Hindi inaasahan nila Angellete at Liam ang naging bunga ng kanilang ginawa noong gabi na mas pinairal nila ang bugso ng kanilang mga damdamin. Nagpakasal ang dalawa ngunit ang saya at pagmamahalan ay unti-unting nabura sakanilang relasyon nang dumating si Clarice na matalik na kaibigan ni Angelette. Dahil sa napakalaking tiwala na meron s'ya sa mga taong malalapit sakanya, hindi kaagad nahalata ng inosenteng dalaga na ang kanyang asawa na si Liam at ang kanyang matalik na kaibigang si Clarice ay nahuhulog na sa isa't isa. Sa isang hindi inaasahang gabi, lahat ng hindi dapat matuklasan ay natuklasan ni Angelette. Lubos-lubos ang galit at poot n'ya sa dalawa kung kaya't naging dahilan ito ng pagpaslang sakanya ni Amanda, ang kanyang sariling biyenan. Pinalabas nilang lahat na si Angelette ang kriminal at sila ang mga biktima. Inakala nila Liam, Amanda at Clarice na nagtagumpay na sila sa pagligpit ng kalat na iyon kaya't napagdesisyunan na nilang ituloy ulit ang normal na buhay nila. Pagkalipas ng ilang taon, nagbalik ang inaakala nilang patay na NGUNIT ibang persona at ngalan na ang kanyang dala-dala. Hinango n'ya ito sa ngalan ng isang babae na nangangailangan rin ng hustisya dahil isa din ito sa inabuso ng mga taong umabuso sakanya noon. Ano ang magiging reaksyon ni Liam kapag nakaharap na n'ya ang isang napakagandang dalaga na kamukhang-kamukha ng ipinapalagay n'yang patay na n'yang asawa? Matutukso nga ba s'ya ni Seraphina?
57 parts