Chapter 10.2

260K 1.8K 165
                                    

Panay ang dasal ni Anya habang hinihintay ang pagbukas ng pinto ng soon to be home nya, ang taray lang! nang angkin kaagad ng condo, she's crossing her fingers with her eyes closed pa nga while murmuring "Sana pumayag sya.. hindi nya ako matitiis! papayag yan, papayag sya.. oh please!" narinig na nya ang pagpihit ng door knob habang nakapikit pa sya.. kaya hinanda na nya ang sarili at agad syang lumuhod sabay usal sa nagbukas ng pinto ng.. "Please accept me!" habang nakayuko.."kailangan ko lang ng matutuluyan!"

Nanlaki ang mga mata ng nagbukas ng pinto kay Anya.. "Kuya!! nakabuntis ka ba?!!!!!" sa pagsigaw ng babaeng nagbukas ng pinto ay agad na napadilat si Anya sabay tayo, nagkatinginan pa sila ng babae, tapos naunang umiwas si Anya ng tingin sabay kagat sa pang ibabang labi. May papikit pikit pa kasing nalalaman, next time wag nang umarte arte nang hindi napapahiya.

"Ha?!! Ano? Sinong Buntis?" Agad na napatakbo si Jerome Legaspi sa bukana ng pinto, doon ay nadatnan nya si Anya na nakapeace sign na pilit ang ngiti.

"Anong ginagawa mo dito?!!" gulat na tanong ni Jerome sabay tingin sa mga maleta ni Anya.

..

..

"Aissshh!!! ano nalang ang sasabihin ko sa kuya mo pag nalaman to?" palakad lakad na tanong ni Jerome. Siguradong magagalit si Patrick kapag nalaman ang bagay na ito, kahit pa kapatid lang ang turing nya kay Anya hindi parin mapagkakaila na babae ito, maganda pa at si Jerome ay isang lalaking may taglay ding kahinaan.. tsk! matinik sa chiks eh!

"Hindi naman nya malalaman kung hindi mo sasabihin!" patuloy lang sa pag a unpack ng gamit si Anya kahit pa hindi pa tuluyang pumapayag si Jerome.

"Bakit dito pa? bakit di nalang sa mga kaibigan mo?" Panay naman ang balik ni Jerome sa mga gamit ni Anya sa maleta nito.

"Kung kila Yuko ako makikitira baka palayasin ako agad nun kasi araw araw kong aawayin yung asawa nyang si Ken.. Kung kila Lenny naman, nakakahiya kasi sa ate nya no pati na din kila Rae-yaaahhh!!ano ba bakit ba binabalik mo mga gamit ko?!!!" bulyaw ni Anya kay Jerome na nakikipag agawan sa mga gamit nyang inilalabas nya na syang nililigpit ni Jerome.

"At sakin hindi ka nahihiya?!!" Hindi makapaniwalang tanong ni Jerome.

"Hindi! bakit ba? May alam kaya ako sa'yo.." She said grinning, she's pertaining on Jerome's real job. Blackmail eh?

..

..

Napaisip si Jin sa mga pinagusapan nilang mag ama, tama nga naman, he needs to move on,pero kahit anong pilit nya hindi nya magawa. From his condo he went to a bar, nagbihis sya ng katulad ng bihis nya noon sa tuwing lalabas sya para gumimik para na din hindi sya gaanong makilala ng mga tao. He usually wear black shirt para hindi gaanong mapansin at ginulo gulo nya ang buhok nya uaing his hands.

Marahan lang syang nagmaneho palabas ng parking lot pero sa di kalayuan ay napukaw ang attention nya sa isang direksyon. Napahinto pa sya sa gilid ng kalsada para makasiguro.

He saw a girl na kanina lang ay kausap ang isang gwardya tila pinaguusapan nila ang isang cabinet. CABINET? sa labas ng building?

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon