Chapter 33

199K 1.7K 166
                                    

A/N: Hi Gangsters! I have a good news. When Miss Gangster Meets Her Match will be published soon by VIVA PSICOM. Sa mga nakabasa na sana bumili po kayo kasi madami akong i a-add na chapters doon at babaguhin ko at magdadagdag ng parts sa ending. Kung naaalala nyo pa po. Medyo minadali ko kasi iyon matapos noon dahil ako'y manganganak na at magiging busy. Kaya naman ngayon ko na idadagdag.

Sana patuloy po kayo sumuporta at magbasa. This is not gonna be possible without you readers and also with the help of all my OP's.

Again, Thank you so much and please support GoldRising2 sa market-market! Nandoon daw si James Reid! Punta kayo!

-shey-

.....

.....

Matagumpay na natapos ang gig ng Breakthrough. Sa buong gig ay sari saring ala-ala ang nagbalik kay Anya. Mga bagay na ginagawa nila noon ni Damien. Kung paano nila minahal ang isa't isa, lahat ng kacornihan nila sa pagliligawan. Uso kasi ang throwback kaya nakikiuso sya. Pero ang weird doon, bakit sya ngiting ngiti?

"Ano? Nagustuhan mo ba ang mga kanta namin?" Putol ni Damien sa pagiisip ni Anya.

Nakangiting tumango si Anya. Nagulat sya ng biglang hawakan ni Damien ang kamay nya. Napatingin pa si Anya sa paligid. Baka mamaya makita sila ng mga fans. Pagnagkataon baka mapaaga ang kamatayan nya sa istoryang ito, ayaw nya yun! Sayang ang ganda at isa pa sya ang nida dito, kailangang sulitin ang exposure. Nasa backstage pa naman sila. Agad na binawi ni Anya ang kamay nya kaya nagbago ang expresyon ni Damien.

"Baka may makakita..." nagaalalang sabi ni Anya.

Napayuko si Damien. Halatang nabadtrip ito. "So, It's still a no?"

"Damien..." tanging nasabi ni Anya.

"Maghihintay ako. I'll never stop kahit alam kong may iba ka nang gusto. Sakin ka din babalik." He said na parang siguradong sigurado sya. Napatigil si Damien sa pagsasalita at napako ang paningin sa isang direksyon. Napamura pa sya. "Shit!" May paparazzi kasi na palihim na kumukuha ng pictures nila. Mabuti nalang nakatalikod si Anya.

Nagulat si Anya nang biglang hubarin ni Damien ang tshirt nito. Ano ba namang lalaki ito, napakahilig maghubad sa harapan nya! Hindi ba nito alam na abs ang kahinaan ni Anya?

"Anong ginagawa mo?!" Nanlalaki ang mata ni Anya. Ganito ---> O.O NAKANGANGA PA. Itinalukbong ni Damien ang tshirt nya sa ulo ni Anya sabay hinila ito papunta sa parking area. Medyo malayo ang parking sa venue kaya madami pa silang nakasalubong na media at fans. Pinagkaguluhan sila at halos habulin na. Ay mali! Hinahabol na pala sila!

...

...

Nanlaki ang mga mata ni Patrick Ismael nang mapanood ang breaking news sa tv. Nasa condo sya ni Jerome at doon mananatili ng dalawang araw dahil may bago silang kliyente sa Maynila. Unti unti ay lumalago na muli ang kabuhayan ng mga Ismael. Mula pagdating nya noong hapon ay hindi pa nya macontact ang kapatid nya at ngayon sa tv nya ito makikita? Kahit pa nakatalikod sa mga pictures at may takip ang ulo ay kilalang kilala nya ang kapatid nya! Lalo pa at si Damien Friol ang kasama nito.

"Pare hindi yan si Anya..." comment pa ni Jerome, ang totoo nyan alam na nito kung saan nakatira si Anya, hindi lang nya sinasabi kay Patrick lalo pa at isang lalaki ang kasama nito sa condo, pero dahil nga isa syang nbi agent, nagawan na nya ng back ground check si Manuel. Alam na nya ang kulay nito. Isa itong neon green na may halong Pink. Kumbaga sa showtime, pogay! Tawag ng mga sosyal 3rd sex. Para sa mga normal na tao Beki. Sa mga hindi gaanong normal, shokla, bakla, bading, juding. Ang mga haters naman, salot ang tawag sa kanila. Hindi ba nila alam na kung walang katulad ni Manuel black and white ang planet Earth? Duh!

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon