CHAPTER 1

399K 3.4K 348
                                    

Dedicated to Paulo Pulmones! dahil isa syang mabait na bata.. hahahaha 

after ten years eto na ang hinihintay mong dedics! wahahaha

Una sa lahat bago tayo magkalituhan, this story can stand alone, pero para sa mga curious at gustong makilala ng husto ang mga characters sa kwentong ito ay maari nyo pong basahin ang iba kong stories.

..

..

3 years later...

"Sigurado ka ba dyan?" Nagaalalang tanong ni Jerome kay Anya.

"Oo naman! Ano ka ba? Ibi-bid mo naman ako hindi ba?" sagot ni Anya. May tiwala sya kay Jerome. Alam nyang kahit napilitan lang ito hindi sya nito pababayaan.

"Tsk! Pagnalaman ng kuya mo to... haaayyyyyy!" napapa-iling nalang si Jerome.

"Kaya ko to! Ako pa! Hindi malalaman ni kuya unless sasabihin mo!"

"Tanga ba ako?! Edi binugbog ako ng kuya mo! Haisssst!.." napakamot nalang si Jerome ng ulo.

"O sige! Isuot mo na yang mask mo ikaw na susunod! Nasa left side lang ako ng stage. I'm gonna be your dirty old man for tonight..." tapos ay ngumisi pa si Jerome bago talikuran si Anya.

..

..

"Tsk Tsk Tsk.. I knew it! " napakuyom ng kamao si Jin. Hindi sya pwedeng magkamali. Iyon ang babae na yon. It was 3 years ago noong nagbakasyon sya dito sa Pilipinas. He was at a bar and rescued a girl. Alam nyang may ibang intensyon ang mga kasayaw nito noon sa bar when he saw the other guy pouring a liquid drug in her drink. He didn't expected that they will end up on bed. He was trying to rescue her but he did the crime and worst.. She's a Virgin.

He tried to look for her but he failed and now he'll just find out that she's like this?

isang...

isang.....

CLASS A PROSTITUTE!

Anya is not even aware with the presence of her Mr. Stranger. Hindi nya alam na bukod sa mga asset na nagbabantay sa kanya ay may isang pares pa ng mga mata ang mataman siyang pinagaaralan.

"O sige! isuot mo na yang mask mo. Ikaw na ang susunod. Nasa left side lang ako. I'm gonna be your dirty old man for tonight." Narinig pa ni Jin na sabi ng matandang kausap ng babae bago nito isuot ang maskara.

"Let's see..." He flashes an evil smile. At times like this he's out of control.

He's a bachelor and can do anything he wanted. Anything just to forget about her. His first heart break.. Aisha.

..

..

Kinakabahang umakyat ng stage si Anya.  Ampupu lang kasi! Bakit ba naman kasi eto ang racket ni Jerome ngayon? Pero wala ng atrasan ito. Sayang din naman kadi ang kikitain nya sa gabing ito. Sasayaw lang naman eh.. sasayaw lang ng naka tank and bikini sa harap ng mga kalalakihan. Karamihan pa mga amoy lupang matatanda. Sh*t!

"Anya.. kaya mo yan!wuh!" Usal nya sa sarili. Unti-unting nagliwanag sa stage. Nakatalikod sya sa audience habang nakahawak at nakasexy pose sa pole na nasa gitna ng stage. Mabuti nalang at marunong syang magpole dancing. Sinabayan nya ang saliw ng musika. Malakas ang loob nyang walang makakakilala sa kanya dahil naka maskara naman sya. Nagumpisa nang magbid ang mga manonood. Kung sino ang highest bidder sya ang makakasama ni Anya ngayong gabi. Pero hindi naman sya pababayaan ni Jerome. Kabarkada ng Kuya nya si Jerome, isa itong Engineer pero bukod doon secret agent din ito. Aksidente kasing nalaman iyon ni Anya nang makita nya ito sa VIP building ng St. Thompson University na nagpapanggap na isang Professor. Kaya naman hindi na matanggihan ni Jerome si Anya kung gusto nitong umextra sa mga operations nila. Katulad nalang ngayon, naka disguise si Jerome na tila isang mayamang matanda. May ilan din silang mga kasamahan sa paligid, kasama na din si Anya sa bago nilang asset pero kumbaga sa pelikula, extra lang sya.

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon