Chapter 23

230K 1.7K 118
                                    

Nataranta si Anya nang bigla ay may nagbukas ng pinto ng restroom. Kung bakit ba naman kasi hindi nya iyon inilock? Mabuti nalang nabitbit nya ang kumot kaya naman ipinantakip nya iyon sa sarili nya. Sumiksik sya sa sulok ng restroom sana lang magblend ang kulay ng kumot sa puting dingding. Pumikit pa sya ng bongga, feeling nya pag pumukit sya hindi sya makikita nang kung sino man ang pumasok. Narinig pa nya ang mahinang lagaslas ng tubig.. may umiihi. Oh my gosh! Sino ang umiihi? Ang boss nya kaya? Pwede bang sumilip? Dahil nga likas na chismosa sya ay sumilip pa talaga sya. The moment she peek, she regreted it dahil nagtama ang mga mata nila ni Aisha na kasalukuyang nakaupo sa inidoro.

"Waaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!!!!!!" Umecho ang sigaw ni Aisha sa loob ng banyo. Nataranta naman si Anya at hindi malaman kung paano patatahimikin si Aisha kaya naman inilitaw nya ang buong ulo nya mula sa kumot at sumenyas nang huwag maingay. Tapos bigla ay bumukas ang pinto kaya tila natauhan si Aisha.

"Anong nangyari?!!!" Alalang alala si Knight pero bago pa sya tuluyang makapasok ay binato na sya ni Aisha ng tsinelas.

"bastos!!!" Singhal pa ni Aisha sabay hagis ng tsinelas nakailag si Knight kaya naman si Jin na nasa likuran nya ang tinamaan sa noo. Pero hindi nagpatinag si Aisha at ibinato kay Knight ang kabilang pares ng tsinelas nya. Sapul si Knight.

"What the hell????" Bulalas ni Knight.

"NineBastos!! Isarado mo ang pinto!" Utos ng reyna sa inidoro. Bastos nga naman kasi umiihi sya eh. Pero natataranta namang sumunod si Knight. Wala eh.. tiklop sa reyna.

Nabalot ng katahimikan ang loob ng banyo ng sumara ang pinto. Nagkatinginan sina Anya at Aisha pero agad namang nagiwasan sila ng tingin. Maya maya ay natapos si Aisha sa pagihi at inayos ang sarili na kinalabit si Anya.

"Amy. Bakit ka nananakot? Malayo pa ang halloween. Gusto mo ba akong mapa anak ng maaga?"

Napatingin naman si Anya kay Aisha. NGANGA. Seryoso ba si Aisha?

"Ang panget ng costume mo, kung gusto mo ng costume na pang white lady dapat nakadress ka tapos may dugo dugo sa mukha." Pagpapatuloy ni Aisha.

Si Anya... NGANGA pa din.

Marahan namang isinara ni Aisha ang bibig ni Anya.

"Hindi ba talaga nagsasalita ang mga whitelady?" Bulong pa ni Aisha sa sarili tapos ay lumabas na sya sa banyo.

"What the hell happened to you? Are you ok?" Nagaalalang tanong ni Knight kay Aisha tapos ay inayos pa nito ang mga tsinelas ng asawa para masuot nya ito nang maayos.

"Wag mo kong ma what the hell what the hell dyan ha! Tsk! Ayoko na dito, may white lady dito. Tara na!" Sabay hatak ni Aisha kay Knight palabas ng hotel room.

Nang makalabas ang mag asawa ay agad na pinuntahan ni Jin si Anya. Tulala pa ang PA nyang nakabalot pa din sa kumot.

"Antonia!" Tawag atensyon ni Jin sa PA nya pero mukhang hindi sya narinig nito kaya naman nilapitan nya ang dalaga.

"Hey.." halos magkalapit na ang mga mukha nila kaya naman napatingin si Anya sa mukha ng boss nya.

O/////O

"Mukha ba kong whitelady?" Seryosong seryoso si Anya. Napakunot si Jin sabay sabing.

"WHAT THE HELL?"

...

...

"Antonia! Kape ko!" Iritableng sigaw ni Jin habang binabasa ang mga papeles. Hindi naman magkandaugaga si Anya sa pagbalik sa pantry para magtimpla ng kape. Nang matapos ay agad nya iyong ibinigay sa boss nya.

"I need you to make 30 copies of this.." sabay abot ng isang makapal na folder ng boss nya. "Do it in 30minutes. Our client will arrive at 10 o'clock!" Sabi ni Jin sabay baling muli sa mga binabasang papeles. Nagmamadali namang pumunta si Anya sa Photocopy room. Napakatoxic lang ng araw na ito. Madaming trabaho ang kailangan nilang tapusin. Isang linggo na mula nang makauwi sila mula sa Misibis Bay. Lumipat na din sya sa Condo ni Manuel. Oo tama, nag alsa balutan sya mula sa condo ni Jerome pagbalik na pagbalik nya at syempre hindi nya sinabi kay Jerome na sa Condo sya ng isang lalaki EHEM! Mali pala.. babae na nasa katawan ng isang lalaki nga pala si Manuel.. Iyon na nga. Hindi alam ni Jerome na sa condo ni Manuel si Anya titira. Ang bait kasi ni Manuel, ayaw nyang kumalat ang lihim nya dahil binlackmail sya ni Anya.

"Anya!" Nagulat pa si Anya ng tinawag sya ni Manuel. Abalang abala kasi sya sa xerox machine.

"Baklang to! Nakakagulat ka naman!" Bulyaw nya dito. Pinanlakihan lang sya ng mata ni Manuel kaya napasilip sya sa pintuan, baka kasi may nakarinig ng pagtawag nya ng bakla dito.

"Tulungan na kita! Aligaga na si Sir Kingson ka-imbyerna ang lolo mo! Aga aga IRATE! Hindi mo ata kasi chinupchup kagabi!"

"Gaga ka! Pagmay nakarinig sayo akalain totoo yang mga pinagsasasabi mo!" Sagot ni Anya na may kasamang hampas.

"Bakit hindi ba totoo?" Nakakalokong nanukso pa si Manuel. Sa totoo lang wala namang alam ito sa arrangement nila ng boss nila. Hindi nga malinaw kay Anya ang lahat eh. Nang umuwi sila mula sa Misibis Bay ay dalawang beses sya nitong niyaya sa labas. Date na ba ang tawag doon? Pero hindi sya nito pinapapunta sa Condo para utusan. Isang beses naman ay hinalikan nalang sya nito bigla sa pantry. Naalala nya tuloy na may security camera doon. May nakakita kaya?

"Excuse me bakla! Malisyoso ka lang talaga!" Hindi makatingin si Anya kay Manuel. Patuloy lang sya sa pag aayos ng mga papel sa bawat folder.

"Kaya pala ang lagkit makatingin ni Sir sayo. Tsk tsk tsk! Ang lihim lihim mo talaga ha." Pahayag ni Manuel. Kasi naman napakadami nya noong tanong kay Anya pero hindi naman ito nagkukwento patungkol sa pamilya nya. Iniingatan kasi ni Anya ang pagkatao nya sa opisina. Gusto pa din nyang itago ang katotohanan na kapatid sya ni Patrick Ismael, ang lalaking pinakasalan ng anak ng isa sa mga stock holders ng kumpanya. Si Ban Jacelyn Heart.

...

...

"The Client is here." Maya maya ay anunsyo ni Kevin. Dumungaw ito mula sa naka awang na sliding door ng opisina ni Jin. Sumenyas naman ito kay Kevin na susunod na. Napasilip pa si Anya sa boss nya at nagulat pa sya ng magtama ang paningin nila. Ewan ni Anya pero kinabahan nanaman sya. Bakit ba araw araw nalang syang kinakabahan kapag nagtatama ang paningin nila ng boss nya? Sa susunod talaga hindi na sya magkakape. Sumenyas naman si Jin kay Anya. Tila pinapapasok sya nito sa opisina. Kaya naman madapa dapa syang pumasok sa loob. Atat lang.

"Bakit po?" Namimilog pa ang mga mata ni Anya ng sa wakas ay makalapit sya dito. Kulang nalang isubsob nya ang sarili sa dibdib ng boss nya.

"Be my lucky charm today." Nakangiting sabi ni Jin sabay siniil ng halik si Anya. Gulat na gulat pa ang dyosang katawan ni Anya. Kung araw araw syang ngingitian ng boss nya at hahalikan ng ganito ok lang na sungitan sya nito sa umaga kung ganito naman ang kapalit pagkatapos. Parehas silang humihingal nang maghiwalay ang mga labi nila.

"Sa condo ka na matulog mamaya. Be there at 8pm." Sabi ni Jin at lumabas na sa opisina. Naiwan si Anya na tulala.

DARN! WHAT JUST HAPPENED?

...

....

TO BE CONTINUED.

A/N: Thank you sa mga sumusubaybay ng story na to kahit matagal ang update! Thank you din sa mga nagtutweet ng #wewantwhenmissgangstermeetshermatchbook sa twitter. Nagulat ako ha. May ganun pa kayong nalalaman! kayo talaga! Lol. Ipagpatuloy nyo lang hahaha. Malay nyo matupad at maging libro na nga sya.

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon