CHAPTER 15

254K 1.7K 68
                                    

A/N: today is July 30! Magpapagames po ako later at 8pm sa WMGMHM FB group page! Naka 1year na ang group! Thanks sa lahat ng gumawa,bumuo, members at patuloy na sumusuporta sa group! Kung may games syempre may premyo? Sino gusto ng load? May chance ka din na mapaextra sa story ^0^.

...

...

He circled his thumb on the love bite on

her collar bone. Then look at her intently..

"I did this..." his voice is deep.. parang pabulong lang iyon. Parang nangaakit lang..

>.> naman eh! Seryoso dapat!

"You knew all along...." it was a statement.. matapang na tiningnan din nya sa mata ang boss nya... then suddenly she felt a soft warm and wet thing on her lips. Hindi na nya nakita ang nangyari basta ang alam nya papalapit ang mukha ng boss nya sa kanya, and all she can do is to close her eyes and feel.. fly... her mind is totally blown away!

'Oh my ghad! My boss is kissing me!' Nagwawala na ang sistema ni Anya.. Hindi pa din sya makarecover sa mga nangyayari sa kanya. She just asked mercy to God for she have sinned but now she is starting another sin to confess with? Ano nalang ang sasabihin ng Pari sa kanya? Na ang landi landi nyang bata?.. nakow! Masakit pa naman makabatok si father!

"Now..." napadilat nalang si Anya nang magsalita na ang Boss nya. Grabe lang! Tapos na ba yung kiss? Baka mamaya nakanguso pa sya.. nakakahiya! Inayos pa ni Jin ang scarf ni Anya para matakpan ang mga bakas ng kasalanan at saka nagpatuloy sa pagsasalita.. "you will keep our little secret and you'll go to your table and do your job." Sabay ngumiti pa ng nakakaloko si Jin at tumalikod na para umupo sa Swivel Chair nya at nagbasa muli ng mga papeles na naroon. Parang walang nangyari.

Samantalang si Anya nabingi na sa lakas ng tibok ng puso nya.. ilang sandali pa syang natulala pero maya maya ay lumabas na din sya ng office ng Boss nya.

..

..

Nasa alapaap.. iyan ang pakiramdam ni Anya mula pa kanina.. nawala na ata ang kalulwa nya. Kanina pa sya tulala mula nang lumabas sya sa silid ng Boss nya.. maya mayang napapangiti tapos mapapahipo sya sa labi nya tapos yayakapin pa ang sarili nya, kulang nalang manghuli sya ng imaginary lamok sa ere sabay kain tamang tamang baliw na talaga ang dating nya.

"HOY!!!" Sabi ng isang gwapong boses na pumalo pa sa tapat ng table nya.

"Ay Hoy!" Nagulat naman si Anya sabay hampas sa braso para makachansing kay Manuel. "Ano ka ba naman! Bakit nanggugulat ka!?" Bulyaw nya dito dahilan para makuha nila ang atensyon ng isa pang gwapong si Kevin.

"Kanina ka pa kasi tulala dyan! Lunch break na!" Sabi naman ni Manuel.

"Kung aayain mo lang akong magdate ay nako! Hindi pwede..." umiling iling pa si Anya. Kahit pa gwapo tong si Manuel at nalaman pa nya ang sikretong pagtingin nito sa kanya ay kailangang iconsider din nya ang Boss nya. Ibig bang sabihin nito ay in a relationship na sila ng boss nya?.. sobrang namula si Anya sa naiisip..

"Asa ka naman.." sagot pa ni Manuel sa kanya.. "baka lang gusto mong sumabay samin ni Kevin" sabi nito na nagiwas pa ng tingin.

Napansin naman iyon ni Anya. Nahihiya lang talaga siguro si Manuel lalo pa at nalaman na ni Anya ang pagkakagusto nito sa kanya. Nilagyan kasi ni Manuel ang picture ni Anya ng sticker na puso at nakatago pa sa wallet, o diba parang highschool lang? At take note ha.. tatlo talaga sila sa picture na yun pero talagang tinupi pa iyon ni Manuel para si Anya lang ang masisilayan nya na may puso pa na saktong sakto sa mukha ni Anya.

"Ililibre nyo ba ako?" Ayan na nabuhayan ng loob si Anya. Nagtwinkle twinkle pa ang mga mata nya. Tiningnan lang sya ni Manuel sabay buntung hininga. "Sige na nga.. tara!"

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon