Chapter 14

263K 1.9K 169
                                    

ANNOUNCEMENT:

I together with WMGMHM sequel co-writers and Operators will be conducting a contest for our group "WHEN MISS GANGSTER MEETS HER MATCH open group" 1st Anniversary Celebration. I will be posting the details tonight upon finalizing the said event. Special Thanks to Althea Isabel Lee for suggesting this!

Happy Anniversary to us GANGSTERS!!!!

..

..

Nagising si Anya sa nakakasilaw na liwanag.. Ayaw nyang dumilat dahil masakit sa mata,muli nyang tinakpan ang mukha nya ng yakap na unan. Matutulog pa sya. Pero agad syang napaupo sa kama nang maalala nya kung nasaan nga pala sya. Nagulat pa sya nang mapagtantong wala na syang kasama sa silid. Hanep! Kung noon sya ang unang nangiiwan sa lalaking ito aba't ngayon sya ang iniwan! Iniligid ni Anya ang paningin nya sa kabuuan ng silid. Hindi nya gaanong napagmasdan iyon noon kasi nga madilim pa lang umaalis na sya pero ngayon mukhang napahimbing ang tulog nya. Nakasarado ang pinto samantalang nakahawi ang kurtina sa bintana kung saan tumatama ang liwanag. May maliit din na kitchen ang studio type na apartment. Tapos my pinto sa gilid ng kitchen na palagay ni Anya ay C.R. Napatingin pa sya sa nakasarang kabinet, maayos na nakahanger ang damit nyang suot kagabi sa handle nito. Pero sa loob kaya ng kabinet madaming underwear si Mr.Stranger?..

"Gaga ka Anya.." pinagalitan pa nya ang sarili, kung ano ano kasing kabaliwan nanaman ang naiisip nya. Tatayo na sana sya nang mapansin nya ang tila nakatakip na pagkain sa sidetable ng kama, agad nya iyon nilapitan at inusisa kung anong meron doon. Nagulat pa sya at kinilig nang makita ang isang tangkay ng bulaklak na rosas sa gilid ng platter na pinaglalagyan ng isang sandwich. May kasama pa ngang orange juice.

"Ang sweet naman ni Mr.Stranger..."sabi pa ni Anya sa kawalan sabay hablot sa bulaklak, aamoyin nya pa sana iyon kaso napagtanto nya na plastic lang naman pala iyon. "Ay langya! Plastic lang pala!" Nawala ang matamis na ngiti nya sabay balik sa bulaklak sa side table with bitterness pero muli ay napangiti sya at muntikan nanamang kiligin nang mapansin ang isang note. Kinuha nya iyon at binasa.

"Consider this day as your rest day. Don't go to work?" Napataas ang kilay nya at napatingin sa wall clock na nasa itaas ng bintana. "Kayaaaaahhh!!! 10am!!" Pabigla syang napabangon. Sino ba tong Mr.Stranger na ito para hindi sya papasukin sa opisina?

"Patay talaga ako nito kay Boss!! Naku naku!!!!" Nasabi pa nya nang makapasok sya ng tuluyan sa Restroom. Humarap sya sa salamin pero..."waaaaaaaahhhhhh!!!!!! MULTO!!!!!!"

..

..

..

"Wala pa ba si Ms.Anya?" Tanong ni Manuel kay Kevin.

"Tsk! Wala pa nga eh. Ano na kayang nangyari dun? Hindi ko macontact eh.." sagot pa ni Kevin na muling tinawagan ang cellphone ni Anya pero nakapatay pa din ito.

"Hayy.. buti nalang late si Sir.Jin kung hindi yari nanaman tong si Ms.Anya.."napabuntung hiningang bumalik nalang si Manuel sa table nya.. napasulyap pa sya sa bakanteng lemesa ni Anya, nakakapanibago lang kasi walang magulo.

...

...

Muntik nang basagin ni Anya ang salamin sa Restroom dahil sa pagkagulat sa nasaksihan pero mabuti nalang at hindi nya naituloy at nakilala na din nya sa wakas ang imahe nya sa salamin na halos hindi na makilala. Parang bangkay lang hindi ba? Ang magulo nyang buhok, ang kalat kalat nyang eyeliner at lipstick.. oh my ghad! Nakita kaya ni Mr.Stranger ang ayos nya ngayong umaga?

"OH MY GASSSSS!!!!!!!!" Bulalas ni Anya nang masilayan ang kanyang leeg at dibdib.. may parte kasi na pulang pula na nagkukulay violet pa doon.. "that Jerk put love bites on me!!! Kayaaaaahhh!!!!" Nagpapapadyak pa si Anya habang tila binubura ang mga Kiss marks na namuo sa leeg, collar bone at dibdib nya.. "that maniac! How could he!!!!" Hindi nya namalayan. Umiiyak na pala sya.. "G@go sya..." she sniff.. bakit ba kasi ang Tanga nya?... "Oh God.. I'm sorry...." nasabi nalang nya.. pakiramdam nya ang dumi dumi na nyang babae.. "oh God.. anong nagawa ko.. I'm sorry...." umiiyak na sabi nya.. Sa ikatlong pagkakataon naging makasalanan nanaman sya. Nagpadala. Nagpakatanga. Nagpagamit.

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon