Chapter 25.2

223K 1.6K 96
                                    

Panay ang lakad ni Jin sa loob ng kwarto nya. Ewan ba nya pero hindi kasi sya mapakali, naiinis sya sa nakita nya kanina. Para kasing kala mo tuwang tuwa pa ang P.A nya na nakita nito ang ex-boyfriend nito. Tinanggal ni Jin ang dalawang butones ng polo nya sa init ng ulo nya pati katawan nya pinapawisan na. Napatingin sya sa mga bulaklak na binili nya kanina. Nang makita nya kasi ang mga bulaklak na iyon naalala nya si Anya, hindi nga nya alam kung bakit binili nya iyon. Kinuha nya ang bulaklak na nasa ibabaw ng kama at agad na lumabas ng kwarto. Nagulat pa sya ng maabutan si Anya na nakaupo sa couch at nanonood ng t.v.

"Di ba sabi ko ilipat mo yang sofa sa bathroom?"inis na tanong ni Jin.

"Hindi po kasya boss.." sagot ni Anya na hindi man lang tumitingin kay Jin.

"Pinayagan ba kitang manood ng tv?" Inis na tanong nya sa PA.

"Hindi nyo rin naman po sinabi na bawal manood ng tv." Pilosopong sagot ni Anya.

"Gusto mo bang mawalan ng trabaho?"

"Ok lang boss, mag a-apply nalang ako kay Sir Knight!" Nagdidiwang ang isip ni Anya, nagagawa na nyang sumagot ngayon sa boss nya.

"Ah ganon sige ibebenta ko nalang sa iba ang bahay nyo.." pananakot ni Jin kaya napatingin si Anya sa boss nya. Napangiti ng nakakaloko si Jin. "GOTCHA.." bulong nito as a sign of victory. Kahit kailan sya parin ang mananalo sa pagitan nila ni Anya. He's gonna be in control.

"Sabi ko nga dadalhin ko na tong sofa sa bathroom,," inis na sabi ni Anya sabay tayo. Oo literal na inis sya, hindi na kasi nakakatuwa ang boss nya, minsan mabait minsan may topak. Yung totoo? BIPOLAR ba ang boss nya?

"Wag na!" Pigil ni Jin kay Anya sabay abot ng bulaklak. Grabe lang! Kung kanina sobra ang inis nya ngayon automatic syang napangiti ng kay lapad! Binigyan lang naman sya ng bulaklak ng boss nya! Kayaaaahh! Pwede naman sigurong kiligin di ba?

"Pakitapon nalang yang bulaklak." Sabay sabi ni Jin na nakapagpawala ng ngiti ni Anya.

"Bakit itatapon?"

"Bakit akala mo ba para sayo yan?" Ngumisi pa si Jin sabay tinalikuran si Anya. Napansin naman ni Anya ang isang card kaya agad nya iyong tiningnan.

'Antonia,

Subukan mo lang hindi sundin ang gusto ko patay ka sakin,

Jin Kingson Estude'

"Bakit may pangalan ko?" Nakangising tanong ni Anya kaya natigilan si Jin. Langya! Nakalimutan nyang tanggalin yung card! Hindi nya magawang tingnan ang PA.

"Tsk! Umuwi ka na nga!" Sabi ni Jin sabay pasok sa kwarto nya. Grabe lang! Bumilis ang tibok ng puso nya. Pero wala pang isang minuto ay tumunog ang doorbell.

Agad na binuksan ni Anya ang pinto ng condo. Sinalubong sya ng ilang mga nakaunipormeng room service attendant. Napanganga sya sa mga dala nito. May maliit na lemesa na sinapinan pa ng pula at puting magandang table cloth tapos inayusan ang lamesa ng magandang center piece at mabangong kandila. Tapos ay pumasok ang isang lalaking may dalang push cart na tila may mga lamang pagkain. Tapos nagpatong pa ang isa ng tequila at dalawang kristal na baso sa lamesa. Tapos may pumasok pa na may dalang violin pero bago pa man tumugtog ito ay biglang nagsalita si Jin. Nakalabas na pala ito ng kwarto.

"Thank you, you may all leave.." supladong sabi nito sa mga attendant kaya nagsi alisan naman ang mga ito. Naiwan si Anya na nakanganga at nakatitig sa Boss nya na half open na ang polo tapos gulo gulo pa ang buhok tapos napatingin sya sa bulaklak at ngayon sa magarbong dinner. SHEEEET!!!!Pwede bang mangisay? Did her boss did all of this for her? Kahit pa may pagbabanta ang nakasulat sa card ng flowers kinikilig pa din si Anya. Ibig bang sabihin nito maglelevel up na ang fb status nya from it's complicated to In a relationship?

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon