Chapter 29

221K 1.7K 118
                                    

Madaming mga bagay ang madalas ipagpilitan ng mga tao. Mga bagay na hindi naman talaga dapat pero ginagawang posible. Mga bagay na dapat na iniiwasan nalang pero mas pinipili pa natin na lapitan. Mga pangyayaring ipinipilit nating mangyare. They say Love is a work of magic. Sa isang siglap pag nahulog ka, you're dead. Magiging dead na dead ka sa kanya kaya kadalasan makakaramdam ka ng sakit lalo na kung feeling mo hindi naman nasusuklian ang pagmamahal mo. Pero syempre pinipili mo pa ding manatili. Bakit? Kasi you're dead na dead na nga. Katulad nalang nitong si Anya. Tsk tsk tsk. NGANGA. Hindi pa din sya makamove on sa pagtawag ni Jin ng baby sa kanya. Kung tutuusin title nalang talaga ang kulang sa kanila. Maging In A Relationship na kaya ang facebook status nya bago matapos ang araw na ito. Grabe panay lang ang titig nya kay Jin na walang ibang ginawa kung hindi mapangisi at mapailing nalang. May time pa na hahawakan nya ang kamay ni Anya at saka hahalikan. Tae lang! Sana naman magkaroon na ng progress di ba?

"Kanina ka pa nakatitig. Wag kang mag alala hindi ako mawawala." Sabi pa ni Jin nang hawakan nya ang kamay ni Anya.

"Ha?.. ahmm.. hindi ah. Sa labas ako nakatingin." Pagiiwas ng tingin ni Anya. Nakakahiya naman ang pinag gagagawa nya.

"So.. kamusta ang tuhod mo? Sa susunod hinay hinay lang sa paginom ha.. tsk tsk tsk.." sabi pa ni Jin na umiiling iling.

"Ha?! Paano mo nalaman?" Gulat na sabi ni Anya. Grabe kanina pa nya pilit na pinagtatakpan ang pagkalasing nya eh.

"I tasted it.." maikling sagot ni Jin sabay kagat ng pang ibabang labi. Kainis! Nangaakit ba sya? Napa amoy tuloy si Anya sa hininga nya. Shet talaga amoy alak nga ata kahit tatlong beses pa sya nagtoothbrush.

"What are you doing?" Natatawang tanong ni Jin ng mapansin na inaamoy ni Anya ang bibig nya. "Don't worry you still taste sweet.." sabi pa ni Jin.

Shet talaga! Pulang pula na siguro si Anya.

"Teka nga! Boss naman eh. Sumosobra ka na ih..  nakikilig na ko eh tapos biglang mambabae ka nanaman eh! Wag ka na ngang paasa!" Grabe kung saan nahugot ni Anya ang lakas ng loob para sabihin iyon malamang sa alak na binili nya at ininom nila kanina.

"What? Nambababae? Ako!?" Inihinto ni Jin ang sasakyan at saka hinarap si Anya.

"Oo! Yung kahapon na babae!" Nakasimangot na sabi ni Anya. Grabe feeling girlfriend na talaga sya.

"Si Xanine?.. Nagseselos ka kay Xanine?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Jin. Alam nya, his PA is jealous and he's loving it!

"iiihhhhhh...." tae nakakahiya na talaga.. "sa bagay.. wala naman nga pala akong karapatang magselos. You are the boss and I'm just your personal assistant. You'll just call me when you need me."

"You are more than that to me.." seryosong sabi ni Jin na nakapagpalingon kay Anya.

"Xanine is just a friend, she's the daughter of our new investor. I've known her for years already. That's it. And you? You are mine." Sabi ni Jin na ngumisi sabay labas ng sasakyan. Umikot ito sa kabila at pinagbuksan ng pintuan si Anya. Nagulat pa si Anya nang mapagtanto kung nasaan sila.

"Home sweet home.." sabi pa ni Jin. Nasa tapat sila ng bahay nila Anya. Hindi makapaniwala si Anya. Grabe sobrang hindi nya namalayan na dito sila papunta. Masyado kasi syang nagfocus sa gwapong mukha ng boss nya eh kaya ayan . She was just standing there infront of their house. Hindi makapagsalita si Anya. Napangiti sya habang lumuluha. Grabe! Miss na nya ang bahay nila. Napatingin sya sa boss nya na nakatitig lang sa kanya. Ginulo pa nito ang buhok ni Anya sabay ngumiti.

"Pasok na tayo." Yaya ni Jin kay Anya tapos ay biglang binuhat sya ni Jin na akala mo bagong kasal sila na papasok sa bagong bahay na titirhan nila. Grabe lang. Kung araw araw ba syang madadapa araw araw din kaya na bubuhatin sya ni Jin? Kakaibang saya ang nararamdaman ni Anya. Hindi pa din nya mapigilan  ang pagluha nya. Kahit pala may pagka jerk ang boss nya mahilig pa din pala ito mang surprise. Ang sweet sweet lang. Hay...

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon