Chapter 37

180K 1.6K 155
  • Dedicated kay Jovelyn Negos
                                    

Dedicated kay Jovelyn Negos na palaging nasa Group kahit pa mga nakabaon sa hukay ang karamihang members doon. Sa mga gusto pong makasali sa group pm nyo lang ako sa fb para ma-add ko kaya. Closed group po kasi iyon *0*. Nagpapagames ako doon minsa kapag may topak. Lol. Anyway dedicated din ito sa inyong lahat! Thanks! Sa mga nagpapabati naku sorry my annesia talaga ako. Basta sa lahat ng nakausap ko sa chat at kung saan saan pa, hello po ^0^.

..

..

"You are late!" Nakangising komento ni Knight ng dumating si Jin sa hotel.

"Sorry.." tumatawang sagot ni Jin dito.

"Oh my! You look happy Kingson. I heard na may liligawan ka na daw?" Kinikilig pa na sabi ni Ban.

"It's just a rumor.." pagdedeny pa nito na sinagot ni Knight ng isang smirk.

"Kaya naman pala you are asking about courting psh..." sabi pa ni Knight.

"Sabi ni Knight may kuya daw ang liligawan mo? Is he really scary?" Tanong ni Patrick kay Jin.

"Tss! I am Jin Kingson Estude. I can handle her brother." Pagyayabang ni Jin.

"See? Edi umamin ka din! Come on! Who is this lucky girl?" Pangungulit pa ni Ban.

"Tsk.." tanging sagot ni Jin.

"Come on! Sabihin mo na.." pangungulit ni Ban.

"No." Tipid na sagot ni Jin.

Inirapan lang sya ni Ban. Si Aisha naman ay papalit-palit ang tingin sa mga kaharap nya. Naisip nya, si Amy kaya ang liligawan ni Jin? Si Amy na whitelady sa restroom ni Jin sa Misibis Bay? Si Amy na kapatid ni Patrick? Si Amy na Anya talaga ang pangalan? Si Anya na isinisikreto nila kay Jin na kapatid ni Patrick? Si Anya na PA ni Jin? "Pfft!..." muntik ng maibuga ni Aisha ang kinakain nya. Natatawa kasi sya sa naisip nya. Akalain nyo naisip pa nya iyon?

"Dufus! Ok ka lang?" Nagaalalang tanong ni Knight.

..

..

Ilang oras na kinuskos ni Anya ang mga sulat ng marker sa mukha at katawan nya. Kakaiba lang ang topak ng boss nya eh. Ganoon pa man, habang tinatanggal nya ang mga sulat sa mukha nya ay nakangiti pa din sya. Nakuha pa nga nyang mag selfie at pinost pa iyon sa Facebook! May nakalagay pang feeling happy. Mukhang tanga lang hindi ba? Kinikilig kasi sya sa boss nya. Kahit ginawa pa syang sketch board nito ok lang sa kanya. Si Jin Kingson Estude kaya iyon!

Kinailangan nya kasing burahin ang mga remembrance na iyon sa katawan nya dahil

Pupuntahan nya sina Ban. Nasa restaurant daw ang mga ito sa isang hotel. Oo na. Matigas na ang ulo nya. Pero namimiss na talaga nya ang kuya at sister-in-law nya. Lalong-lalo na ang parents nya. Gustong-gusto nga sana nyang dalawin ang mga ito sa farm nila sa Zambales pero nagtitipid sya. Hindi ba mas maganda kung sakaling dalawin nya ang parents nya ay para i-uwi ang mga ito sa bahay nila? Sabi naman ng boss nya ay ibabalik daw nito ang bahay nila sa takdang panahon. Pero kailan? Babayaran ba ni Anya ang 14million na ipinambili ng boss nya sa bahay nila? Wala pa ngang isang million ang ipon ni Anya eh.

Nang matapos at muling magmukhang tao si Anya ay nagsuot na sya ng bonggang outfit. Dahil fashionista ang ate Ban nya, ay naku! Dapat tapatan nya ito kung ayaw nyang magmukhang alalay. Nagsuot sya ng white mini dress, light blue na wedge at nagdala din sya ng light blue na sling bag. Inilugay lang nya ang sobrang haba nyang buhok at naglagay ng konting make up para lalong lumutang ang kagandahan nya. Alam nyo naman yang si Anya, gusto nya laging agaw eksena. Dapat unkabogable lagi ang beauty.

"Tsk tsk tsk.. nagustuhan ng Friendsung natin ang parusa ng Greek God nyong amo." Nakapameywang na humarang si Lenny na pinto ng unit para hindi makalabas si Anya. Parang mayordoma lang.

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon