CHAPTER 9 part1

260K 1.7K 76
                                    

Palinga linga si Jin sa paligid habang nagmamaneho nang mamataan nya si Anya di kalayuan papasok sa park na malapit sa opisina nila, agad syang pumark sa gilid at pinagmasdan ang PA na akala mo'y bata na nagyapak pa sa damuhan ng park..

Napailing iling nalang si Jin habang pinapanood ito sa malayo, hanggang sa umulan na ng malakas ay hindi parin natinag ang PA nya..

"what a crazy girl.." napabulong sya at napangiti habang pinagmamasdan ito.. basang basa na si Anya sa ulan, at kahit pa malayo ito ay kitang kita ni Jin kung paano humapit nang husto ang damit nito sa katawan nya na nagpaalala kay Jin sa unang gabing pinagsaluhan nila..

Flashback..

"Miss san ka nakatira?" Jin asked her.. pilit na iniiwas nya ang tingin sa babae.. basa na kasi ang harapang bahagi ng damit nito gawa ng mga kasayaw nito sa bar kanina lang kaya bakat na bakat na ang balat at bra na panloob nito lalo na at puti pa naman ang blouse ng babae..

"sa puso mo.." pilosopong sabi ng babae at nagawa pa nitong ngumiti.. patay na, malakas na ang tama ng babae dahil sa drogang hinalo ng mga kasayaw nito kanina lang sa bar.. kung bakit ba naman kasi gumigimik itong mag isa?!

"ang init naman dito.." sabi pa nito na naglililikot sa passenger seat at nagtatanggal ng seat belt..

"Miss wag ka malikot lalo kang mahihilo.." suway nya sa babae at hinarangan pa nya ng braso nya ang harapan nito para hindi masubsob pero ang babae panay parin ang likot but this time she's taking off her top..

"Miss ano bang ginagawa mo?.. sh*it!" napamura pa si Jin nang tuluyan nang walang pang itaas ang babae. "You need to cool down miss!" tapos ay tinodo nya ang bukas ng aircon ng kotse nya.. pinili ni Jin na dalhin nalang ang babae sa rooftop apartment na inuupahan nya noon pa kapag gusto nyang lumayo sa publiko.. at ang rooftop apartment na iyon ang pinakatahimik na lugar na alam nyang walang nakakakilala sa kanya..

"Wag kang malikot miss!" suway ni Jin sa babae na binalutan nya ng kumot dahil nga wala na itong pangitaas.. ang problema, paano nya iiwanan ito sa ganoong sitwasyon, baka mamaya tumalon pa ito mula sa rooftop o laya lumabas ng walang damit.. hay! bakit ba naman kasi nakialam pa sya kanina sa bar?.. pero kawawa naman kasi yung babae kung pababayaan lang nyang pagsamantalahan nung mga lalaki doon..

"Bakheeeet bahh?!! Sekshi naman ako dibahhhh?.. maganda naman akohhh!!!" sabi ng babae na nagtatanggal ng kumot kaya nagiwas ng tingin si Jin.. lalake din sya na may kasamang magandang babae, at take note naghuhubad sya sa harapan nya, at may pangangailangan din si Jin, kaya nga sya nasa bar para katagpuin ang mga babae nya, but then he end up with this drunk girl.. ang worst? high pa sa drugs! approdisiac pa ata yung nilagay nung mga lalaki sa inumin nito.

"Tumingin ka shaken!! Baket ba ayaw mo kong tingnan?!!" tapos ay pilit na pinihit ng babae ang mukha ni Jin para tingnan sya nito, hawak ng babae ang magkabilang pisngi ni Jin..

"Look miss! You are beautiful.. inside and out, I can clearly see that because you no longer have any clothes on.." napasinghap si Jin at pilit na sa mukha lang tumingin ng babae at hindi pababa dahil baka hindi na sya makatiis pa.. "Aren't you shy that ypu are showing off your body to a stranger like me?"

"Vakettt ako mahihiya? sabi mo nga maganda ko inshide and out!" ngumiti pa ang babae ng pagkatamis tamis..

Napakagat labi naman si Jin.. napako kasi ang mga mata nya sa nakangiting mga labi ng babae, parang natutukso syang halikan..

"Why are you so stubborn?.. You're making me crazy.." at hindi na nga talaga nakatiis si Jin, he grab her hair and pull her closer so he can kiss those smiling lips.. "D*amn sweet lips" He murmur.. lalo pang nilaliman ni Jin ang halik sa mga labing iyon na nagpaungol sa babae lalo na nang maglandas ang mga kamay ni Jin sa hubad na likuran nito.. at dito nagtatapos ang flash back.. super SPG na ang mga sumunod na pangyayari at wala sa tamang pagiisip ang author para isalaysay ang buong pagniniig ang dalawang mapusok na ito.. (mehehehehe!! Bleh!)

..

..

Agad na kinuha ni Jin ang payong sa backseat ng kotse nya.. Remembering that night makes him need her, pero mukhang hindi sya natatandaan ni Anya.. naiinis syang isipin na mababang uri ito ng babae! bakit pa ba nya nalaman? sana hindi nalang sya pumunta sa under ground bar ilang buwan na ang nakakalipas..

Napangisi pa si Jin ng maabutan si Anya na nakatingala sa ulan.. "Crazy.." bulong nya bago ito tuluyang lapitan at payungan.. "Are you crazy? do you wanna get sick?"

Nanlaki ang mga mata ni Anya ng pagmulat nya ay makita ang Boss nya na nakangisi pa.. Kay gandang tanawin!

"Bo-bo-boss!!!!" napatuwid sya ng tayo sa harap ng boss nya..

"Tss! Naglalaro ka sa oras ng trabaho?" Pagsusungit nanaman ni Jin.

"ay hindi po! ano po! nagpahinga lang po ako kasi ano.. iniwan nyo kasi ako kanina, naglakad tuloy ako >.>" Nahihiyang sabi ni Anya

"who told you to walk? pwede ka namang magtaxi.." sabi ni Jin na lumapit pa kay Anya para mapayungan ito.. Napapikit naman si Anya ng maamoy ang boss nya.. ang bango bango lang..

"are you done?" biglang tanong ni Jin kaya napadilat si Anya..

"Po?"

"are you done smelling me?" nakasmirk na tanong ni Jin.. Napayuko naman si Anya sa kahihiyan..

Sa isang Condo dinala si Anya ng boss nya.. ang sabi nito kanina maniningil na daw sya para sa napagusapan nilang 'extra service'.. Hindi nalang tumutol si Anya kahit pa hindi pa nya alam kung anong ipapagawa ng boss nya. basta ang sabi nito ay bibigyan pa sya nito ng bonus kapag nagawa nya ng maayos ang trabaho nya.. ang eksaktong pagkakasabi pa nga ni Jin ay.. "I'll give you a bonus if you make me happy".. Hindi naman siguro sya ulit pagbubunutin ng damo ni Jin ano?

"Get ready.." mahinahong sabi ni Jin kay Anya sabay abot ng isang paper bag.. tahimik namang kinuha iyon ni Anya at saka pumasok sa bathroom..

to be continued..

Mwahahahahahaha!!

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon