Chapter 10 part 1

264K 1.6K 45
                                    

"Kayaaaaahhh!! ang gwapo SHEEEETT!!!!!" todo tili si Lenny sa tapat ng Laptop ni Anya.. kasalukuyang nasa bahay sila ng kaibigan nilang si Yuko at ngayon ay asawa na nitong si Ken.. Ewan nga ba ni Anya kung bakit nainlove tong si Yuko sa Pugong si Ken, bukod kasi sa presko na ito ay nagawa pang lokohin ng taga planetang tralala na Ken na yan tong si Yuko noon, ang bruha naman nagpauto! Pero bago maikwento ng author ang buong istorya ni Yuko eh basahin nyo nalang sa LIKE I DO nakakapagod kayang mag type..

"Ang gwapo pala talaga ni Mr. Estude sa personal!!" dagdag pa ni Rae.. Apat na buwan nang nagtatrabaho si Anya sa Boss nyang si Jin.. at tulad nga ng napagkasunduan ay may ginagawa syang extra service para dito kapalit ng malaking sweldo.. so far.. maayos naman ang set up nila ni Jin.

"Oo nga ang daya mo naman! Bakit di mo naman sinabi na sa kanya ka nagwowork! nagiging malihim ka na!" Tuya pa ni Yuko kay Anya..

"Psshhh! Patingin nga!" Sabay hablot naman ni Ken sa Laptop nyang gamit ng magkakabarkada.. Isang buwan na rin ang nakakaraan ng ikasal sila ni Yuko, at buhat noon ay naging bagong tambayan ng magkakabarkada ang bahay nila. "Tss mas gwapo pa ko dyan!" sabi naman ni Ken sabay patay ng laptop, hindi na nya shinut down iyon, nagselos siguro kasi pati ang asawa nyang si Yuko nakikiayon din sa mga kaibigan nito.. na gwapo daw yung kung sino man yun!

"kayaaaahhh!!! bakit hindi mo shinut down?!!!!!!" Sabay hampas ni Anya sa braso ni Ken, halata namang napalakas ang hampas nya dahil umaray si Ken.

"yaaahh!! bakit hinahampas mo ang Kennybabes ko?!!" suway naman ni Yuko kay Anya..

"Gaga! yung tinype mo para sa blog mo hindi pa nasave goodluck kung maretrieve mo pa yun!" Sabi naman ni Anya.. Nanlaki ang mga singkit na mata ni Yuko, pati na din ang kay Ken..

"Yukobabes.." mahina at halatang kinakabahan si Ken.

"Walangya!" sabay hampas ni Yuko sa asawa..

"Sorry na! Aray!.. Hindi ko naman alam eh!"reklamo ni Ken habang hinahabol sya ng hampas ng asawa..

..

..

..

"Kingson, sa condo ka nanaman ba uuwi?" tanong ni Justavo Estude sa anak nyang si Jin..

"ah opo Dad." maikling sagot ni Jin bago paluin ang bola ng golf, kasalukuyan kasi silang naglalaro ng golf..

"Napapadalas ata ang uwi mo doon?" tanong muli ng ama..

"Hindi naman Dad.. mas komportable lang po kasi ako doon sa ngayon" sabi ni Jin sabay iwas ng tingin.

"Are you by any chance, Dating again?"

"Dad.." sagot ni Jin with a warning tone.

"o baka naman may kinalaman dito ang pagiging ama ko sa iyo kaya unti unti ka nang umaalis sa mansion." sabi pa ni Justavo. Dahil nga hindi naman si Justavo ang Biological father nya kundi ang ninong nya na namatay kasama ang Mommy nya. (alamin sa When Miss Gangster Meets Her Match)

"Dad.. please.. It's not about that.." ibinaba ni Jin ang Golf club nya at tumungo sa malapit na open tent saka kumuha ng bottled water at uminom.

"Then, are you dating?" Pangungulit pa din ng ama na sumunod din kay Jin.

Bumuntong hininga si Jin at saka tila nag isip.. "It's actually not like that.." alanganing sagot nya.

"ow.. So you are just Playing again.. with girls.. I wonder why there are no Check-in records sa mga bills mo.. are you bringing girls in your condo?"

"Dad!-" Halos maibuga ni Jin ang tubig na iniinom nya.. "No! I mean, Hindi ganoon! but right now, I'm not dating! No more questions!"

"Ganoon ba? well.. Inaalam ko lang naman anak, baka lang sakaling may maitulong ako. You know-" tumikhim muna ito bago ituloy ang sasabihin. "in few months madadagdagan na ang pamilya natin. I just want you to be happy about it." pagtutuloy ni Justavo. He knew Jin loves Aisha so much that it is not easy for him to move on lalo na at lagi pa nya itong nakikita.

"I'm happy about it." sagot ni Jin

"But you are still hurting.." pahayag ni Justavo.

Saglit na nabalot ng katahimikan ang paligid, at dahil nga umaga sila nag golf ay hindi kuliglig ang umaalingawngaw sa paligid kundi mga ibon.

tweet tweet tweet tweet

tweet tweet tweet tweet!!!

"I have been hurting all my life Kingson.. ayokong maranasan mo yun. Hindi mo man naramdaman ang pagiging ama ko sa iyo.. pero maniwala ka, I care for you like my own son.. pati na din kay Knight, hindi man kayo totoong laman at dugo ko para sa akin mga anak ko parin kayo.. When i won the Presidency pinapunta ko kayo sa America ng kuya mo, That is not for me to keep my image, that is for the two of you to keep your life and privacy.." He paused and drink water. "Mga lalaki kayo, and worst, you guys are on your peak that time.. lalo ka na, you always thougth na mas mature ka sa Kuya mo, But the truth is, you are more childish than him.." Napatawa pa si Justavo na akala mo ay may naalala..

"Dad, stop the drama please!" Tila naiinis naman si Jin.

"The thing that you did in the mansion during Knight's Engagement is the most childish thing that you ever did!hahahahahaha!" Natawa pa ng malakas si Justavo. That was the time when he hid under the table tapos ay binuwal nya ang lamesa at itinakas si Aisha.

"Tss! I did everything. Pero hindi parin sya sakin napunta." He smiled painfully. Inakbayan sya ng ama na tila inaalo.

"Son.. That's what I want you to do now.. Do everything to move on.. I did everything too for my real daugther, I failed a lot of times but now, Nakikita kong masaya na sya sa kuya mo.. If there is something I can do just tell me Kingson.. You deserve to be happy son. You had enough, You've been through a lot of painful things. This time, I want you to be happy.. don't drown ypur self too much.. take your time.. " Justavo said pathing his son's shoulder.

..

..

Gulat na gulat si Anya nang madatnan ang mga gamit nya sa labas ng tinutuluyan nyang Dorm.. Naalala nya bigla ang alkansya nya, ang mga damit nya at higit sa lahat ang nakaframe na underwear ni Mr. Stranger! Oo pinaframe na nga nila itong magbabarkada dahil maihahalintulad na din iyon sa isang work of art! kung saang anggulo itanong nyo sa kanila hindi ko din kasi alam >.>

"Mrs. Landlady! What is the meaning of this?!!" teary eyed na tanong ni Anya.

"Pinapalayas na kita!" maikling sagot ng matandang dalagang landlady.

"But why?"

"Hay naku Anya! tantanan mo ko sa kaka-inglis mo na yan ha! Hindi mo na ako mauuto! MAGBAYAD ka na ng renta mo!" Bulyaw ng masungit na matanda sabay pahid sa tumulong sipon nito.

"kayaaaahhh!!!Magababayad na ako! Now na.. iaakyat ko lang tong mga gamit ko!" Eh kasi naman pinalelate ni Anya ang bayad nya sa renta kasi nga iniipon nya ng husto ang pera nya baka kasi maawa si Landlady makalibre sya ng renta.

"hay naku Anya! Huli na! may bago na akong tenant sa kwarto mo kaya layas!!"

Yan ang hirap sa mga assuming.. Padelay delay pa napalayas tuloy.. Hindi magkanda-dala si Anya sa mga gamit nya hindi na nga sumabay ang ilang tao sa kanya sa elevator, tatlong malalking maleta kasi ang dala nya, may kabinet pa ngang naiwan kay manong guard sa ibaba ng building.. Nang marating nya ang 6th floor ay isa isa nyang inilabas ang tatlong maleta mula sa elevator hangang sa marating nya ang pakay na condo unit.. sigurado sya, Hindi sya matitiis ng may ari nito, super close kaya sila.. huminga sya ng malalim sabay katok..

thump

thump

thump

to be continued..

A/N: Low bat na kasi ang tablet ko kaya bitinin ko na muna kayo.. hahahaha.

Nga pala may meet up tayo sa mga gustong pumunta kung meron man. MAY 11, 2013 Saturday yun sa SM North Sky Garden, sa may Starbucks ^____^.. Pm me your cp numbers sa FB kung gusto nyo pumunta. Try ko magtype later, charge muna po ako ^______^

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon