Chapter 11

256K 1.6K 67
                                    

A/N: hello readers kamusta? Grabe ang tagal ko atang walang author's note. Anyway salamat sa mga naghihintay pa din ng updates kahit super tagal. Eto lang ang nakayanan ko habang nasa vacation. At dahil nga nabura ang mga files ko sa tablet may naisip akong twist sa plot nito. *insert evil laugh here*. Wala pala akong net ngayon sa house kung bakit hindi ko din alam. Sa pahkakatanda ko updated lahat ng bills namin, basta paguwi namin galing vacation, wala nang dial tone ang land line pati internet waley! Kaasar lang! Nagregister lang ako sa Globe SuperSurf kaya may mobile net ako.. super slow naman!

Regarding pala sa part 2 ng meet up.. hindi ko pa po alam.. busy pa ko and kasalukuyang naghihirap LOL. Basta.. kapag meronng time nextmonth though 50/50 pa ang chance. Sa mga naghahanap ng restricted chapter nasa library ko lang po, pero need po na mahing follower kayo to be able to read them. Magkakaron ba ng restricted chapter ang story na to? Ano sa palagay nyo? Hahahaha...

Yun lang!

...

...

...

Panay ang bangon ni Jerome sa hinihigaang sofa. Hindi kasi sya makatulog dahil hindi sya lubusang makahiga ng maayos, hindi kasi sya kasya sa sofa. Langya! Sarili nyang Condo sya pa ang nawalan ng kama. Maya maya pa ay bumangon na ng tuluyan si Jerome. Walang ingay na tinungo nya ang pinto ng kwarto nya, dahan dahan din nyang pinihit ang seradura. Tahimik na ang silid nya, dalawang nilalang ang natutulog doon, ang kapatid nyang si Paula at si Anya. Magkatalikod pa ang dalawa at himbing na himbing sa malambot nyang kama. He crossed his arms while watching them at habang nandoon sya, nakaisip sya ng isang brilliant idea.

lightbulb!

"Kayaaaaahhhhhh!!!!!!!!!!!"

Nagising si Anya sa isang sigaw!

Sayang! napapanaghinipan pa naman nya ang gwapong si Manuel.Babangon na sana sya pero tila may mabibigat na braso at hita ang pumipigil sa kanya.

"Sinasabi ko na nga ba kuya!!! Kahit nandito ako ginagapang mo pa si ate Anya!!!!" Malakas na bulyaw ni Paula sabay hampas sa kuya nya. Napabangon naman agad si Jerome na sinasagi ang mga hampas ng kapatid nya gamit ang kanyang matipunong mga braso.

"How dare you Jerome!!!" Yakap pa ni Anya ang kanyang sarili. "You Raped me!" T^T "waaaaahhhhhh" sabay atungal ni Anya.

"Ay langya!" Sumasakit na ang ulo ni Jerome sa dalawang babaeng maingay na ito. Agad syang kumuha ng unan at ibinato sa mukha ni Anya. "Antonia Quintana Ismael! Alam mong kahit kailan hindi ko type ang mga patpating gaya mo" sabi nya dito at saka binalingan nya ang kapatid nyang si Paula sabay dutdot ng hintuturo nya sa noo ng kapatid. "Ikaw naman, tama na laro! Matulog pa tayo!"  at hinatak nya ang dalawa pahiga gamit ang mga braso nya kaya naman napaunan ang dalawa sa magkabila nyang braso.

"Kayaaahhh! May pasok pa ko!!" Reklamo ni Anya.

..

..

..

Masayang pumasok si Anya sa eskwela, isang linggo nalang kasi graduate na sya. Sa wakas! Atleast magkakaroon na sya ng achievment. At makakapagfocus na din sya sa pagtubos sa bahay nila! Mabuti nalang at nadelayed ang pagpapaauction dito atleast mas lumaki ang chance nya, balita din nya maganda daw ang kita ng farm nila ngayon kaso naiinip na daw masyado ang ate Ban nya kaya nagaalala sila baka madiskubre nito ang totoong sitwasyon nila.

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon