Ninety Nine

1K 23 16
                                    

°°°

#ElitesToothpaste




MAINAM kong pinapanood si Dwayne habang panakanakang tumatalon at pasigaw na sumasabay sa pagkanta ng banda na nasa stage. He also loves music just like Axle and Blaze did. Naiisip n'ya rin kaya na sana..ganyan na rin sila kung pinursigi nilang apat ang pagbabanda?




Ang totoo, gusto ko rin naman talaga ang music. Pinangarap kong minsan na maging kilala sa larangan ng pagkanta dahil bata pa lamang ako, todo na ang pagsuporta ni Papa sa boses ko. He's my ultimate fan and motivator when it comes to music and singing. Si Mama lang itong palaging kumokontra. Nagagalit s'ya kay Papa dahil pinapaasa raw ako nito sa bagay na hindi ko makukuha.




Tama naman s'ya. Maraming bagay akong hindi makukuha gaano man kadami ang bagay na alam kong gawin o gustong gawin. Sa isang upuan lang ay kaya kong matutunan lahat ng instruments na ibibigay sa'kin. Lahat ng skills ay kaya kong subukan kahit isang beses ko pa lang na pinagaralan. Mga pahina ng libro na kaya kong sauluhin sa isang basahan lang. Iba't ibang sports na kahit napanood ko lang sa tv kung paano gawin ay kaya kong lumaban on the spot. Kaya kong matutunan ang iba't ibang salita ng iba't ibang bansa kung gugustuhin ko lang.




Lahat ng iyon ay kaya kong gawin na hindi man ako magaling na magaling sa unang subok, malaking bagay na para sa kung para sa pangkaraniwang matutunan ang bagay na matagal dapat pinagaaralan.



Pero lahat ng kaya kong gawin ay nagsisilbi lang palamuti sa gilid ng aking utak at pagkatao. Dahil ang totoo, wala akong nagagamit kahit isa sa anu mang kaya kong gawin maliban na lang sa martial arts. Alam kong kaya kong makipagsabayan, pero mas pinipili kong magsawalang kibo.


Hanggang sa nasanay ako. Yung dapat ay pinagmamalaki ko at kung tutuusin kaiinggitan ng kahit na sino ay natutunan ko lang itago hindi lang sa sarili ko. Dahil kahit ako mismo, nakalimutan ko na rin yung mga kaya kong gawin. Hanggang sa nasanay ako. I don't even want to try new things. Para saan pa, hindi ko rin naman iyon makukuha lahat gaya ng sabi ni Mama.


Bata pa lang ako ay tumatak na sa isip ko na gaano man kalawak ang kaalaman ko sa mga bagay bagay, wala rin yung silbi kung para lang akong laruang tumutunog, lumalakad at nakakapagsalita kung nakatago lang ako sa loob ng aparador para i-pangdisplay.


Habang buhay lang magtatago..



Hindi man lang ako naging proud sa sarili. Hindi ko iyon kayang ipagmalaki. Kung mayroon mang pagkakataon yun ay noong nabubuhay pa si Papa sa twing pinapalakpakan n'ya ako kapag umaarte kami na may hawak akong suklay na ginagawang microphone habang s'ya naman ang nagiisa kong manonood. Todo palakpak pa s'ya na nagsisilbing numero uno kong tagahanga bukod kay Kurt.



Isa pa, alam kong hindi lahat ng bagay ay walang limitasyon. Minsan ng muntikang sumuko ang utak ko, kaya kung yayakapin ko ang mga bagay na alam kong ikakasira ko lang lalo, bakit ko pa susubukan ulit? Bakit ko pa ipipilit? Hindi naman ako nabuhay sa mundong ito para mag-please ng tao. Hindi ko kailangan ng atensyon at papuri ng mga tao.




Hindi ko kailangang pahirapan pa lalo ang sarili ko sa magiging resposibilidad sa mga kaya kong gawin. Hindi na kakayanin ng utak kong i-handle ang mga bagay na ikakabaliw ko na ng tuluyan. Dahil kapag naulit muli ang pagyakap ko sa mga bagay na kaya kong gawin, baka tuluyan ko ng hindi makilala ang sarili ko.




Hanggat kaya ko pang mabuhay ng normal ay pinipilit ko. Kahit maraming pagkakataon sa sarili ko na pinipilit ko na lang paniwalain ang sarili kong normal ako sa kabila ng nakatagong mukha na hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa dapat itago.



ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon