Chapter 30

215K 1.6K 131
                                    

"Alam mo ikaw? Ang gwapo gwapo mo! -ik!" Pupungay pungay ang mga mata Lenny na kinurot kurot pa ang nakasimangot na si Manuel sa magkabilang pisngi.

"Ano ba! Tsk!" Panay ilag naman si Manuel kay Lenny. Nagkalasingan nanaman sila. Nauna nang umuwi sina Rae at Yuko. "Lumayo ka nga shakin mamaya gahashain mo na naman ako!" Sabi pa ni Manuel kaya napahagikgik pa si Lenny. Tsk tsk tsk.. kay landing bata.

"Ako pa gagahasha shayo? Kapal ng fes mo! Oo gwapo ka bakla ka naman!" Pangaasar ni Lenny kay Manuel. Nakakainis naman kasi! Dumadami na ang mga baklang gwapo at hindi na iyon makatarungan para sa mga babae. Dumadami na ang ratio ng mga bading kaysa sa tunay na lalaki kaya dapat magmadali! Baguhin ang dapat baguhin.

"Maganda! Maganda ako. Sa lahat ng babaeng nakilala ko ikaw na ang pinakamanyak! Feeling mo maganda ka? Leche!" Sabay irap pa ni Manuel kay Lenny at ibinagsak ang katawan sa kama. Nakarating na pala sila sa kwarto.

"Aba! Aba! Maganda ako alam mo yan! At teka ako ba kamo manyak?" Sabi pa ni Lenny na pumatong kay Manuel. Manyak pala ha? O sige panindigan na yan!

"Eew! Get off!" Sabay tulak ni Manuel kay Lenny kaya napahiga ito sa tabi nya.

"Hahaha! Grabe mas babae ka pa nga sakin!" Natatawang tuya ni Lenny. "Alam mo sayang talaga yang kagwapuhan mo eh. Anakan mo nga ako para maging kamukha mo ang magiging anak ko."

Nanlaki ang mga mata ni Manuel sa mga sinabi ni Lenny napabangon pa sya sabay yakap sa katawan nya. "Oh.My.God! Napakabastos ng bibig mo para kang hindi babae!"

"Aminin mo nga! Nagenjoy ka naman sa ginawa natin nung nakaraan ah!" Sabay hampas pa ng unan ni Lenny kay Manuel.

"Yuck! Nakakashuka!" Maarteng sabi ni Manuel

"Yuck! Nakakashuka!" Ginaya naman sya ni Lenny. "Kaya pala kung makahalik ka wagas ha! Ulitin mo nga yung halik mo, hindi ko makalimutan eh. Mas magaling ka pa sa ex ko."

"Ano ba!? Tigilan mo na nga! Nakakadiri na talaga yung mga pinagsasasabi mo."

"Ay punyeta! Wala akong mapapala dito!" Sabay bangon si Lenny at lumabas ng kwarto. Sinundan naman sya ni Manuel.

"Oh san ka pupunta?" Tanong pa ni Manuel nang makita na kinukuha nito ang bag nya.

"Uuwi na! Wala kang kwentang kasama!" Bulyaw pa ni Lenny habang kinukuha ang bag nya.

"Hating gabi na may masasakyan ka pa ba?"

Natigilan naman si Lenny at nilingon si Manuel nang nakangisi sabay tinalon ito at kinapitan sa batok.

"Uyyy... concern!" Pambubwiset ni Lenny.

"Gaga! Ayoko lang makunsensya kapag namatay ka sa daan! Mamaya multuhin mo pa ako." Pilit na tinatanggal ni Manuel ang mga braso ni Lenny pero agad na ipinupulupot muli ni Lenny ang braso nya sa batok ni Manuel.

"Tsk! Ano ba!?" Asar na si Manuel. Nakakimbyerna lang kasi makatingin tong si Lenny sarap tirisin!

"Kissh mo ko." Sabay nguso ni Lenny.

"Ewww!"

"Kapag kinish mo ko bibitawan na kita." Nakapikit pa na sabi Lenny habang nakapout.

"Tsk!" Iritang angal ni Manuel tapos napatitig sya kay Lenny. Tahimik lang itong naghihintay ng kiss. Nakakainis!

Siguro kapag nga hinalikan nya ito ay bibitawan na sya ng babae kaya naman mabilis nyang hinalikan ito. Tsup!

Napangiti naman si Lenny kaya niluwagan na nya ang kapit kay Manuel pero ewan ba ni Manuel. Bigla nalang kasing muling sinunggaban ng mga labi nya ang labi ni Lenny.

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon