Chapter 20

235K 1.7K 102
                                    

Manghang mangha si Anya sa ganda ng Misibis Bay. Mabuti nalang ito ang nasabi nyang lugar sa kuya nya kaya ayan tinotoo ni Knight ang kasinungalinangan nya. Atleast hindi na sya gaanong magi guilty. Libang na libang syang pinapanood ang mga greek gods na naglalakad sa shore ng dagat. Itinikom nya ang bibig nyang kanina pa nakanganga, mahirap na baka mapasukan pa ng langaw. Ganito pala kapag loner, hindi ka naman pala gaanong mabobored lalo at napakaganda ng view. Sari saring abs ang makikita mo. May baby abs, may dalawa lang, may papausbong palang na abs, may well defined, nagpupumilit na abs, may chocolate abs, may milk flavor pa nga.

Shet!

Ang daming pandesal! Nasan ang kape?

Natigilan si Anya sa abs na biglang lumitaw sa nagmamagandang katawan nya sa beach bed na kinauupuan nya. Napanganga pa sya sa nakatambay na 6packs sa harap nya. Kay puti! Tapos may dumagdag pang isa. Natanggal nya ng hindi oras ang shades nya sabay tingala.

"Kulang pa ba sa flex Ms. Anya?" Naka smirk na tanong ni Kevin tapos naman si Manuel umiiling iling pa. Mga walanghiya, sinasadya palang ipakita ang mga katawan nila kay Anya.

"Ay leche.. pinagtitripan nyo ata ako eh..." sabi nya sa mga ito at nag pout pa. Pumapout na din sya ngayon, uso daw kasi eh.

"Tsk.. kunwari ka pa.. gusto mo naman eh.." pagsusuplado nanaman ni Manuel na tinabihan pa si Anya. Napatingin naman si Anya kay Manuel, bakit pakiramdam nya dumadamoves tong lalaking to? Pano nalang pagnalaman nya na may something na sa kanila ng boss nila? Napa flip pa sya ng hair sa naisip.. eh kasi naman Jin Kingson Estude kaya yun. Ibang level!

"Ngini ngiti-ngiti mo dyan?!" Kunot noong puna naman ni Manuel. Hindi kasi mapigilan ni Anya na kiligin kahit pa hindi pa malinaw kung ano ba ang namamagitan sa kanila ng boss nya. If ever ba magpapalit na ba sya ng Facebook status? Pero teka? May facebook kaya ang boss nya?

"Wala..." sagot nya dito.

"Bakit kaya nagkaron tayo ng biglaang outing?" Tanong naman ni Kevin. "Tapos wala naman dito si Sir.Kingson." Nakakapagtaka naman kasi talaga na sila may outing tapos yung boss nila hindi kasama di ba?

Tahimik lang na napatingin si Anya sa sulok. >_>

Tapos sa kabilang sulok pa.

"Ayos nga eh.. instant bakasyon tayo.." sabi pa ni Manuel. Tapos napatingin sya kay Anya na nasa tabi nya. "Bakit balot na balot ka?" Naka onepiece suit kasi si Anya na halter para matakpan ang itinatago nya sa bandang leeg at dibdib bukod doon ay nag maxi dress pa sya bilang cover-up. Conservative eh.

"Baka kasi manyakin mo ko." Simpleng sagot nya kay Manuel, dahilan para pagtawanan ito ni Kevin.

..

..

Doble ang ngiti ni Jin ng sa wakas ay marating nya ang Barge na maghahatid sa kanya sa katapat na isla. Isang oras din ang binyahe nya sakay ang chopper na inarkila pa nya sa ibang kumpanya. Ang magaling kasi nyang kuya ay pinadala sa kung saan saang lupalot ng Pilipinas ang 3chopper ng Estude Corporation at dalawang Private plane. Pero buo ang loob ni Jin na hindi magpatalo kay Knight kaya heto na sya at tanaw na tanaw ang Misibis Bay.

..

..

"ANG GANDA ^0^" tuwang tuwa na sabi ni Anya habang pinapanood ang paglubog ng araw. Nakasakay sila sa isang bangkang-de-motor na pinapa arkila ng Misibis bay para umikot sa isla at mapanood ang dramatic na paglubog ng araw. Nakita din nila ang napakagandang view ng Mayon Volcano.

"Mas maganda ka pa sa view..." sabi ni Kevin na nakatitig lang kay Anya. Hindi tuloy mapigilan ni Anya ang mag blush. Pwede ba? Sobrang haba na kasi ng buhok nya! Isa pa baka magselos si Manuel na katabi lang nya. Hindi pa pala nya nasasabi kay Manuel na currently It's complicated ang status nya kaya kung binabalak nyang manligaw, naku wag muna.

"Tsk.. " narinig nyang tila inis si Manuel.

Napapagitnaan kasi sya ng dalawang ito.

"Kayo talaga.. magagalit ang boyfriend ko nyan ih!" Sabi nalang nya kahit pa hindi sya sure kung ano na ba talaga ang namamagitan sa kanila ni Jin Kingson Estude.

"May boyfriend ka na?!!!" Halos sabay na sabi ng dalawa. Tila hindi makapaniwala. Kahit si Anya.

"May boyfriend na ako?!!!" Napabulalas din si Anya. Hindi din talaga sya makapaniwala. Hindi naman sa hindi pa sya nagkakaboyfriend. Pero kasi ang iniisip nyang boyfriend nya.. is him... her Jerk Boss.. UNBELIEVABLE!

"Oh.. sabi mo diba?" Kahit padilim na ay aninag ni Anya na kunot ang noo ni Manuel.

"Niloloko mo ata kami eh. Hindi pa nga kami nanliligaw basted agad?" Segunda ni Kevin.

"Hindi!! Hehehe totoo may boyfriend na talaga ako!" Sabi nanamam nya. Nagpapasalamat sya at pabalik na ang bangka sa shore.

"Teka.. si Sir Jin ba yun?"Maya maya ay sabi ni Manuel. Inaaninag nya mabuti ang isang pigura ng lalaki na tila naghihintay sa kanila sa shore. Napatitig naman si Anya dito. Eventhough it's a little dark and they're like meters away she knew, she can feel him staring at her. Parang may super powers ang mga titig ni Jin. His stares are inviting her to stare back at him and maybe to cuddle in his arms. Oh my gosh! What is she thinking?

"Akala ko ba may meeting si Boss?" Tanong ni Kevin kay Manuel. Iyon kasi ang alam nila kaya wala ito sa out of town nila. Isang kibit balikat lang ang sinagot ni Manuel. Deadma naman si Anya. Parang may sarili silang mundo ng boss nya. Para syang hinihipnotized na nauna pang bumaba ng bangka. Inalalayan pa sya ng bangkero. The moment na tumapak ang mga paa nya sa buhangin, parang may sariling mga paa itong lumakad papunta sa boss nya. He is wearing a board short. Only a board short!!! D@mn those abs! He smiled when she's finally in front of him.

"You thought you can escape from me?" He smirked. "Sorry to say...." umiling iling pa si Jin at saka muling nagsalita. "Pero wala ka nang kawala."

Anya almost die! Heller? Ikaw kaya sabihan nang ganun?

To be continued...

A/N: thank you guys for waiting! And yes! I am working again. So, I'm a working mom na. But I'll try to type an update during break hours. Pero I can't promise kasi toxic ang campaign namin. I hope I can make it! It's been like 5 years since I was out of sync. Kaya feel na feel ko ang pagiging virgin sa trabaho! Lol! Pray for me guys na sana I can reach my goal. THANK YOU

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon