CHAPTER 7 Part 1

275K 1.8K 92
                                    

A/N: Simula po ngayon puro updates nalang po muna ang gagawin ko.. di kasi talaga kaya ng time... pasensya na po sa mga nagpapadedicate,, ___._____" 7.. di ko na kasi makalkal sa inbox.. umaapaw na sya malapit na pong sumabog,. 

Anyway, part 1 palang po ito,, sana may bumabasa pa din kahit 10years ang update.. sorry!!!! 

...

...

Tahimik ang paligid, nakayuko lang si Anya habang tila iniinspeksyon ni Juliana Estude ang kanyang kaanyuan. Naririnig pa ni Anya ang bawat hakbang nito papaikot sa kinauupuan nya.. Halos sasabog na ang puso ni Anya, kahit pa cute ang pagkakatawag nito sa boss nya ng BebeKingking ay hindi maikakaila ang mukhang istrikta at professional na tingin at kilos nito, paki ramdam ni Anya bibitayin na sya. Ang taray lang ng matandang Estude.

"So.. you are my grandson's new P.A?" atlast, Juliana Estude broke the silence.. may panguusig sa tono nito.

"Ye.. eh.. Yes Madam.." nauutal pa si Anya.. tumingin sya sa matandang Estude pero agad naman ulit syang yumuko.. nakakatakot talaga sya, parang boss nya kung tumingin. Maglola nga sila.

"Who hired you?" tanong ng matanda na hindi makapaniwala..

"S-si.. si Sir Knight po.." nakayukong sabi ni Anya, masisisante na ba sya at kinukwestyon ng matanda ang pagkakahire sa kanya?

"Si Knight? the CEO?" tila di makapaniwalang tanong ulit ni Juliana.. napatingin si Anya sa matanda kaya agad binago ni Juliana ang expression nya.. She was about to smile pero mas pinili nyang magseryoso muli.. definitely, may hidden agenda ata si Knight at naghire ng babaeng P.A para sa kapatid nya.

"o..opo!" agad na sagot ni Anya..

"At pinayagan naman ni Be- ahh Kingson na i hire ka bilang P.A nya?!" muling tanong ni Juliana, tila hindi makapaniwalang tanong muli nito na ikinatakot ni Anya, kaya naman hindi na sya nakatiis pa at agad na syang kumilos.

"Madam!" sabi ni Anya sabay luhod at kapit sa binti ng matanda.. "Parang awa nyo na wag nyo po akong sisantehin! wala naman po akong ginagawang masama! Hindi ko po sinasadyang malaman na may something kay boss at kay Ma'am Aisha, Hindi ko sinasadyang masagot ang tawag ni Boss sa cellphone ni ma'am Aisha at marinig ang pagsesenti nya sabay bawi na joke lang yun! Hindi ko po talaga sinasadya! Promise wala po akong alam! WAAAAHHHH!!!!"

Nanlaki ang mga mata ni Juliana sa ikinilos ng P.A ng apo nya.. napanganga sya dito, hindi makapaniwala sa nagaganap.

"Antonia!!" Malakas na tawag ni Kingson sa P.A nya na naabutang tila hinaharas ang kanyang mamu, nakakapit kasi ito sa binti ng lola nya na tila aatakihin na sa ginagawa ng P.A nya. "What the hell are you doing?!"

Napatayo si Anya at kinakabahan hinarap ang boss nya na noon ay nakalapit na sa kanila. "a..a-ahh kasi po, waaahh!! boss parang awa nyo na! please don't fire me!" mangiyak ngiyak na si Anya, kailangan nya ng pera, wala na syang oras para matubos sa bangko ang bahay nila, mahirap humanap ng trabahong may malaking sweldo! "oh eto po.. eto na yung cellphone ni Ma'am Aisha! Promise hindi ko po ipagkakalat ang nick name nyong BebeKingKing! Promise! Close my heart! I Sweeeaaaaarrrrrr!!!!" sabi ni Anya sabay luhod sa harap ni Jin Kingson Estude habang hawak ang cellphone ni Aisha na inaabot sa kanyang boss..

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon