CHAPTER 41

158K 1.9K 274
                                    

SHEY’S NOTE:

Light lang ang chapter na ito. Kasi naman ang i-init ng ulo nyo sa previous chapter eh. Hahahahaha! Dadagdagan ko pa sana ito kaso hindi na kaya ng powers ko. Pagtyagaan nyo na to. Lol. Hindi ko alam kung kalian ang susunod na update. Hindi na ako magsasabi ng fetsa para walang samaan ng loob kapag na-delayed.

Dedicated kay youngpretender dahil napaka observant nya. na-icompare pa nya yung difference nina Knight at Jin, ^0^

Thanks sa pagbabasa, I love you all my Babies!

CHAPTER 41

"Alam mo mahal kita. Pero ang tanga tanga ko pala. Salamat dito ha!" Itinaas pa ni Anya ang titulo ng lupa nila. Yes she finally got their house back pero kapalit noon ang pride nya. Lalong-lalo na ang puso nya. Hindi nga nya alam kung bakit sa kabila ng mga sinabi ng boss nya ay nagawa pa nyang aminin dito ang nararamdaman nya. Yes, mahal na nga nya si Jin. Kasi kung hindi, hindi sana sya nasasaktan ngayon. Love hurts. It will fvcking hurt every part of your system. Nang lumabas si Anya sa opisina ni Jin ay agad nyang iniligpit ang mga gamit nya. Shit! Ang pangit na siguro nya dahil sa nagkalat na eyeliner. Kung bakit kasi umiyak-iyak pa sya.

"Anya saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Manuel. Matapos kasing mailigpit ni Anya ang mga gamit nya ay halatang aalis na sya.

"I just got fired...” iyon lang ang sinabi nya at nilagpasan na nya si Manuel. Marahan pa nyang nginitian si Kevin ng makasalubong nya ito. Pagkatapos ay tumatakbo nyang tinungo ang elevator. Sa elevator nya binuhos ang mga luha nyang kanina pa gustong kumawala. Buti nalang puro salamin ang elevator. Wala syang paki-alam sa dalawang babae na nauna ng nakasakay doon kahit pa pinagtitinginan sya ng mga ito. Pinahid nya ang mga luha pati na din ang eyeliner na nagkalat sa paligid ng mga mata nya. Naalala kasi nya, sikat na nga pala sya. Baka pagkatuwaan nanaman ng mga fangirls ni Damien ang picture nya kapag pangit sya. Sa wakas ay narating din nya ang ground floor. Huminga sya ng malalim bago tuluyang lumakad. Malapit na sana sya sa exit ng bigla ay huminto sya. Dahilan para may makabangga sa kanya mula sa likod nya.

"Aray ko naman!" Reklamo pa ni Anya. Kasi naman huminto pa naman sya para sana tingnan ang kabuuan ng lobby. Huling sulyap sa mundong iiwanan nya. Panira lang ng moment ang bumangga sa kanya.

"Ay sorry!" Paumanhin naman ng lalaki. At infairness. Ang sexy ng boses. Nakakashet naman, nag e-emo pa naman sya tapos may di-distract sa kanya. Remember, her heart just died today. Jin Kingson Estude killed it! That Jerk Boss!

"Damien!" Gulat pa na sabi ni Anya. Anak ng tokwa! Kaya naman pala ang sexy ng boses eh! "Anong ginagawa mo dito?"

"I'm stalking you." Sabi nito sabay kindat. Naka-cap si Damien kaya hindi sya gaanong napapansin.

"Paano ka nakapasok dito?"

Ngumiti ng nakakaloko si Damien. Yung mga ganyang ngiti, nakakainlababo. Pero bago sila magkabolahan naisip ni Anya. Kung hindi dahil sa walanghiyang kaharap nya edi hindi sana nagkrus ang landas nila ng walang puso nyang boss. Hindi na dapat sya madala ng mga kahinaan nya. Hindi na sya magpapadala sa gwapong ngiti. Sexy na boses. Mga pandesal sa tyan. Firmed biceps. Napa-pahid pa si Anya sa bibig nya. Peste tutulo nanaman ata ang laway nya. Nakakag@go na ang author nito. Emo dapat ang mood hindi ba?

“I am the vocalist of Breakthrough now. Let’s say it’s an advantage lalo na kung babae ang guard.” He is still flashing that tricky smile to Anya.

“Bakit mo naman ako sinusundan?”

“Kasi hindi ka pa ulit na-iinlove sa akin. I won’t stop until you are head over heels inlove with me.” Seryosong sabi ni Damien. Kung hindi lang sya ex ni Anya baka nga na-inlove na talaga sya dito. Pero nangingibabaw ang inis nya ngayon. If only Damien Friol did not break her heart before she will not lose her precious virginity to that jerk! Dahil iyon ang nasa isip nya ay wala sa sariling tinapakan nya ng mariin ang paa ni Damien using her killer heals.

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon