Chapter 19

237K 1.6K 88
                                    

A/N: I will start working on Tuesday na kaya naman don't know if when ako ulit mag a update. Maybe during my off or I don't know. Hahaha I just got hired yesterday on my first try. Good thing I still made it after being out of track for 5years ^0^

Thanks to everyone and enjoy reading!

..

..

Nahihiya man ay kinapalan na ni Anya ang mukha nya sa pagpili ng mga gamit na kailangan nya. Wala nga kasi syang dala para sa biglaang outing nila. Ang sabi ni Knight kasama daw pati ang mga staff sa department nila. Ibig sabihin makakakita sya ng iba idbang klaseng abs sa Misibis Bay!

"Ate Anya, you should have chosen the yellow bikini pa dapat. Sayang naman ang ganda kaya and I'm sure na It's super bagay to you.." nakapout na sabi ng katabi ni Anya na si Althea. Kapatid ng ka Gang member ni Aisha na si Rowan.

"Hehe.. hindi ok na yung tatlo.. nakakahiya naman kay er.. Sir Knight." Naiilang na sabi pa ni Anya. Naghahanda na sila para sa kanilang pag alis. Sa dami ng nakatira sa bahay nila Knight, hindi na matandaan ni Anya ang mga pangalan ng mga ito.

"No.. It's ok lang kaya kay Sweetheart..." tapos ay malambing pang kumapit sa braso ni Knight si Althea kaya bonggang napanganga si Anya. Hindi ba nagseselos si Aisha dito? Pasimple pang tiningnan ni Anya si Aisha. Nakita naman nya ang pagkapit ng babae sa asawa nya. DEADMA. So... ibig sabihin ba nito pwede din makipaglink si Anya ng arms kay Knight? Napailing si Anya sa naisip. BAD!

"NINE BASTOS! Anong oras ba tayo aalis? Tsaka napano ba talaga yang leeg ni Amy? Sasabihin ba natin sa kuya nya na nadisgrasya ang leeg nya?" Tanong ni Aisha sa asawa nya. Nanlaki ang mga mata ni Anya, napatingin pa sya kay Knight. Iniiwasan nyang mapagsolo sila nito dahil alam nyang iyon ang tatanungin.

"No My Princess.. We have to keep this from her brother. Ako na ang bahala sa may gawa nyan kay Anya." Pagtapos ay nilapitan nya ang asawa at inakbayan pa. Napansin naman ni Anya ang pagsimangot at pag wowalk out ni Althea. Nawi-weirduhan tuloy sya sa mga tao sa bahay na iyon. Really. Kaninang umaga lang nagising sya sa ingay ng mga nagvivideokeng gang members ni Aisha. Tapos sa kusina may kumakain sa tapat ng ref. As in halos pumasok na nga ito sa ref, Vinci ata ang pangalan nun. Bukod don ay nahuli din nya yung lovers na sweet, sina Eugene at Eternity na nagsuswimming doon sa pool at ang sweet sweet nila habang nagkikiss. Shet! Naalala tuloy nya yung kiss ng boss nya! Grabe pakiramdam nya hinehele sya at sobrang nakakabaliw lang ang epekto ng boss nya sa kanya! Leche! Ano ba naman yang naiisip nya?

..

..

Halos isang oras ang binyahe nila Anya mula sa Legaspi Airport hanggang sa Missibis bay. Tuwang tuwa si Anya nang makasakay sya sa private plane ng mga Estude. First time nya kasing makasakay ng eroplano. Pero syempre hindi sya nag pahalata, nakakahiya naman kasi sa katabi nyang si Manuel. Oo tama tinotoo talaga ni Knight na kasama ang buong staff sa 21st floor! Sa wakas makikita na din nya ang abs ni Manuel! Matigas din kaya ito katulad ng sa boss nya? >\\\\\

"Everyone.. turn off all your cellphones! Gusto ko lahat kayo makapagrelax dito." Anunsyo ni Knight nang makababa na sila sa sasakyaan papunta sa kani kanilang Villa. Nakahiwalay ang Villa ng mga babae sa mga lalaki. Sa Villa kung saan titira si Anya ng 3days at 2nights ay kasama nya sina Aisha at syempre si Knight lang ang lalake tapos ay sina Thalia, Eternity at Althea. 3 ang kwarto sa Villa kaya naman may ka share si Anya.

"Anya.. maiwan muna kita ha. Hmmm Magkikita pa kasi kami ni Eugene ko." Napakaganda ng ngiti ni Eternity nang magpa alam ito kay Anya. Sya kasi ang kashare ni Anya sa room.

"Hipon!! Bilisan mo na dyan!!!!!!!!" Maya maya ay narinig ni Anya na may sumisigaw sa labas kaya napasilip sya sa binta. Nakita nya si Yance na binabato ni Thalia ng tsinelas.

"Hindi mo kailangang sumugaw aso!!" Bulyaw pa ni Thalia na lumapit na dito. Bakit pakiramdam ni Anya hindi sya belong sa Villa na ito. Ang yayaman kasi ng mga kasama nya. At isa pa may sari sarili silang kapartner. Hayyy....

"Ate Anya... would you like to come with us? Niyaya kasi ako ni Pervy na magpunta sa eco park nitong Island." Yaya ni Althea kay Anya nakasilip ito sa nakabukas na pintuan.

"P-pervy?" Kunot noong tanong ni Anya. May ka gang member ba si Aisha na pervy ang pangalan?

"I mean Keo.. his middle name is Pervy kasi..." seryosong sabi ni Althea.

"Ahhh..." tumango tango pa si Anya.. ibig sabihin ba lovers din sina Keo at Althea? Naku hindi nalang sya sasama at baka ma out of place pa sya sa sweetness nila. "Ay hindi na.. hahanapin ko nalang yung mga ka officemates ko.." palusot ni Anya.

Kung sana kasama nya ang mga kaibigan nyang sina Yuko, Lenny at Rae edi sana nakuha din nyang mag enjoy. Malamang magboboy hunting ang mga yun lalo na at mga greek God ang officates ni Anya syempre except nalang kay Yuko na married na.

Sa sobrang pagkamiss sa mga kaibigan ay kinuha nya ang cellphone nya para buksan taliwas sa bilin ni Knight. Nagulat pa sya ng agad na magring iyon. Tumatawag si Jerome. PATAY! Agad nyang pinindot ang cancel pero nagring nanaman iyon. Ang boss na nya ang tumatawag! Double DEAD!Sa pagkataranta instead na cancel ang pipindutin nya ay na accept nya ang call.

SHET!

Napatitig sya sa cellphone nya. Nasa kabilang linya ang boss nya. Ninenerbyos na sya. Dahan dahan nyang itinapat ang cellphone nya sa tenga nya.

(Antonia.. tell me please...) napakalamig ng bosses ni Jin. Feeling ni Anya matutunaw sya. (Antonia...) inulit pa nito ang pangalan nya. Kung ganito lagi sanaagsalita ang boss nya edi sana lagi syang kikiligin.

Bumuntong hininga si Anya... " hmm.. ano po kasi.. nandito pa kami sa-"

"Ms.Ismael!!! Sinong kausap mo?!!" Mabilis na nakalapit si Knight kay Anya. Naagaw agad nito ang cellphone nya. Tiningnan nito kung sino ang caller at agad na nagdilim ang paningin nito.

"Kingson. No matter how hard you try, hindi mo sya makikita. Fire her if you want. Kaya ko syang bigyan ng trabaho." Tapos ay in-end na ni Knight ang tawag. At binalingan si Anya.

"I told you not to turn on your phone." Nakakatakot na sabi nito. "Ms. Ismael, the moment your brother ask me to look after you I already considered you as my own sister. I take responsibilities seriously and I feel responsible for that fvckin hickey on your neck! Now tell me.. what else did my brother did to you?!" Nanginginig na sabi ni Knight. Halatang nagtitimpi ito. Fvcksht lang mas nakakatakot pa tong magalit sa kuya nyang si Patrick.

Napanganga tuloy si Anya. Hindi nya alam kung sasabihin ba nya o hindi. Nakakahiya.

"NINEBASTOS!!!!! Bakit mo sinisigawan si amy!!?" Nakapameywang na pumasok si Aisha. Naka usli pa ang tyan nito sa suot suot na two piece. Napatingin tuloy si Knight sa asawa.

"What the hell are you wearing?!!" Bulalas nito. Tapos ay hinila na ni Knight ang asawa

Palabas ng kwarto ni Anya. Nakahinga naman ng maluwag si Anya. Grabe.

..

..

"I want to buy that property kahit magkano." Ma awtoridad na sabi ni Jin sa kausap. Nanggigigil sya sa kuya nya. Nakumpirma nyang kasama nito ang PA nya at dinala pa ang buong staff nya. Wala din sina Aisha at buong Black Kings. At ngayon napag alaman nyang may hinohold na property si Knight sa bangko para hindi maipa auction. At property iyon na nakapangalan kay Patricio at Antonina Ismael. Mga magulang ni Anya.

Napangiti ng nakakaloko si Jin. May pinanghahawakan na sya ngayon. Hindi makakayang umalis sa puder nya ang PA nya once she knew that he is the new owner of her parents property.

Jin dialed a number while smiling devilishly. Wala syang planong magpatalo kay Knight. He already got Aisha. He can't just fool around with another girl. Definitely not with Antonia, because he already owned her.

"Get me a chopper in 20minutes." Utos nya sa sumagot sa kabilang linya. Good thing he was able to track where Antonia is nang tawag sya.

To be continued...

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon