Chapter 46.2

105K 1.8K 223
                                    

Sa mga nagpapadedicate po sorry hindi ko po nate-take note, sobrang makakalimutin talaga ako. :( Mabilis po kasing natatapunan sa Inbox... 

AN: Continuation lang po ito ng Chap.46

Napatulala si Anya sa magarbong ayos ng venue. Sa paligid ay puno ng mga taong halatang galing sa mayayamang pamilya. Hindi man sya sigurado sa gagawin at mangyayari ngayong araw ay pikit mata parin syang pumunta sa GA(General Assembly) ng Estude Corp. Hindi nya alam kung paano ipapaliwanag kay Jin ang kailangan nyang gawin. That she can't give her 'YES' yet. Not tonight. It pains her so much. Her heart is drowning in pain sa mga nalaman nya kagabi lang.

“Anya thanks...” Pasimpleng sabi ni Big sa kanya noong nasa condo sya ng Breakthrough.

 

“Para saan?”nagtatakang tanong nya dito. Sa lahat ng myembro ng Breakthrough, si Big ang pinaka kilala ni Anya bukod kay Damien dahil kasama na nya ito noong college palang sila.

 

“For giving Damien a chance.. Hindi mo alam kung paano mo sya pinasa-saya. Please stay with him. He needs you. Lalo na ngayon.”

 

 

“Baby.” Nagulat si Anya kay Jin. Masyado ata syang nagi-isip kaya't hindi nya ito napansin agad. Napailing-iling pa si Anya para maiwaksi ang naalala nyang usapan nila ni Big kagabi lang.

“You look perfect.” His eyes are glowing when he says that. Hindi maipaliwanag ni Jin ang nararamdaman nya. Hinawakan nya ang kamay ni Anya at marahan iyong dinampian ng halik. Halos hindi naman makahinga si Anya sa ginawa ni Jin. It breaks her heart knowing that she cannot accept his.

“Shall we?” Nakangiting yaya ni Jin kay Anya. Just for this moment. Can they continue the fairytale that they have started? She just wanted to save the memories that they shared. The rough and sweet words he used to say. The way she melted when he looks at her. The electrifying feeling she gets whenever he holds her. Those eyes, those lips… those fvcking lips…

“Anya!” Sasama na sana si Anya kay Jin ng bigla ay tawagin sya ni Damien mula sa likuran. Natigilan si Anya. Tila nagising sya mula sa isang mahimbing na pagkakatulog. Doon ay napagtanto nya na ang sa kanila ni Jin ay tanging sa fairytale lamang nangyayari, at ngayon? Kailangan nyang harapin ang reyalidad. Si Damien. Napatingin si Anya kay Damien, he's smiling like an angel tila hindi nito napansin si Jin.

“Let's go...” mahinang yaya ni Jin kay Anya. Akmang hihilahin na sya ni Jin pero pinigilan nya ito. Their eyes met. It's like the time stopped. Bumilis ang tibok ng kanilang mga puso. Is this right? Si Anya ang unang umiwas ng tingin.

“I'm sorry...” Then she let go of his hands saka tuluyang tumalikod, kasabay noon ang pagtulo ng kanyang luha kaya agad nya itong pinunasan bago sya tuluyang makalapit kay Damien.

“I love you so much Anya... Ikaw lang ang laging laman ng gagong puso ko. Tandaan mo yan. Ikaw lang.” Damien planted a soft kiss on Anya's lips as he said that.

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon