Chapter 31

209K 1.6K 99
                                    

"Aish! Bakit ang daming tao?" Iritang sabi ni Damien nang marating nila ang isang park. Nagising pa si Anya mula sa mahabang pagtulog sa byahe. Sakay sila ng sasakyang Porche ni Damien. Pasimple pang pinunasan ni Anya ang tumulo nyang laway nang makitang nakatingin si Damien. Nakangisi pa ang loko.

"Nakita ko yun.. " nakakalokong pangaasar nito.

"Tsk.." namumulang umirap pa si Anya. Nakakainis kasi ang gwapo ng ex nya at isa pa bakit kala mo walang nagbago sa kanilang dalawa. Parang ang komportable pa din nila sa isa't isa.

"Tulo laway.." pangaasar pa ni Damien.

"Ano ba!" Sabi ni Anya sabay irap. Nakakainis talaga kailangan bang ipagkangalandakan ang pagkapahiya nya.

" tu.Lo.La.Way" paguulit ni Damien.

"Yaah!" Inis na sinapak naman sya ni Anya.

"Aray!" Reklamo ni Damien na napahawak pa sa ulo nya na sinapok ni Anya. "Tsk tsk tsk.. Grabe! Wala ka pa ding pinagbago Anya, amasona ka pa din. Girlfriend kong amasona.." umiiling iling na sabi ni Damien.

Namula pa si Anya. Tae bakit nakakakilig? "Ex-Girlfriend" pagtatama ni Anya.

"Isinusumpa ko na hindi matatapos ang araw na ito nang hindi kita nagiging girlfriend ulit!" Inis na sabi ni Damien.

"Asa ka!" Bwiset na sabi ni Anya.

"Wanna try?" Kumindat pa si Damien.

"Mukha mo!"

"Try me."sagot ni Damien na inistart nanaman ang makita ng kotse.

"Oh san tayo pupunta?" Pagtataka ni Anya. Ilang oras na ba sila bumabyahe at hanggang ngayon wala pa din silang mapuntahan?

"Sa lugar kung saan solo kita! Asar dito daming tao eh." Saka nagmaniobra si Damien at tanging irap lang ang nasagot ni Anya. Grabe! Ano ba dapat ang isagot nya? At bakit nga ulit kumakabog ang dibdib nya?

..

..

..

"Kingson. Bakit ba panay ang tingin mo dyan sa cellphone mo?" Usisa ni Justavo Estude sa anak. Kasalukuyan silang nagbobonding mag ama sa swimming area ng mansyon.

"May hinihintay ka bang tawag?" Sunod na tanong ng ama nya.

"Wala.." tanging sagot ni Jin na tumayo mula sa upuan sa gilid ng pool at saka nagdive sa swimming pool. Napapailing nalang na pinanood ni Justavo ang anak sabay pasimpleng kinuha ang cellphone ni Jin. Binuksan nya iyon at nadismaya dahil may pattern lock pala iyon. Sayang!

..

..

..

"Tagaytay? Nasa tagaytay tayo?" Hindi makapaniwalang sambit ni Anya nang makita ang sign board na nagsasabing "this way to People's Park"

"Galing! Kanina pa tayo nagbabyahe ngayon mo lang nalaman na nasa tagaytay tayo?" Tuwang tuwang sabi ni Damien.

"Waaaah! Nakakainis ka wag mo nga akong pagtawanan!" Asar na naman si Anya. Eh kasi naman ngayon lang sya nakapagfocus sa daan. Bukod kasi sa nakatulog sya kanina ay lumilipad din ang isip nya. Nakakainis lang kasi ang boss nya. Hindi manlang magtext! Kanina pa din natetempt si Anya na magtext pero bakit naman sya ang mauuna na magtext? Wala naman syang ginawang mali? Di ba?

"Oh bakit lumagpas tayo sa sign board?" Puna ni Anya nang hindi pala sila sa People's park pupunta.

"Madami ding tao dyan. Ayoko sa lugar na madaming istorbo." Seryosong sagot ni Damien.

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon