CHAPTER 9 part2

262K 2K 177
                                    

Tahimik lang na naghihintay si Jin sa labas ng bathroom.. At habang tumatagal ang paghihintay nya ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso nya..

..

..

Namangha si Anya sa laman ng paper bag.. Ilang ulit nya itong pinagmasdan at hinagod hagod ang malambot na tela nito. nang magsawa sya sa paghagod nito ay nagdesisyon na syang maligo.. Sinamyo nya ng husto ang amoy ng showergel ng boss nya.. ang bango bango lang, naiimagine nya tuloy kung paano kaya maligo ang boss nya sa loob ng bathroom na iyon. O.O

'BASTOS! bastos na kunsensya! paano mo nagagawang mag isip ng ganyan?! Mabuti nga at nagmalasakit pa ang boss mo na dalhin ka dito! take note may BONUS daw!' Napatakip sya ng mukha siguro pulang pula na ang mukha nya sa naisip.. naimagine nya kasi ang boss nya na walang pang itaas.. matigas kaya ang abs nya?

o_O

"waaaaahhh!! Anya baliw ka na nga!!" pinagalitan nya ang sarili at agad na binuksan ang shower..

"kayaaaahhh!! ang lamig!!!" at agad nya iyong pinatay, kasi naman hindi pa nya napindot ang heater eh kanina pa nga sya nilalamig..

Nang sa wakas ay matapos, sinipat sipat nya ang sarili sa tapat nang salamin.. suot suot na nya ang damit na nilalaman ng paper bag.. Matambok din naman pala ang pwet nya kahit pa kinulang sya ng kaunti sa hinaharap, napakapa pa sya sa boobs nya sabay simangot.. "Selfish na Yuko sinalo na lahat ang biyaya!" Singhal nya sa sama ng loob sa kaibigan nya na mula sa story ng author na may hango sa tunay na buhay ng kanyang Friendship.. sa mga hindi pa nakakakilala kay Yuko, basahin nyo ang LIKE I DO at tiyak maraming makakarelate, huwag nga lang tularan ang SPG doon dahil sadyang kahindik hindik ang mga kaganapan.. =p

Dahan dahan pang lumabas si Anya sa Bathroom.. nahihiya kasi sya baka mamaya naroon pa ang boss nya.. luminga linga sya sa paligid at nang masigurado nyang walang tao ay lumabas na sya..

..

..

Inis na umalis si Jin sa Condo nya pabalik ng opisina.. may emergency meeting daw kasi at kailangan sya ng kuya nya. Bihirang bihira lang magamit ni Jin ang Condo nya na iyon.. ang huli ay noong magkainitan sila ng kuya nya dahil kay Aisha.. noong gabing sinabi sa kanya ni Aisha na mas mahal nito si Knight.. ay Sheeeeeettt! bakit pa nga ba nya naalala ang bagay na iyon?.. napakatagal naman kasi maligo ng PA nya, mukhang pinaghahandaan masyado ang ikatlong gabi nila.. naalala tuloy nya ang mga naganap noong huling gabi nila nang makita nya ito sa underground bar na iyon.

Nagkagulo na ang lahat sa Bar nang matanaw nya si Antonia na tila naghahanap ng dadaanan kaya naman maagap na nahagip nya ito at kinaladkad palabas.. Noong una ay nanlalaban pa ito sa kanya pero kalaunan ay bumigay din ng siilin nya ng halik.. Tahimik lang ito habang tinatahak nila ang daan papunta sa Rooftop apartment ni Jin hanggang sa nakarating sila doon.. Sunod sunuran lang ang babae sa kanya, lahat ng gawin nya ay tinutugunan nito.. Hindi pa din nagbago si Antonia.. ang mga ngiti at ekspresyon nito na tila inosente ay ganoon pa rin katulad ng una nilang pagkikita.. pero sadyang nakaklinlang ang kainosentehan nito dahil ang totoo, trabaho nya ang mga ganoong bagay.. Sayang..

"Sh*t" napamura ulit sya ng maalala ang bawat detalye ng gabing iyon na nakapagpabuhay ng husto sa pagkalalaki nya.. "d@mn that B!tch!" gigil na nagmaniobra si Jin pabalik ng Condo nya..

..

..

Samantala, busyng busy naman si Anya sa paglilinis sa condo atleast nakakagalaw sya ng maayos dahil wala ang boss nya.. kung bakit ba naman kasi ang ikli ikli ng ibinigay nito sa kanyang maid's uniform eh!.. Pero infairness ang ganda ng tela, hindi kaya marape sya kapag lumabas syang iyon ang suot nya? Pero di bale, nilabhan nanaman nya ang mga damit nya.. wala pang 30mins ay nakaramdam ng matinding pagod si Anya kaya naman nahiga muna sya sa malaking sofa ng boss nya, inamoy amoy pa nga nya iyon, naupo siguro dun ang boss nya, amoy na amoy nya ang pabango nito doon.. ANG BANGO..

..

..

Panay ang ring ng cellphone ni Jin.. tumatawag ang kuya nya kaya naman pinatay nalang nya ang cellphone nya.. Nang marating nya ang floor ng Condo nya ay nagmamadali syang maglakad papunta doon.. tinatanggal na nga nya isa isa ang butones ng long sleeves nya habang naglalakad.. different images of his PA conquered his mind and now his eyes are field with lust.

BOOM!

Sa pagbukas nya ng pinto ay bumungad sa kanya ang natutulog na si Antonia She's lying comfortably on his couch while hugging a vaccum cleaner. But why is she hugging a vaccum cleaner? Napatingin sa paligid si Jin.. tila luminis ang condo nya.. sa pagkakatanda nya ay maraming basyo ng bote ng alak ang nakakalat sa dining table nya maging sa lababo.. hindi nya kasi pinalilinisan ang condo nya na iyon.. Chineck nya ang kwarto nya.. maayos ang lahat.. sandali palang sya nawala pero nakapaglinis na ang PA nya.. Muli ay napasulyap sya kay Anya, payapa pa din itong natutulog, nilapitan sya ni Jin at dahan dahang kinuha ang yakap yakap nitong vaccum cleaner. He watch her sleep solemnly.. She must be tired.. Hinagod nya ng tingin si Anya, She really got nice legs and a pretty face.. napangisi pa si Jin. Pero hindi naman nya dinala sa condo si Anya para patulugin lang doon.. He needs her. Right now!

"Hey.." He whispered slightly brushing his lips on her ears and tenderly caress her smooth legs..

"Hmmm.." she moaned but didn't wake up..

Tuluyan nang tinanggal ni Jin ang pangitaas nya pagkatapos ay muli nyang binulungan si Anya.. "wake up.." he whispered in a husky voice trailing her face with his finger tips..

Tila nakiliti naman si Anya.. unti unti ay nagmulat ito ng mata..

"Waaahhh!!!!!!"

Nagkagulatan pa sila ng sumigaw si Anya..

"Boss!! Bakit ka nakahubad!???!" napatayo pa si Anya sa harap ng boss nya tapos napaupo sya ulit ng makita ang abs ni Jin..

"Woaaahhh.. you worked out well.." nanlaki pa ang mga bata ni Anya habang nakatingin sa 6packs ni Jin at parang may sariling isip ang mga kamay nya na kumapa doon.. humimas himas.. tila kinakabusado ang bawat kurba nito at saka sya natauhan at napatingala sa nagmamay ari ng mala Greek God body..

O/////O

Then she saw him smirk!

"KAYAAAAHHH!!!!! naku sorry talaga boss!! ano lang kasi!!" sige lusot pa Anya! lumusot ka sa kagagahan mo!

"Ay lalabhan po ba to?" sabay iba ng usapan at pinulot nya ang damit ng boss nya na nasa sahig.. nauntog pa nga si Anya sa harapan ng boss nya, pero hindi na nya napansin kung saang banda sa harapan sya nauntog dahil sa pagkataranta at dumoretyo na sa loob ng Bathroon..

"ANTONIA!!!" malakas na tawag ni Jin kaya naman napabukas ng pinto agad agad si Anya sa bathroom.

"PO?!!!" bungad ni Anya na ulo lang ang nakalabas sa pinto.. nahihiya kasi sya sa napaikling Uniform nya na pang maid.

"WHAT ARE YOU DOING?!!" Inis na tanong ni Jin.. He badly needs her na talaga lalo pa ng tumama ang noo ng PA nya sa kanyang hukbong sandatahan..

"Doing the EXTRA SERVICE boss?! naglalaba pa po ako dito! tapos mamaya ko na po pupunasan yung kisame.." tapos nadistract nanaman si Anya sa katawan ng Boss nya at napalunok.. "Boss, gusto nyo pati yung pants nyo labhan ko na din? sama nyo na kaya pati yung panloob.."

Napangisi si Jin.. sabay lapit kay Anya.. then he slowly unbuckle his belt..

"Kayaaaaahhh!! Joke lang po boss!!" napapikit pa si Anya sabay sarado ng pinto..

Pulang pula na si Anya.. grabe lang! bakit ganun ang katawan ng boss nya? kaakit akit.. tapos naalala pa nya yung muntik nang tanggalin ng boss nya yung pants nya.. Napahigop si Anya sa laway nyang muntik nang tumulo sabay sabing "SAYANG!"

to be continued..

A/N: Natuwa ako masyado sa Story na to kaya eto muna in update ko hahaha.. Anyway, thanks sa mga bumabasa nito.. at hindi talaga ako mahilig mag A/N ng mahaba kasi lagi kong nakakalimutan kung anong sasabihin ko.. hahaha kaya THANK YOU nalang po! ^0^

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon