Chapter 44

117K 1.8K 119
                                    

"Father, ako po'y nagkasala. Hindi na po mau-ulit father." Alanganing sabi ni Anya habang nasa Oratory ng simbahan sa Baclaran. Hinatak sya ng mga kaibigan nya para ikumpisal ang kanyang pagkakasala. Dalawang araw na din mula ng umalis sya sa mansyon ng mga Estude at ngayon ay nakabalik na sya sa dati nilang bahay kasama ang parents nya. Naiwan sina Ban at Kuya Patrick nya para magmanage ng farm nila sa Zambales.

"Ituloy mo iha..." mahinahong sabi ng Pari.

"Ayoko na po ituloy father. Masama po ang pagkakasala kong iyon." Napapikit pa si Anya sa kahihiyan akala mo naman nagkakakitaan sila ng Pari.

"Hindi ang pagkakasala mo ang ipina-patuloy ko sa'yo iha. Ang pangungumpisal mo." Mahinahon pa din si Father. Tingnan lang natin kung hanggang saan ang pasensya nya.

Napakamot pa si Anya. Umaandar nanaman ang pagka-tanga nya. Nakakahiya kasi kay father. Noon kasi ang kaibigan nyang si Yuko ang hinatak nila papuntang simbahan. Bakit ba kasi ang daling gumawa ng kasalanan pero ang hiram namang aminin ng pagkakasala.

"Kasi po father... ako po'y nagkasala..."

"Alam ko iha, kaya ka nga nangungumpisal hindi ba?" -_____-

"Mapapatawad po kaya ako ni Lord?"

"Mapapatawad ka ng Diyos iha. Ikaw ba ay naka-patay?"

"Huh? Of course not father!" >_<

"Nagnakaw ka ba?" O.o?

"Hindi po ah!" Napa-iling-iling pa si Anya

"Tao ba ito? Lugar?"

"Pangyayari father!"

"Two words! English?"

"Magpi-pinoy henyo po ba tayo father?"

"IHA, KUNG HINDI KA PA HANDANG MANGUMPISAL AY LUMAYAS KA MUNA DITO SA ORATORY. MAHABA NA ANG PILA SA LABAS IHA. MAARI KANG BUMALIK KAPAG BUO NA ANG LOOB MO."

Toinks!

...

...

...

"Hindi pa ako handa!" Sabi ni Anya sabay sumalampak sa tabi ni Lenny na kasalukuyang tulala sa dumaang gwapo. Nasa loob pa din sila ng simbahan. Wala pa naman kasing misa.

"Hindi ka nakapangumpisal?" Kunot noong tanong ni Yuko.

"Baka naman may balak ka pang ulitin kaya hindi mo maikumpisal na pinagnasaan at nakipags***ex ka sa Greek God mong boss." Walang habas na sabi ni Rae.

"Gaga! Tumahimik ka nga dyan! Mamaya may makarinig sa'yo eh." Siniko pa ni Anya si Rae. Gaga naman kasi talaga. Nasa loob sila ng simbahan tapos kung ano-anong kasalanan ang lumalabas sa bibig nya.

"Shh! Huwag nga kayong maingay. Nagko-concentrate ako dito eh!" Iritang sabat ni Lenny na kulang nalang ay tumulo ang laway sa gwapong nasa harapan nila.

"Ahh! Ack! Ouch!" Napatingin silang lahat kay Yuko na hawak hawak ang tyan nito at namimilipit sa sakit. "Araayyy!"

"Kayaaaahh! Manganganak ka na ata!" Natatarantang tili ni Anya para makakuha sila ng atensyon ng maraming tao. Nagkagulo ang lahat sa simbahan. Pati yung kuyang gwapo ay napatingin din sa kanila kaya naman sinamantala na ni Lenny ang pagkakataon. Hinampas nya ang matipunong balikat ni kuya sabay sabing. "Ano pa bang tinitingin-tingin mo dyan? Buhatin mo ang kaibigan namin!"

...

...

"Damien! Nasaan si Damien?!" Galit na galit ang manager ng Breakthrough nang biglang mawala si Damien sa set. May live guesting kasi ang banda sa isang noon time show.

"He went out to rescue his dream..."  Cool na sagot ni Jiro.

"What the heck you guys!? Bakit hindi nyo manlang pinigilan?!" Inis na inis ang babaeng manager na si Neyz.

"This is what you get when you stand on his way manager." Big smirked and showed his small cut lip to their manager.

Damien Friol is indeed unstoppable. Nang tawagan nya si Anya kanina at sabihin nitong nasa St.Lukes Hospital sya agad na kinabahan si Damien. Lalo na ng maputol ang linya. Halata din sa boses nito na natataranta sya kaya naman agad syang lumabas ng dressing room ng studio. Big tried to stop him but he punched him in the face. He wasn't thinking at all. He just want her safe. He can't lose her now. He drove fast to get in the hospital. Hindi nga nya nai-park sa tamang parking lot ang kotse nya agad kasi syang pumasok sa hospital.

"I need to know kung nasaan si Antonia Ismael.." agad na sabi nya sa information. Natulala naman ang nurse ng makita sya. Like hello? She is face to face with a hot star. BLAZING hot. Napatakip pa sa bibig ang babae , tila hindi makapaniwala at biglang hinimatay.

...

...

...

"Mars! Mars! Kayaaaah!" Hindi mapakali si Lenny habang nasa Operationg room. Oo nasa operating room nga ang mga kaibigan nya.

"Si Kenny! Si Kenny! Ay Dyosko nasaan na ang asawa mo?" Aligagang-aligaga si Anya sa pag-dial sa cellphone nya para matawagan ang asawa ng kaibigan nya. Pero dahil nga kasi sa sobrang pagkataranta kung kani-kaninong number na ang nadial nya.

"Punyeta ka Ken! Kanina pa ako tumatawag nasa St.Lukes hospital kami--"

'Antonia what happened?!' Tatlong salita. Iyan ang nakapagpatigil sa tuloy-tuloy na pagsasalita si Anya. Daig pa nya ang binuhusan ng malamig na tubig. That voice. Sh*t! Dapat kasi dine-delete na ang mga number ng nakaraan. Napakagat-labi si Anya. Dalawang araw palang ang lumipas. Nang umalis si Anya sa mansyon ng mga Estude ay hindi man lang sila nagkita ni Jin.

'Antonia!? What happened to you?!' Muli ay usisa ni Jin sa kabilang linya. Kasalukuyan syang nasa meeting nang magring ang cellphone nya. Hindi nya sana iti sasagutin pero nang makita nya kung sino ang tumatawag ay napilitan syang sagutin iyon.

"Ahmm.. ano.."

"Arayyyyyy! Ayoko na! Waaahh!" Hiyaw ni Yuko sa background na lalong nakapag-tuliro kay Jin at maging kay Anya.

'Anong nangyayari? Papunta na ako dyan!' Iyon lang nawala ma si Jin sa linya.

"Sh*t!"

"Ano bang ginagawa mo Anya?! Ako na nga ang tatawag ka Ken!" Sabay agaw ni Rae sa cellphone ni Anya.

"Mga miss bawal po kayo dito!!!"

Panglimang beses na sigaw ng mga doktor na naroon sa Operating room. Kanina pa kasi sila pinapalabas pero ang mas naka-kuha ng atensyon nila ay ang nurse na humahangos sabay sigaw ng "kayaaaahhh! Si Damien Friol ng Breakthrough nasa lobby!"

..to be continued..

A/N: Pasensya na po sa late na late na update. Medyo natuwa lang po ako sa pagrelease ng When Miss Gangster Meets Her Match sa mga bookstores. Nagpalaro din ako sa FB at namigay ng 2 free books. Magpapa-contest ulit ako sa twitter naman po baka bukas for 1 free book at baka isang THEGOLDMAGAZINE. Cover po pala ng magazine ang ACES ng Psicom at si Marcelo. Lahat din po kami ay may profile sa first issue nyan. Launching po ng magazine sa June 28 sa SM FAIRVIEW kasabay ng GOLDRISING 3. Discounted po ang mga books at may mga freebies na ipapamigay kaya sana makapunta po kayo.

Thank you pala sa patuloy na paghihintay nyo ng update. Sa gustong sumali sa pa-contest ko na malamang pagretweet lang, i-follow nyo nalang po ako sa twitter @sheywatty

Mwah!

It's Him! My Jerk Boss!Where stories live. Discover now