kung hindi ka naglasing dito sa pamamahay ko edi sana virgin pa ako ngayon! Ikaw pa ngayon ang may ganang magalit? Ako na nga ang na haras dito?"

"Virgin ka pa?" Biglang sabat ni Anya. Gulat na gulat sya. Kahit si Lenny nagulat din.

"Oo! Kagabi yun bago dumating yang higad na yan dito!" Sabi ni Manuel sabay walk out at nagkulong sa kwarto nya.

"Nahiya naman ako.. virgin daw ang lolo mo.. kaya pala ang galing galing?" Bulong pa ni Lenny na tila inis na inis. Sya ang babae dito eh.. hindi ba dapat sya ang argabyado? Bakit baliktad ata?

..

..

..

Walang kibo si Manuel nang pumasok sila sa opisina. Tulala ito palagi at halatang walang gana. Panay na nga ang tanong ni Kevin kay Anya kung may problema daw ba si Manuel.

"Ms.Anya.. nabasted ba yang si Manuel?" Tanong pa ni Kevin habang tinutulungan si Anya sa pagxe-xerosx ng mga form.

"Huh? Ewan ko dyan.. baka may topak lang hayaan mo na." Sabi nalang ni Anya para hindi na gaanong humaba ang usapan. Malamang hindi lang matanggap ni Manuel na hindi na sya virgin. Ang masaklap, isang babae ang kumuha nito sa kanya. Napangiti si Anya, sana maging tunay na lalaki nalang si Manuel. Sayang ang lahi. Mabubuntis kaya si Lenny?

Buong trabaho busy ang boss nilang si Jin. Halos hindi nga ito nakita ni Anya sa buong maghapon. Nakakainis lang. Bakit ba sya naiinis? Eh kagabi lang magkasama naman sila. Namula pa si Anya nang maalala ang tungkol kagabi. Napaka bipolar ng boss nya. Shet! Kinikilig nanaman sya. Sobra sobra ang ngiti nya nang bigla ay may tumamang nakalamukos na papel sa mukha nya. Peste! Panira ng pagmumuni muni.

"Ano ba?!" Reklamo nya kay Manuel. Ang hitad na iyon kasi ang bumato sa kanya.

"Bakit ka ngumingiti? Wala kang karapatang ngumiti! Kailangan mong damayan ang pagluluksa ko!" Puno ng bitterness na saad nito. Malamang patungkol nanaman sa virginity nyang naglaho.

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon