chapter 26

219K 1.5K 133
                                    

A/N: hindi ko na idinetalye ang BS. Nakaka umay kapag puro bs hindi ba? Let's just move forward. At since late nanaman ako sa trabaho, i'll consume my time typing an update.

..

..

Hindi makapaniwala si Jin sa mga nararamdaman nya. Did this girl already heal his broken heart? Ewan pero yung saya nya iba talaga kapag nasa paligid lang ang PA. Nakakatanggal ng stress, nakakamotivate magtrabaho araw araw. Hinawi nya ang buhok ng katabi na nakatabing sa mukha nito. Tanging isang makapal na kumot lamang ang bumabalot sa kahubdan nila. Oo, nangyari nanaman. Kahit pa anong klaseng pagpipigil ni Jin sa sarili hindi nya magawa. Isang tukso ang kasama nya, magandang tukso. Sana nga hindi sya katulad ng iniisip nya noon. Unti unti na syang naniniwala kay Anya.

"I was an undercover agent noong nakita mo ko sa bar. I need the money to get our house back." Naalala nyang sinabi ni Anya kanina. "I was crazy on our first night, I stole your brief as a remembrance." Pag amin pa ni Anya. Natawa tuloy si Jin nang maalala ang mga pinagsasasabi ng katabi kanina.

"Anong tinatawa tawa mo dyan? Naiinlove ka na sakin no?" Biglang sabi ni Anya, nagising ito nang maramdaman ang isang kamay na humihimas sa ulo nya.

"You're crazy..." natatawang sabi ni Jin.

"I'm crazy because of you boss.." sagot ni Anya.

"Dapat lang.." mayabang na sagot ni Jin kaya nabwiset si Anya.

"Ang conceited. Che!" Sabi ni Anya sabay irap at saka tumalikod. Tumawa lang si Jin at saka niyakap si Anya mula sa likuran. Napapitlag pa si Anya nang maramdaman ang isang bagay na tumutusok sa likuran nya. Then she felt his soft lips kissing her shoulder.

"Antonia..." he whispered on her ears. Kahit pa makaluma ang pangalan ni Anya kung si Jin naman ang bumibigkas lahat nagiging bago. Nakakalasing ang paghaplos nito sa katawan nya. Sino ba ang hindi madadala? Babae lang din si Anya, isang common na babae na ngayon ay sinasamba ng isang Jin Kingson Estude.

..

..

..

"Grabe kababaeng tao mo ang lakas mo uminom." Okray ni Manuel sa kaibigan ni Anya na si Lenny. Wala na kasi syang nagawa nang magpumilit itong pumasok sa condo nya.

"Ikaw naman kagwapo mong tao bading ka! " ganti ni Lenny, kanina pa kasi nya naamoy ang pagkapaminta nitong si Manuel.

"Bading? Sinong bading?" Defensive na sabi ni Manuel.

"Ikaw! Alangan namang ako eh may matres ako no!"

"Hindi ako bading no!"

"Wehhhh?? Di nga? Sige nga, sino paborito mong singer?" Tanong ni Lenny.

"Si ano.. si Lady Gaga.."

"Confirmed Bading ka!"

"Ay hindi! Si Justin Bieber pala!"

"Edi mas lalong bading!" Natatawang sabi ni Lenny.

"Bakit kapag ba lalaki sino dapat ang favorite singer?" Nacurious tuloy si Manuel kaya lalong natawa si Lenny..

"Hahahahhahahaha!!!! Nakakatawa ka..." panay lang ang tawa ni Lenny..

"Hindi ako bading!!!!" Asar na sigaw ni Manuel sabay hinalikan si Lenny para patunayan na hindi sya bading.

..

..

..

Maaga hinatid ni Jin si Anya sa building kung saan naroon ang condong tinitirhan nya. May pasok pa kasi sila sa opisina at mahigpit na bilin ni Jin kay Anya na bawal syang malate . Feeling nga ni Anya nasa ulap sya habang naglalakad papunta sa condo ni Manuel. Pagbukas nya ng pinto ay nagulat pa sya sa mga kalat sa sala. Ang napakalinis na si Manuel hindi nagligpit ng mga pinag inuman? Tinungo ni Anya ang kwarto at doon ay nabother ang katawang dyosa nya sa nasilayan.

"Kayaaaaaaaaaaaahhhh!!!!!!!!" Tili ni Anya.

"Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh" tili din ni Manuel.

"Ang ingay! Pshh!" Reklamo ni Lenny.

To be continued..

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon