CHAPTER 50

92.4K 1.7K 218
  • Dedicated kay Ann-lynete Almasin
                                    

CHAPTER 50

Nagising si Damien sa isang nakasisilaw na liwanag. Nahihirapan siyang imulat ang kanyang mga mata. Didilat at pipikit din siya kalaunan. Sinubukan niyang kusutin ang kanyang mga mata at muling dumilat. Unti-unti ay iminulat niya ang namimigat na talukap ng kanyang mga mata. Tila nasa isa siyang... isang...

"Nasaan ako?" Tanong niya sa sarili sabay napaupo siya mula sa isang puting kama.

"Oh gising ka na pala?" Napatingin siya sa isang babae. Teka wala naman siya kanina doon ah? Iniligid niya ang kanyang paningin. Nasa isang malaking kulay puting kwarto siya. Maraming higaan doon. Parang ward ng isang ospital pero hamak na mas malaki iyon dahil hindi niya makita ang hangganan ng silid. May mga nakahiga rin sa bawat higaan.

"Saan ka nang galing? Wala ka naman kanina diyan ah?" Takang tanong niya sa babae. Itinuro pa niya ito gamit ang daliri.

"Ako si Bea, ako ang nakatalagang guardian mo. Pinadala ako ni boss."

"What the *toot*“ Niloloko ba siya ng kausap niya? Pero teka may mali eh.  “*toot* what the *toot is this? Bakit hindi ko naririnig ang boses ko? Anong tunog yun?" Tama hindi niya marinig ang maangas na pagmumura niya. 

"Bawal magmura rito. Bawat mura mo ay tunog lang ang maririnig mo." Nakangiting sabi ni Bea.

"PU-*TOOT*-TOOT-TOOT-TOOOOOOOOOOOOOT!!!!" 

"Kahit anong gawin mo ay hindi mo maririnig ang mura mo." Sabi pa ni Bea sabay iwinagayway ang kanyang kamay. Nagulat si Damien dahil biglang may lumitaw na pink na tila isang libro sa kamay nito. Ano yun? Magic? Pinag-ti-tripan ata siya ng isang ‘to eh!

"What the *toot*" Napanganga pa si Damien.

"Tss! Tigilan mo na ang pagmumura dahil masakit sa tenga ang tunog na iyon." She said while smiling. Hindi yata marunong magalit ang isang ‘to.

"Uulitin ko, ako si Bea ang iyong guardian. Isang daang taon ka nang natutulog."

"What the *toot* are you saying?!" Bulalas ni Damien. Ginagago yata siya ng kausap niya eh. Napatayo siya upang lumabas sa silid na iyon. Pero teka nasaan ang daan palabras?

"Patapusin mo muna ako." Napahinto si Damien at hinarap ito.

"Go ahead."

"Isang daang taon na mula nang ikaw ay mamatay sa sakit na ALS. Ngayon ka lang nagising. Ang tagal mo rin palang naglagi sa kawalan."

"Ha?" Naguguluhang sabi ni Damien. Nababaliw na ba si Bea?

"Nasa purgatoryo ka ngayon. Isang daang taong nagliwaliw ang kalulwa mo sa lupa."

"ANO? BAKIT WALA AKONG MATANDAAN?"

"Ang isang kalulwa ay walang alaala. Sabihin na natin na isa ka sa mga kalulwa na nananakot sa mga tao sa tuwing maliligaw ka sa mga litrato o kaya sa kalye, sa bahay at kung saan saan pa."

"Gina*toot*toot* mo ba ako?" Seryosong tanong ni Damien.

"Ay hindi! Ano ka ba? Pero huwag kang mag alaala narating mo nanaman ang patutunguhan mo. Dito sa purgatoryo." Nakangiting sabi ni Bea.

"Oh! Si Michael Jackson yun ah!" Manghang-manghang naituro ni Damien ang isang banyaga na nagmo-moon walk pa. Katulad niya ay naka puti rin ito. Dumaan ito sa harapan niya.

"Oo kanina lang din siya nagising."

"Ahh... eh ano palang ginagawa ko rito?"

"Ihahanda kita para sa iyong muling pagkabuhay!" Masayang sabi ni Bea kaya na-excite naman si Damien.

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon