Chapter 24

225K 1.6K 123
                                    

"Ehem!!!! Saan ka pupunta?" Palabas na sana ng condo si Anya nang bigla ay hatakin ni Manuel ang buhok nya.

"Aray!!! Wagas ka naman makahatak!" Todo emote na reklamo ni Anya. Kasi naman kailangan na nyang pumunta sa condo ng boss nya. Halos alasotso na ng gabi pero hindi pa din nya matakas takasan si Manuel.

"Saan ka nga pupunta?" Nakapameywang pang tanong ni Manuel na humarang sa pintuan.

"Sa friend ko.. may pajama party kami tonight!" Palusot ni Anya. Kailangan bang sabihin nya na sa condo sya ng boss nila magpapajama party? Yun din ba ang tawag doon? 0.O?

"Utot mo! Ano kayo teenagers? Tapos magkukwentuhan kayo at kikiligin tungkol sa mga crushes nyo?" Full of bitterness na himutok ni Manuel.

"Inggit ka lang! Hindi ka pwedeng sumama. Para sa mga may matres lang na babae ang pajama party namin.." taas noong sabi ni Anya.

"Aba.. aba.. pasalamat ka lang hindi ako ginawang tunay na babae ni Lord dahil kung sakali mas maganda pa ako sayo no!" Talak ni Manuel. Nakaharang pa ito sa daraanan ni Anya kaya naman hinawi sya nito.

"Tabi nga! Hahalikan kita dyan nang maging lalaki ka eh!" Nakabusangot na banta ni Anya. Halata namang natakot si Manuel kaya hindi na nya pinigilan si Anya. Pero bago pa tuluyang makalabas si Anya. Isang babae ang sumalubong sa kanya.

"Marrrsssss!!!!!!!!!" Halatang excited pa si Lenny na makita si Anya. Isa ito sa mga kaibigan ni Anya mula pagkabata. Oo nga pala minsan na nya itong pinapunta sa condo na iyon nang hindi nalalaman ni Manuel. May problema kasi ito sa boyfriend kaya dinamayan lang nya. Ano na naman kayang problema nito ngayon?

"Oh? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Anya. Patay sya kay Manuel, malalaman nito na nagpapasok sya sa condo ng kaibigan. Usapan kasi nila bawal ang visitors.

Napako naman ang tingin ni Lenny kay Manuel na nakaputing sando at boxers lang. Tiningnan nya ito mula ulo hanggang paa. Sabay ngiti.

"Sino sya?" Tinuro pa ni Lenny si Manuel kaya nanlaki ang mata ni Anya. Kinabahan sya ng bongga. Sobrang sungit pa naman ni Manuel hindi pa naman alam ni Lenny na lalaki ang may ari ng condo na tinitirhan ni Anya ngayon.

"Ikaw SINO ka? Ano ang ginagawa mo dito sa condo ko?" Ganting tanong ni Manuel na nagcross armed pa. Syempre lalaking lalake ang dating. Napatakip pa ng bibig si Lenny tapos ay tumingin kay Anya.

"Condo nya to? P-pero... teka.. nagli-live in ba kayo?" Gulat na gulat si Lenny. Ang pagkakaalam nya babae ang may ari ng condo na tinitirhan ng kaibigan nya.

"Hindi no!" Tanggi ni Manuel. Bigla namang nagring ang cellphone ni Anya kaya hindi sya nakasagot. Agad nyang tiningnan ang caller at nabasa nyang boss nya iyon. Patay na talaga!

"Ahmm ano. Manuel ikaw na muna bahala kay Lenny. Sorry mars! Kailangan ko na munang umalis!" Paalam ni Anya sabay mabilis na tinakbo ang pasara na sanang elevator kaya hindi na sya nahabol ng dalawa. Alam nyang magagalit si Manuel at ang friend nyang si Lenny, mas nakakatakot lang ang galit ng boss nya.

"Boss?" Sagot nya sa cellphone nang nasa elevator na sya. Hindi nya alam pero napakabilis nanaman ng tibok ng puso nya.

"Dadaanan na kita.." sabi ng gwapong boses sa kabilang linya. Ghad! Napakapa si Anya sa panty nya, nakasuot pa naman. Pero natauham si Anya. Dadaanan daw sya ng boss nya?

"Ay hindi na boss! Lumipat na po ako!" Biglang sabi ni Anya.

"Lumipat? So... saan ka na nakatira?"

"Sa ano.. sa condo ng friend ko na babae!" Toinks! Sige na sinungaling na sya. Kasi naman, baka pagisipan nanaman sya ng masama ng boss nya kung sasabihin nya na sa condo sya ng lalaki nanaman nakatira! Kung kailan feeling ni Anya nalilinis na nya ang pangalan nya sa boss nya ngayon pa ba nya dudungisan?

"Saan yan?" Tanong nanaman ni Jin.

"Ay wag na boss nasa taxi na po kasi ako eh!" Palusot ni Anya tapos ay biglang tumunog ang elevator at nagsakayan ang maiingay na estudyante.

O////O

"Taxi huh?" May pagdududang tanong ni Jin.

"Hehehe.. elevator po boss... ^__^v Oh sig

e hintayin ko nalang po kayo sa labas ng Greenhall Building.. ilang blocks lang po ang layo nito dyan sa dati kong tinitirhan." Hindi naman pala gaano mahirap magsabi ng totoo eh... sa susunod kasi wag na magsinungaling. >////>

Tahimik lang na naghihintay si Anya sa labas ng building. Ewan ba nya pero kinakabahan sya. Parang habang umaandar ang oras lalong lumalakas ang tibok ng puso nya. Dahil ba papalapit ng papalapit na ang boss nya sa kinaroroonan nya?

"Anya?" Isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya. Nagulat pa sya dahil busy ang utak nya sa pagkabisado sa bawat kurba ng abs ng boss nya. Napatingin sya sa taong ngayon ay nasa harapan na nya. It's him! The guy who broke her heart. Ang lalaking dahilan kaya sya nagpakalasing noon sa bar noong gabing nagising sya sa tabi ng isang estranghero. Her ex-boyfriend.

"Damien?" Halos hindi sya makapaniwala. It's been a long time mula nang magbreak sila. Oo nakikita pa din nila ang isa't isa noon pero kahit kailan hindi na nila napagusapan ang break up nila. It was unclear. Basta ang alam ni Anya he chose his bandmates over him. Mula noon nagiwasan na sila. All she could remember are the words he said to her. "Let's break up..." nagecho nanaman sa kanya ang mga katagang iyon. Oo matagal na yun! At para sa isang Antonia Quintana Ismael madali lang makamove on. Ganda nya kaya! Pero leche! Lakas ng loob ng lalakeng to na sya ang maunang makipagbreak! Sakit kaya sa pride ng isang Dyosa yun, at oo.. kahit ilang milyong beses pa ideny ni Anya.. masakit paring. He was her first boyfriend!

"Hi! Kamusta ka na?" Kita ni Anya ang saya sa mukha nito. Grabe lang kahit ilang taon na ang nakalipas ang astig pa din nyang tingnan. Badboy na badboy ang dating nya.

"A.. ahh.. hehe ok lang!" Takte bakit ba sya natataranta? Halatang pilit ang ngiti nya.

"I was trying to reach you.. hindi kita macontact..." napatingin pa si Anya kay Damien. Nakakagulat lang!

"I changed my number.. matagal na. After we broke up... years ago."

"After we broke up?" He is trying to confirm it.

"Oo"

"Kaya pala hindi ka dumating..." tila nanghihinayang ang ekspresyon ni Damien. Ewan ba nya pero parang lamambot ang puso nya nang makita nya ang tila panghihinayang sa itsura nito. Eh kasi naman ang ganda nya tapos pinakawalan pa sya! Lol.

"Hindi dumating saan-"

"ANTONIA.." Rinig ni Anya ang malamig na boses ni Jin. Daig pa ng puso nya ang nagluksong baka sa pagkagulat! Leche! Bakit nanggugulat lagi ang mga tao sa kwento nya? Mamaya mamatay agad sya sa kwento dahil sa heart attack.

Mabilis na nakalapit si Jin sa kanila ni Damien. Tiningnan pa nito ng masama ang kausap ni Anya. Tapos ay saka sya nagsalita. "I'm Jin, her boss. If you two are done talking, we will have to go now, we still have loads to do." Iyon lang at halos kaladkarin na ni Jin si Anya papasok sa sasakyan.

...

....

...

To be continued....

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon