CHAPTER 7 part 2

268K 1.9K 143
                                    

Tahimik na pinagmamasdan ni Juliana Estude ang buong kaanyuan ng kaharap. Maganda ito, makinis at slim. Bagay na bagay dito ang suot nitong dilaw na chiffon blouse na may pangilalim na itim na tube, pati na din ang makintab nitong itim na slimfit na pantalon, napataas pa ang kilay ng matanda sa dilaw na wedge na suot ni Anya, mataas kasi iyon may 6inches siguro.

Napalunok ng sunod sunod si Anya ng mapansin ang tingin ni Juliana sa kanya mula ulo hanggang paa.. dati rati'y si Anya ang gumagawa noon, aba't ngayon ay sa kanya na ito ginagawa..

"Ah.. iha, saan mo binili yan?" biglang tanong ng matanda..

"Po?" napatingin naman si Anya sa wedge na tinitingnan ng matanda.. "ah.. hehe.. sa ano po.. Divisoria.. mura lang po yan!"

"Really?.. may Violet ba nyan?.. When I was younger, I used to own that kind of shoes.. ngayon nga lang hindi na pwede.. tsk tsk" nakangiting sabi pa ng madam na tila inaalala ang nakaraan..

"ahh talaga po?" awkward na tanong ni Anya. Hindi pa din kasi sya comfortable sa kausap, lalo na at lola ito ng boss nya.

Tiningnan lang ni Juliana si Anya, halatang pinipilit lang nito ang ngiti nya, aware si Juliana na tila natatakot sa kanya ang dalaga, sanay nanaman si Juliana doon, sa mga apo nya lang naman sya magiliw at dapat lang na matakot sa kanya si Anya lalo na at kinikilatis pa nya ito. Hinarang ni Knight ang mga detectives na hinire nya para alamin ang lahat ng tungkol sa bagong P.A ni Jin at nang tanungin nya ito ay pinagsabihan pa sya ng apo nya na huwag nang makialam at dahil nga hindi makakapayag si Juliana na wala syang alam ay heto sya ngayon, sa wakas nagkaron sya ng pagkakataon para questionin ang bagong P.A ng apo nya.

"Do you know my grandson personally?" tanong ni Juliana kay Anya.

"S..Si.. Boss.. err.. Kingson po?" alanganing tanong ni Anya..

"No. I'm talking about the CEO, Knight Estude."

"Po?!" hayan nanaman si Anya, natotorete na naman sya.. sasabihin ba nya na kilala sya nito dahil kapatid sya ni Patrick Ismael na asawa ni Ban? Paano kung ka close pala ito ng pamilya ni Ban? Baka mawalan sya lalo ng trabaho!

Napailing iling si Anya.. "hahaha.. hindi po!" tanggi nya kay Juliana kaya lalong tumaas ang kilay nito.

"Really? then why did he hire you? Sa pagkakaalam ko ayaw ng apo kong si BebeKingKing ng babaeng staff.. "

"BebeKingking?" ulit ni Anya, pinipigilan nyang tumawa.

"I mean.. Kingson.." paguulit ng matanda na pormal pa ding magsalita..

Pero bago pa makasagot muli si Anya ay biglang dumating si Knight sa restaurant kung nasaan sina Juliana at Anya.

"Mamu!!!!" tawag pa ni Knight sa Lola nya.

"What are you doing here?!!!" malakas at di makapaniwalang sabi ni Juliana nang makita si Knight na papalapit sa kanya. "I reserved this whole retaurant! Who let you in?!!!!" Bulyaw ni Mamu.. She's eager to gather information, her curiousity is killing her!

"Mamu! I own this restaurant and why are you with her?!" sagot ni Knight sa lola nya..

"Haharangin mo nanaman ako?! suwail ka nang bata ka!"

"Mamu! Please, just this once! leave it to me okey?" Paki usap ni Knight sa matanda..

"No! ayoko nang wala akong alam! Dalawa lang yan Knight, It's either Babae mo sya or you are up to something that's why you hired her.. I like my second thought, yes she's pretty! I know Kingson will fall for her.. Just tell me that SHE IS NOT YOUR KIRIDA!"

"What the hell is happening here?!!!!!!" dumadagundong ang boses ni Jin nang pumasok sya sa restaurant.

Lumukso lukso ang puso ni Anya.. Grabe lang! Nakakatakot magsagutan ang mga Estude at teka sino ang Kirida? at sinong mafafall? SASALUHIN nya basta gwapo!

Natahimik ang lahat sa pagdating ni Jin.. napanganga nalang si Knight sa tinuran ng Mamu nya.. Kirida? He will never do that!

"Antonia! Anong gulo ito?!!!" napapitlag si Anya nang marinig ang pangalan nya.. Napatingin sya sa Matandang Estude at kay Knight, tila humihingi ng tulong na sya ay sagipin mula sa ngayon ay papalapit nang si Jin Kingson Estude.

"A.. a.. " ano nga ba ang sasabihin ni Anya? Hahawakan sana ni Jin ang braso ni Anya pero napigilan ni Knight ang mga kamay ni Jin.

"Don't.." tanging nasabi ni Knight.. He promised Patrick that he will protect his sister, at naipangako din nya na hindi nito ipagsasabi na sister-in-law sya ni Ban sa kahit na sinong nagtatrabaho sa Estude Corp. dahil ayaw nga ni Anya ng special treatment.

Napatingin sina Juliana at Jin sa ginawa ni Knight. "She's my employee" matigas na sabi ni Jin sabay bawi sa kamay nya at hinigit sa braso si Anya na napasubsob naman sa dibdib ni Jin, kaya naman sinamantala ni Anya na samyuhin ang amoy ng Boss nya.. ang bango bango!

^......^

"I hired her!" sagot ni Knight kaya napatingin si Mamu sa kanya, lalong naguluhan si Mamu.

"You hired her for me!" -Jin

"Aishh! This is so Childish Kingson!" sabay hatak ni Knight kay Anya. Gusto mang samyuhin ni Anya ang pabango ni Knight ay hindi nalang nya ito ginawa, mamaya maakit pa sya, mahirap yun! kaya pinigil nya ang paghinga nya. "You don't own her!" dugtong pa ni Knight. Kung wala lang sigurong asawa si Knight, feel na feel na ni Anya ang mga nangyayari.

"SHE'S MINE!" That statement moved Anya away.. kung kanina pinipigil nya ang paghinga nya, ngayon hindi na sya makahinga! tama ba ang narinig nya mula sa Boss nya?

Napabitiw si Knight kay Anya, Tiningnan nya si Anya na may gulat na expression, nalilito. Ano ang ibig sabihin ni Jin? Did he fail to protect her as what he promised her brother? Ang pagkakaalam ni Knight, si Anya ay ang kapatid ni Patrick Ismael na di umano ay inosente, busilak at walang bahid dungis! Hindi nga daw makabasag pinggan yan ayon sa kuya nito.

Sunod sunod na napailing si Anya nang tingnan sya ni Knight. "Hindi ko po alam ang sinasabi nya!" sabay turo ni Anya sa boss nya. Takot lang ni Anya sa kuya nya.

Jin smirked and grabbed Anya's hand. "You already have her" He said then raised his hand entwined with his P.A. "but this girl? You can't take her away from me, I own her" Patuloy ni Jin sabay kinaladkad na si Anya palabas ng restaurant.

.. to be continued..

ANO ANG GAGAWIN NI JIN KAY ANYA? muahahahha!

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon