Chapter 28

219K 1.5K 111
                                    

"Kayaaaaaaahhhhhh!!!! Ang gwapo na ni Damien mars! Parang gusto ko na din ng mga badboys!" Kinikilig pa na sabi ni Lenny. Ngayon lang ulit nagkatipon tipon ang magkakaibigan dahil lagi silang busy. Pero sa araw na ito, dahil Day off ni Anya ay sinugod sya ng mga kaibigan nya sa condo ni Manuel. At ang kawawang Manuel nagkulong sa kwarto dahil sa sobrang badtrip! Ano nga ulit ang usapan nila ni Anya? No visitors allowed?

"Alam mo sign na yan! Sign na yan na talagang maganda ka!!! Trolololo!" Segunda pa ni Rae na isa din sa mga kaibigan ni Anya. Self declared single ang ate mo. Magkakajowa nalang binasted pa ang kanyang crush.

"Hay naku ha. Ewan ko lang alam nyo naman ang pinagdaanan nyang friend natin kay Damien. Hindi nagsasabi yan pero alam nyo naman na si Damien ang dahilan ng katangahan nyan nung nawala ang kabusilakan nyan!" Masungit na saad ni Yuko habang hinihimas ang maumbok nyang tyan at kumakain ng manggang hilaw.

Napanguso lang si Anya at patuloy na pinanood ang interview kay Damien sa tv. Nang makauwi sya kagabi ay sobrang pre occupied ang utak nya sa mga sinabi ni Damien. He said he want her back? Pero ang puso nya iba ang gusto at ang sakit sakit na. Is it possible na mahulog ulit sya kay Damien? Matatanggap nya kaya si Anya kung malalaman nito na hindi na sya buo? Tae parang ganito yung nangyari sa kaibigan nyang si Yuko noon.

"Ano ba ang nagmomotivate sayo sa pagkanta? Sa sobrang sikat mo kasi alam mo bang napakadaming nababaliw na mga babae sa iyo ngayon dahil full of emotions ka kung kumanta." Sabi ng baklang host ng talk show.

Napangiti si Damien. Sa pagngiti lang nya na iyon ay nagtilian na ang mga fans nya sa studio. "Ang pangarap ko ang nagmomotivate sa akin at doon ko din hinuhugot ang emosyon ko sa pagkanta." Simpleng sagot nya. Bigla namang sumagot ang kabanda nyang si Jiro.

"Ang dapat po nating itanong kay Damien ay kung Sino ang pangarap nya.. hahaha.." nagtawanan pa ang iba nyang kabanda na sina Cyrus at Big.

"Haha bentahan na to pare!" Segunda pa ni Big na tawa ng tawa. Napapailing nalang si Damien sa mga ito.

"Aba aba nakakaintriga naman talaga. So, ibig sabihin ay may natitipuhan na pala itong si Damien. O sige sino nga ba ang pangarap ng isang Damien Friol?"

"Kayaaaahh!!!ohemgee Mars! Ikaw yun!ikaw yun!taena ang swerte mo!!" Panay ang hampas ni Lenny kay Anya.

Napapangiti naman si Anya. Ewan bakit ba parang nakakakilig? Shet!

"Wag kang maingay! Sasagot na si Damien." Sabay hila ni Rae ng buhok ni Lenny kaya natahimik ang gaga. Nakatutok silang magkakaibigan sa tv. Maging si Yuko na walang kakurap kurap habang ngumunguya ng mangga.

"Ang pangarap ko? She's the one." Sabi ni Damien na kumindat pa sa camera. Napa "ohhww.." naman ang mga fans..

"Tae sino si Dawan?!!!!" Nagwala si Lenny.

"Tanga! Syempre sinabi lang nya She's The One. Eh kapag sinabi nya ang pangalan ng friendship natin edi kinuyog to ng mga teenager dyan sa kanto!" Sabay kaltok ni Rae kay Lenny.

"Tsk tumigil nga kayo. Hindi ako yun no.." sabi pa ni Anya.

"Weehhhh?" Halos sabay sabay na sabi ng magkakaibigan. Tapos ay nanood na muli ng tv. Mukha ngang walang balak pangalanan ni Damien ang sinasabi nyang pangarap nya na the one. Tapos tumayo na ang buong banda para pumunta sa maliit na stage ng studio.

"Ayan na kakanta na sya shet!" Nagwawala nanaman si Lenny. Tumugtog na kasi ang intro ng kanta ng BreakThrough.

"Kayaaahhh!!" Ang gwapo ni Big!! Tili ni Rae.

Sabay namatay ang TV.

"Punyeta! Ang iingay! Magsilayas kayo!" Sigaw ni Manuel na hawak hawak pa ang remote ng TV nya.

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon