Hello, Beginning • Oneus fanf...

By clover_ann

1.3K 56 20

Hindi ito ang gusto kong mangyari. Lalung-lalo na... hindi ito ang gusto nya. Sa akin sya ikinasal. Alam ko k... More

[ i ]
[ ii ]
[ iii ]
[ trailer ]
[ author's ]
01
02
03
04
05
[ soundtrack I ]
06
07
08
09
10
[ soundtrack II ]
11
12
13
14
15
[ soundtrack III ]
16
17
18
19
20
[ soundtrack IV ]
21
22
23
24
25
[ soundtrack V ]
26
27
28
29
30
[ soundtrack VI ]
31
32
34
35
[ soundtrack VII ]
[ author's ]
36
37
38
39
40
[ soundtrack VIII ]
41
42
43
44
45
[ soundtrack IX ]
46
47
48
49
50
[ soundtrack X ]
[ author's ]
51
52
53
54
55
[ soundtrack XI ]
56
57
58
59
60
[ official soundtrack ]
[ author's ]
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
[ plug 📢 ]
Epilogue
End
[ author's ]

33

7 0 0
By clover_ann

"Oh? Anong ginagawa mo rito? Alas otso pasado na ah?"

Mabilis akong napatayo sa kinaroroonang bench nang tumigil sa harap ko ang isang motorsiklo. Hindi ko alam kung paano sila nagkasyang tatlo roon gayung malalaking tao sila.

"Ah...galing ako kina...papa, hinihintay ko lamang si Leedo...pauwi na rin ako."

"Kayo? Saan kayo galing?"

"Anong san kami galing? Papunta palang kami. Alam mo na, lapit na ang festival." -Si Yonghoon iyon na may hawak ng manibela.

"E bakit inangkas mo pa si Kanghyun, may sariling motor naman iyan? Mabuti hindi kayo naaksidente." -Ako.

"Okay naman ah, mukha kaming pangkat  ni Sakuragi." -Harin.

"E natuyuan kasi ng gas ang motor ng gagong to, sa sobrang sipag mag part time walang pang-gas ng motor nya."

"O ano? Baka gusto nyong manuod ni Leedo, starlight tayo. May 10 minutes pa kayong humabol sa gig." -Dagdag ni Yonghoon, si Kanghyun nama'y katulad parin ng dati't walang sinasabi.

Pagkababa nya ng salamin ng suot na helmet ay humindi rin ako sa kanya. Ang usapan namin ni Leedo ay hihintayin ko sya sa talyer. Pero nang mag-alas sais, sinabi ko kay papa'ng nasa labasan na si Gunhak at iniintay ako. Baka kasi tumagal pa ito sa pagpapa-intay sa akin, kaya't ayaw kong isipin ni papa na pinababayaan ako ng aking asawa.

Pero heto, dalawang oras na akong nasa shed. Hindi ko rin alam kung bakit naghihintay pa ako kung pwede naman akong mag-bus na lamang pauwi ng Jung-district.

Gusto ko lamang maramdaman ni Leedo na hinintay ko sya at kung maabutan nya man akong narito, makaramdam manlang sya ng guilt sa mga ipinararamdam nya sa akin. Ilang buwan na syang ganito. Ilang buwan na kaming ganito.

Kanina pa ako giniginaw sa ihip ng hangin pero ngayon ko lamang naramdaman ang pangingimi ng aking pisngi at mga palad dahil sa lamig.

Nilagpasan na ako ng tatlong lalake. Ang operator naman sa linya ng tawag ko kay Leedo ay halos maumay na sa makailang subok ko. Wala paring sumasagot at ni hindi nagriring.

"Henna! Saan ka pupunta?!"

"Sandali nga hyung---si Henna yun e. Yang He---Kim Henna!"

Kilala ko ang boses sa kabilang kalsada. Hindi naman gaanong malamig dahil patapos pa lamang ang fall. Nga lang, mahina talaga ako kapag gantong mababa na ang klima. Kaya't ang pandinig ko'y halos mamingi na rin sa hangin.

"W-woong..." -Hindi ako sigurado kung narinig nya ang pagtawag ko sa kanya.

"..."

"Woong!"

Sa pangalawang sigaw ng pangalan nya ay bumaba na sila ng sinasakyang kotse para tumawid palapit sa akin. Si Keonhee ang kasama nya't alam kong kotse ni Ravn ang binabaan nila.

Saglit pa'y tumayo ako sa kinauupuan nang nasa harapan ko na sila.

"Anong ginagawa mo rito? Namumutla ka na." -Nakaramdam ako ng init sa aking likuran nang mabilis nyang ibalot sa akin ang hinubad na racer jacket.

"Asan si Leedo hyung?" -Si Keonhee iyon at kinuha sa aking balikat ang bitbit kong bag.

"S-si Leedo...b-baka...baka nasa bahay na. Galing pa kasi ako kina papa." -Pagsisinungaling ko.

"Bakit hindi ka pa sumasakay? Hinihintay mo pa bang mag-snow?!"

"Putlang-putla ka na." -Magkasunod nyang sabi.

Noon pa man, si Woong ang palaging nagagalit kapag tatanga-tanga ako. Noong nag-aaral pa ako, sya yung pala-aral at ako naman yung hinihila nya para pumasa. Kung may ituturing man akong matalik na kaibigan...sya yon.

Ipinagkakatiwala nya sa akin ang mga sikreto nya. At ganoon rin ako. Alam nya ang lahat ng tungkol sa akin lalo na ang tungkol sa amin ni Leedo. Alam ko rin ang mga problema nya sa pamilya, pati na ang katotohanang mas maganda sya sa akin.

"Sandali hyung! One minute!" -Sigaw ni Keonhe sa kabilang kalsada at isinenyas pa ang kanyang relo.

"Ah...Woong..."

"...pwede bang..."

"..."

"..."

"Psh. Oo na, alam ko na. Sumama ka na lang muna sa amin. Ako na ang bahalang magpaalam kay Leedo hyung." -Sagot nya sa akin matapos i-zipper ang jacket na isinuot sa akin at isuot rin sa aking ulunan ang beanie ni Keonhee.

"..."

"Tara na, naghihintay na si Ravn hyung. Baka nagsisimula na rin sila Cya."

Bago lumakad kasabay nila...tiningnan ko pang huli ang aking telepono. Pero wala iyong notification kung kanino man. Wala ang kanina ko pang hinihintay.

Nang sumakay kami sa Subaru'ng dala ni Ravn, naupo kami ni Woong sa backseat at katabi naman ng driver si Keonhee. Kung gayon ay ilang buwan nang hindi nagpapalit ng kotse si Ravn? Himala at mukhang nakuntento sya sa sasakyang ito.

"S-saan tayo pupunta?" -Tanong ko sa katabi.

"Kung hindi mo ako kaibigan, baka nakidnap ka na, sama ka ng sama di mo alam saan pupunta." -Pagtataray nya sa akin.

"Saan pa ba, edi sa paulit-ulit na kanta ng Jin Yonghoon na yan. Kaunti na lamang ay baka pwede na akong substitute sa kanya sa festival dahil kabisado ko na'ng tutugtugin nila."

Hindi naman itinutugtog nila Yonghoon sa gig ang piyesang gagamitin nila sa festival. Pero bago raw kasi ang gig ay nagpapractice sila ng piyesa, diretso jamming sa bar para dagdag kita na rin sa mga miyembro nya. Ang alam ko, si Kanghyun ay minsang tumatanggap ng bayad, pero sina Cya, Myeong at Harin at ipinatatabi kay Yonghoon ang perang kinikita para ibili ng mga instrumento nila. Nagpaplano kasi silang magtayo na ng sariling studio.

"..."

"Ano nanamang problema mo, Kim Henna?"

Tinapik ako ni Hwanwoong sa hita at ibinulong ang tanong nya nang mapansing lumilipad ang isip ko.

"H-ha? Wala. Alam mo naman yun. Masipag, kaya nakakalimutang magsundo. Pero okay lang kasi pagod yun. Hehe."

"..."

"Talaga?"

"Ang alam ko kapag pagod si Leedo hyung, sisilihan ang puwit mong umuwi para pagsilbihan sya. Ipaghahanda ng step-ins, bihisan, maghanda ng pagkain, mamasahiin ang paa at likod at---!"

"---Woong naman. Hinaan mo ang boses mo nakakahiya. Baka isipin ni Ravn nag-aaway kami ng kaibigan nya."

"O kita mo na. Edi nag-away nga kayo? Spill it. Anong nangyari?"

Hindi kami nag-away.

Mas mabuti nga siguro kung mag-away kami. Para kahit papano ay nag-uusap kami kung anong nangyayari. Madalas noon kapag may hindi kami pagkakaintindihan ng asawa ko...kahit maliit na problema, gusto nya kausapin ako ng nasa harap nya. Bakit ngayon...hindi? Bakit inilalayo nya ang sarili sa akin?

"Henna. Hindi ka na nagsalita."

"..."

"Hoy. Ano nga?" -Sya at tinapik akong muli.

"Ah---Ha? Teka. Bakit ako ang tinatanong mo? Ikaw ang ano nga. Nakasakay ka sa kotse ni Ravn, at suot mo pa ang jacket nya."

Pag-liligaw ko sa pangungulit nya. Pero totoo, dahil sa pagkakakilala ko, hindi nagpapasakay ng kunsino, kahit kaibigan si Ravn sa mga kotseng ginagamit nito. Maliban kung girlfriend nya.

"Wag mong ibahin ang usapan. Ano nga? O baka gusto mo itanong ko pa kay Tito?"

"..."

Hindi ako sumagot. Kapag nagsimula syang magtanong kay papa, lalo itong mag-iisip na may problema kami ng asawa ko. At ayaw kong isipin nya kami.

Mahina parin ang boses ko at ni Woong sa tabi ko sa pakikipag-usap. Kung normal na gabi lamang ito... na magkakatampuhan kami ni Leedo dahil hindi nya naalala ang anniversary namin o di kaya'y hindi nya ako sinipot sa hapunang pinaghirapan kong ihanda... baka kay Woong nanaman ako tumawag para magmaktol at mag-isip bata.

Pero iba ang sitwasyon ngayon.

May ibang taong kasali.

At kaming tatlo ay pare-parehong nasa pagitan ng tama at mali.

"Woong."

"Oh?"

"..."

"..."

"Sa...isang araw na yung..."

"..."

"..."

"..."

"...sa isang araw na yung...operasyon ko."

🍀

Continue Reading

You'll Also Like

351K 5.4K 23
Dice and Madisson
2.6M 163K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
168K 4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...