Chapter 42

145K 1.9K 169
                                    

Warning: Unedited (kala nyo mature content or SPG ano? Kayo talaga!)

Dedicated kay ArGelSaLaZar at sa inyong lahat. Thanks sa pagbabasa at matyagang paghihintay ng update. :)

Hindi po ako full time writer. Marami akong resposibilidad sa buhay kaya minsan hindi ako nakakapag-update. Mahirap tay-mingan ang mood sa pagsusulat lalo na kung lagi kang stressed. Kaya sorry naman sa mga demanding readers. ;p Kung aalagaan nyo 'tong dalawang bagets ko at kayo ang mag-manage ng online shop ko plus gumawa ng house chores ko aba eh wholeday mag a-update ako. Hahahaha!!!

Happy na ako happy pa kayo. Lol

Ok tama na daldal.

Pahabol pala. Sa mga bumabasa ng WMGMHM ngayon, hanggang bukas nalang po sya dito sa wattpad. Tatanggalin ko na yung ibang parts. Ipa-publish na po sya ng Viva-Psicom kaya sana suportahan nyo po nang sipagin naman ang kagandahan ko. Lol. Wag kayong magreklamo! Moment ko to. Hahaha

...

...

Hindi makatingin ng diretyo si Anya kay Damien. Bwisit lang kasi! Tama daw bang ibalandra ang katawan nito sa harapan nya? Kasasabi lang nya na hindi na sya magpapadala sa kahinaan but this body infront of her is very inviting. Kainis!

"Wag ka ngang ano dyan!" Inis na sabi pa ni Anya.

"I just wanna make sure na ito lang ang ta-tatak sa pagiisip mo. Kailangan mabura ang katawan ni Cyrus dyan!"

"Baliw!" Sabi ni Anya sabay hampas sa abs ni Damien. Oo na para-paraan na si Anya. Pero iyon kasi ang naging initial reaction nya. Ang hampasin sa abs si Damien.

"Ulitin mo nga.." nakangising sabi pa ng lalaki.

"Pervert!" Singhal ni Anya dito sabay kurot sa abs.

"Ahh shit! So eager to touch me huh.."

"Bwisit ka! Tumigil ka nga!" Natatawa na si Anya sa kalokohan ni Damien. Actually she is blushing pa nga. Kahit pa ilang taon na ang lumipas akala mo bumalik sila sa past. Yung pagiging komportable nila sa isa't-isa. Yung humor na sabay nilang nasasakyan. Ang pinagkaiba nga lang ngayon. Si Damien nalang ang nagmamahal.

"Atleast now you are smiling... Alam kong gagana pa din ang pervertive tactics ko para matawa ka." Natatawang sabi ni Damien habang isinusuot muli ang t-shirt. "You're really cute when blushing, lalo na kapag alam kong ako ang dahilan nyan."

"Ang yabang naman!" Bwelta ni Anya na sinamaan ng tingin ang lalaki.

"Oo nga pala, I got an invitation from the event organizer of Estude Corporation's General Assembly Party. I will see you there right?" Pagiiba ni Damien sa usapan.

"Ah. No. I'm no longer an employee there. My contract just ended today." Sabi ni Anya na umiwas pa ng tingin kay Damien. Agad iyong napansin ng binata. So doon pala nanggagaling ang emosyon ni Anya. The reason behind those sad eyes; kaya wala ito sa sarili.

"You did not renew your contract?" Paguusisa ni Damien.

"Hindi. Pero nakuha ko na ang bahay namin! Nasangla kasi iyon sa bangko nila Papa noon. Kaya lang ako nagtrabaho sa Estude Corporation dahil malaki ang sweldo. At ngayon, natubos ko na ang bahay namin kaya ok na ako." Paliwanag ni Anya. Medyo nagsinungaling sya ng konti. Hindi na naman kailangang malaman ni Damien ang buong detalye eh.

"Ah... eh yung boss mo? Hindi ka na nya pinag-renew?"

"Hindi na.." tapos ay natahimik si Anya. Pinagmasdan lang ito ni Damien. Mangiyak-ngiyak ang dalaga. She's not alright. Kilala ni Damien si Anya. May problema ito. At alam nyang may kinalaman si Jin Kingson Estude doon.

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon