Chapter 6

306K 2.1K 149
                                    

I dedicate this Chapter to my Ate.. First time na may mawawala sa siblings ko ng matagal.. ate sheila, mabilis lang ang 1 year! you can do it! wag kang iyakin sa pupuntahan mo, sana mabasa mo to when you get there.. Have a safetrip (she's on the way to Taif, Saudi to work on a military hospital) I wish you Success! I'm so happy for you! see you next year! I love you Mwah! Just always take life positively!

..

..

..

"WHEN ANYA MEETS THE BLACK KINGS"

"Rowan Wales nga pala miss beautiful.." ngiting ngiting pakilala ni Rowan kay Anya..

"Hugo Ventura" matipid pero may kasamang kindat na pakilala ni Hugo.. napakurap si Anya.. Pasko na ba?

"Claude Ylanes.. at yung tulog dun sa sulok kambal ko si Blade.. " sabi ni Claude na inginuso pa si Blade sa sulok ng rooftop.. "Pero kitang kita mo naman.." patuloy ni Claude na hinimas pa ang baba nya.. "mas gwapo ako hindi ba?"

"pffffftttt" pigil na tawa ni Thalia..

"Narinig ko yun ungas!" sigaw ni Blade habang nakapikit at nakasandal sa pader..

"May gwapo pa kasing nalalaman, wag mo kasing istorbohin si tatang! magsusunget nanaman yan.. Yance nga pala.." nakipagkamay pa si Yance..

"Nagsalita ang hindi masunget!" banat naman ni Thalia..

"Masunget ba ako BABY?" tanong pa ni Yance kay Thalia, pinagdiinan nya talaga ang salitang BABY.. Inirapan lang sya ni Thalia..

"I'm Thalia.. wag kang magpapa paniwala sa mga mokong na to ha?.." sabi ni Thalia "nasan na ba si Vinci?" tanong nito sa grupo..

"Bakit ba hinahanap mo nanaman si Vinci?" sabat ni Yance, nagpalipat lipat ang tingin ni Anya sa dalawa, may relasyon ba sila? baby daw eh? pero bakit palagi ata silang nag aaway? kanina pa kasi napapansin ni Anya ang bangayan ng dalawa mula pa sa classroom kung saan sya nakisit in.. at nakita na din ni Anya si Nadi Fernandez, ang binabantayan ni Jerome Legaspi.. maganda pala si Ms. Nadi.. naputol ang pagliliwaliw ng isip ni Anya nang dumating si Aisha, iniwan kasi sya nito sandali sa grupo, kasama nito ang ibang miyembro ng gang nila.. nakilala na nya ang mga ito.. at talaga palang gwapo ang mga iyon.. madalas nya kasing marinig ang pangalan ng mga ito sa Campus nila.. bibihira ang mga commoner na nakakapasok sa VIP building.. at talaga palang magara at mayayaman ang estudyante doon.. Naputol ang pagiisip ni Anya nang dumating si Aisha..

"Kamusta.. Amy?" tanong ni Aisha kay Anya na ininspect pa ang katawan nito.. Sino pala si Amy..

"Anya.." pagtatama ni Thalia kay Aisha..

"Eh gusto ko Amy eh! bakit ba?" -_____- Pagpupumilit ni Aisha.. maipilit lang talaga..

"Ayos naman ako!" sabi ni Anya na nahihiya pa sa ginagawa ni Aisha na pag iinspect sa katawan nya..

"Good! kumpleto ka pa naman pala Amy.. ang sabi ni NineBastos ingatan daw kita.. nagpanic nga sya nung sinabi kong iniwan kita sa mga to!" sabi pa ni Aisha na itinuro ang mga lalaking ka gang nya..

"Dapat kasi sakin mo iniiwan itong si Anya master.. siguradong safe sya sakin.." banat naman ni Keo.. pero binatukan sya ni Aisha..

"Magtigil nga kayo.. teka nasaan si Vinci?" tanong ni Aisha nang mapansin na wala si Vinci..

"Parang kanina lang nakita ko syang may kausap na babae?" hindi siguradong sabat ni Eugene..

"Aaaaaaahhhhh!!!!!!" biglang litaw naman si Vinci sa rooftop na nakuha ang atensyon nilang lahat! "mga dude kapag may naghanap sakin sabihin nyo wala ako dito ha?!" sabi pa ni Vinci sabay tago sa likod ng malaking tanke ng tubig.. "Hi Anya!" kumindat muna sya kay Anya nang madaan nya ito..

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon