Lilith's Smile (GxG)

By Azshura

294K 12.8K 2.9K

"Dick for life!" That's the first thing na narinig ko mula sa bibig niya. I hated her because of many reasons... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2

Chapter 10

5.5K 282 57
By Azshura

Pagdating namin agad bumungad sakin ang maraming pamilyar na mukha. Mga schoolmates namin to. Ang crowded ng club dahil Friday night ngayon. Kasabay ko ang magjowa na pumasok. Sumalubong naman sila Maxine, Ashley and Steph kay Li. Nakalimutan ko, kasali nga pala siya sa grupo nila. Si Adam naman ay nag paalam na pupunta sa table ng barkada niya.


Shit nakakaout of place ah. Ginala ko nalang tingin ko at hinanap sila Janine. Para naman hindi mapanis yung laway ko. Saktong nakita ko sila sa gilid.


"Li lilipat muna ako ng table-" magpapaalam na sana ako kaso hinawakan niya kamay ko at tinignan ng masama.


"No you stay here." Ayun wala akong nagawa. Ano namang gagawin ko dito? Di niya naman ako kinakausap.


"By the way girls I want you to meet my friend, Eve." Pagpapakilala niya sakin. Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko sa sinabi niya. Kailan pa kami naging friends?


"Oh really? I didn't know may ibang friend ka pala maliban samin at Keish." Nakangiting binaling ni Max ang tingin sakin. Ang judger ng mga mata niyang nang hehead to toe ah.


"Of course I have but you can't call her Eve. Ako lang pwede tumawag nun so you could call her Demi." Inangkin niya na talaga second name ko. Ngumiti nalang ako ng pilit sa kanila. Di ko naman kasi type yung mga friends niya. Halatang alagad ni Berna at Angelica Tumang.


"Hi Demi. I'm Maxine and this is Steph and Ash." Una niyang tinuro si Steph na short hair and then si Ashley na kulay gray ang tip ng hair. They wore the usual skin exposing clothes nila. Not here to judge though. Pwede naman nating suotin kung ano gusto natin. Overall, maganda sila. Hindi ko maitatanggi na kahit mga bullies tung friends niya, may ibubuga talaga sa itsura.


Nakipagshake hands nalang ako sa kanila para matapos na ang convo. Dinala nila kami sa table nila and as expected may boys silang kasama. Pero wala akong time para i appreciate ang mga mukha nila dahil busy ako sa pagiisip kung bakit hawak hawak parin ni Li yung kamay ko. Hindi naman sa nahihiya ako pero parang sasabog na kasi puso ko kung hindi niya bibitawan. Kaya nung inabutan ako ni Max ng inumin agad kong binitawan kamay niya at inabot ito. Kumunot naman noo niya bago lumingon sakin. Instead na hawakan ulit kamay ko pinulipot niya yung kamay niya sa braso ko. Ang clingy talaga hays.


Matapos ko ma discover sa sarili ko na may little crush ako sa babaeng to, pinilit kong patayin. Ayaw ko kasing ientertain dahil baka lumalim. Isa pa masmabuting doon siya dumikit sa bf niya. Bakit nga ba siya nakakapit sakin?


Nagsimula na nga ang inuman at may kanya-kanyang kausap yung mga friends niya. Si Adam din busy na nakikituwaan kina JB. Infairness at di masyadong clingy at pda sila ngayon.


"Eve kwento ka." Bigla niyang usal at uminom ng beer.


"Anong ikukwento ko sayo?" Ginawa pa akong story teller.


"Hmm bakit ka nagengineering?"


"Kasi yun gusto ni papa." Simple kong sagot. Tumaas naman kilay niya dun.


"Hindi mo gusto?"


"Gusto ko naman kaso hindi talaga Engineering first choice ko." Pagpapaliwanag ko.


"Ano ba gusto mo?" Kung normal na kaibigan ko lang to biniro ko na to ng sagot na 'ikaw' kaso hindi kami close baka mag assume talaga. Ang feeling pa naman neto.


"Psychology sana kaso nung nalaman ko na gusto ni papa magka anak na graduate ng engineering nagbago isip ko. Hindi kasi natapos ni papa yung pagaaral niya sa kolehiyo sa kursong engineering kaya parang fulfilling sakin na anak ang magpapatuloy para sa kanya. Hindi naman din option yung nakababata kong kapatid dahil walang interest sa math yun. Isa pa, nagugustohan ko na din yung kurso ko kaya wala namang problema." Pagkokwento ko. Tumango-tango naman siya.


"Ang bait mo namang anak." Komento niya. Napailing nalang ako.


"Ikaw ba? Architecture talaga gusto mo?" Pagbabalik ko ng tanong.


"Yeah since high school yun na talaga gusto ko. My parents wants me to pursue business pero ayaw ko talaga kaya in the end napapayag ko sila." Nakangiti niyang sabi na parang bata. Agad naman akong umilag ng tingin dahil feeling ko gumaganda siya lalo. Sabi ko nga ayaw kong itolerate yung pagkakaroon ko ng crush sa kanya.


"That's good. Sa tigas ba naman ng ulo mo sinong hindi bibigay? " Pagbibiro ko. Medyo nawala yung ngiti niya sa sinabi ko. May nasabi ba akong mali?


"Kaya nga eh. Lahat naman sila bumibigay agad." Mapait niyang usal na parang ang lalim ng pinaghuhugotan.


"Anong-" magtatanong na sana ako nung bumalik na si Adam at tumabi sa kanan niya. Kasama niya sina Jeremy and JB.


"Girls tara laro." Masayang bungad ni Adam at pinulupot ang braso sa balikat ni Li. Medyo na awkward naman ako dun. Si Jem umikot para maupo sa kaliwa ko. Bale napapagitnaan kami ni Lilith ng dalawa. Si JB naman kumuha ng upuan para dun sa gitna maupo.


"Game! anong laro ba yan?" Excited na tugon ni Max.


"Drink or dare lang naman spin the bottle." Si JB na sumagot. Akala ko naman kung ano. Kumuha ako ng bagong inumin dahil ubos na pala yung iniinom ko. Naglapag sila ng limang shot ng tequila na wala man lang chaser, lemon o asin. Papatayin yata kami. Ang lakas kaya ng tequila na yan thirty percent yata.


"Game what's the dare ba?" Bagot na sagot ni  Ash. Ngumiti naman ng nakakaloko si JB. Ito talaga pasimuno ng mga kalokohan.


"I dare you to tell your ex na mahal mo pa siya."


"Gago ka? ikaw nga ex ko." Sabay irap niya na parang nandidiri. Ay magex sila? Di ko yun alam. Tumawa lang si JB.


"Kaya nga come on babe tell me." Ngising asong ulol niya. Kaya pala lumipat sila dito dahil dito.


"Asa ulol. Iinom nalang ako." Matapang na kinuha ni Ash yung shot glass at sunod-sunod na ininom. Tangina ang lakas. Naghiyawan naman ang lahat sa ginawa niya. Si JB nanlumo sa pwesto niya habang si Jem at Ads tawa lang ng tawa.


"Next na nga ang kj ng isa dito." pagmamaktol ni JB. Nagsmirk lang si Ash sa kanya at tumingin sa babaeng katabi niya sa left. Siya na pala magbibigay ng dare.


"Maxine na. Hmm I dare you to rate your current boyfriend now."


"On what scale ba?" Confident niyang tanong. Nakaakbay lang sa kanya yung lalake na siguro ay boyfriend niya ngayon. Kilala naman yan na papalit-palit ng lalaki.


"One to ten lang."


"Hmm..." Tumingin muna siya sa lalaking katabi niya. Isang pilyang ngiti ang sumilay sa pulang pula niyang labi.


"Ten" Agad namang napangiti yung kalandian niya. Hayst pda to it's finest pala ngayon. Wala naman sa school so pagbigyan.  Naghiyawan lang ulit sila. Hindi ako nakikisali dahil di ko naman ugali.


"Paturo naman diyan pre." Pabirong sabi ni JB.


"Lalaki na pala gusto mo ngayon." Pangbabara ni Ash. Medyo natawa ako dun ah. Nagpatuloy ang laro hanggang sa napunta kay Jem.


"I dare you to kiss the girl that you like inside this club." Utos ni Steph. Namula naman agad si Jem sa dare niya. Ang cute lang.


"Steph naman wala na bang iba?" Pagsusumamo niya. Hindi natinag si Steph at umiling.


"Shot ka." Nguso niya sa mga shot glass. Napakamot naman ng ulo si lalake. Alanganin siyang tumingin sakin parang nanghihingi ng tulong yung mga mata niya at nahihiya. Enjoy na enjoy naman ang mga gao sa table namin. Hala bakit sakin?


"Dems uhm pwede ba?" Sa pagtanong niya nun biglang humigpit hawak ni Veron sa braso ko. Nakakapit pa pala siya sakin.


"Sige na Demi katuwaan lang naman." Pagchecheer nila. Ayan na nga ba eh. Wala naman sigurong masama? mabait naman si Jeremy at kiss lang naman. Pero bakit sakin? maygusto siya sakin?


"Maygusto ka sakin?" bigla ko nalang na tanong kaya mas lalo siyang namula. Kahit Dim at paiba yung lights mahahalata mo parin blush niya. Mukhang kamatis HAHA.


"uhm crush lang naman." Nakayuko niyang sabi. Nagsingitian naman silang lahat maliban nalang etong nasa kanan ko. Parang nawala sa mood. Di ko nalang pinansin dahil baka mood swings niya lang.


"It's fine." Sabay turo ko sa cheeks ko. Di matago ni Jem yung ngiti niya. Ang cute talaga medyo may hawig sila ni Li pagngumingiti. He leaned to kiss me sa cheeks. Brief lang naman mga two seconds. Naghiyawan naman agad sila. Kaso matapos ang kiss nakaramdam akong may kumurot sakin. Sinamaan ko naman siya agad ng tingin.


"Harot mo sa pinsan ko." Ani niya na para bang nang aasar.


"Di pwede? single naman ako." Masakyan nga trip ng babaeng to.


"Tch kahit na you shouldn't let someone kiss you like that." Mahina niyang tugon pero rinig ko parin. Yung kamay niya na nakahawak sa braso ko, bumaba hangang sa kamay ko. Para akong na kuryente na ewan nung maglapat ang mga balat namin. Pilit kong hindi pinansin at hinayaan nalang siya sa kung ano mangtrip niya. Actually gusto ko din naman yung pakiramdam ng kamay niya na nasa kamay ko. Yung feeling na kinikilig? Almost two years na din since last time na naramdaman ko to. Yung genuine na kilig walang halong impluwensya ng iba. Sa dinadami-dami ng babae bakit dito pa sa babaeng to ako nagkacrush. Para akong na himasmasan nung maalalang andito si Adam kaya agad kong binawi kamay ko.


Nagsisimula nang lumakas ang music. Nagkakasayawan na din sa dance floor. Time check, ten thirty na pala. Ang dali ng oras.


"Yung couple naman!" Excited na usal ni Max.


"Make out in front of us for one minute." Pilyang ngiti ni Maxine. Bakit ganun mga dare nila? er


"Sure, okay lang ba yun babe?" Pagtatanong ni Adam sa jowa niya. Ugh heto nanaman sila.


"Of course babe." sagot naman ni Li. Hinalikan muna siya sa noo ni Ads bago bumaba ang tingin sa mapupula niyang labi. Hinawakan nito ang pisngi niya at inilapit ang mukha mahalikan ito. Tangina ayoko manuod kaya binaling ko nalang tingin ko sa beer ko.


"Ohhhh" reaction ng mha kasama namin. Hindi ko alam bakit pero na bobother ako sa mga nangyayari sa tabi ko. Mukhang na pansin naman ito ni Jem.


"Hey okay ka lang?"


"hmm? yeah medyo naiilang lang." pabulong kong sagot sa kanya.


"Oo nga pala di mo gusto pagiging pda nila." tatawa-tawa niyang sabi. Naalala niya pa pala yung usapan namin last week.


"Pero don't get me wrong hindi ko na hate si Li pero ayoko lang talaga makakita ng laplapan live." Pagbibiro ko na natawa naman siya. Hindi ko na napansin na tapos na sila dahil nakatuon atensyon ko kay Jem. Thank you lord at hindi mo ako pinabayaang ma bato dito.


"Medyo nagulat din ako nung makita kong magkasama kayo ni Li. Sabi ko sayo eh di naman ganun kasama pinsan ko."


"Minsan mabait pero parating demanding." komento ko na tinawanan lang namin. Napansin siguro nila na hindi na kami nakikisali sa usapan dahil biglang sa amin napunta yung mga tingin nilang nanunukso.


"Uy kayo ah mukhang may bagong love team." -Steph.


"Si Demi na diba sino magdadare?" Tanong ni Ash na medyo lasing na. Straight ba namang ininom yung shots kanina.


"Ako! I dare you to make an eye contact with Jeremy in one minute dapat hindi mapuputol kundi iinom ka." Napataas naman kilay ko dun sa dare ni Maxine. Mabilis pa naman ma irritate mga mata ko.


"Dali na Demi." Excited na pagpupush ni Ads. Wala na akong nagawa at humarap kay Jem.


"One, two, three..." nagsimula na silang magbilang. Magkatitigan lang kami ni Jem. Namumula siya HAHA pero nakangiti parin. Ang gwapo din ng nilalang na to. Kung hindi ko lang crush si Veron ngayon baka nagka gusto nako sa kanya. Kaso one at a time lang kasi ma attract si heart. Ewan ko ba dapat mawala na tung crush ko sa babaeng nasa likod ko ngayon.


Pero bigla nalang nakaramdam ako ng masamang hangin mula sa likod. Yung feeling ko ang sama ng tingin sakin. Hanggang sa maramdaman ko ang masakit na kurot sa gilid ko. Agad akong napadaing at naputol ang titigan portion namin. Hayup, nilingon ko siya pero ang babae patay malisya lang.


"Aw ang cute nahihiya si Demi. Nagbublush pa silang dalawa." Komento ni Ash na parang kinikilig. Sa inis yan hindi sa kilig!


"Paano ba yan Dems inom ka na." Sabay abot ni JB ng limang shots. No choice ako at ininom ito. Shit na malagkit ang tapang. Feeling ko umikot mundo ko nung matapos kong inumin lahat. Kasalanan to ni Veron kung di lang sana siya nangealam ugh!


Nagpatuloy lang ang ikot at inuman. Nagsasayan na din sila sa gitna kasama partners nila. Medyo lasing na din ako. Pati si Li na nakasandal lang kay Ads. Sina Jem and JB ayun bumalik sa table nila. Ayaw nga sana ni Jeremy kaso pinilit ni JB dahil may paguusapan daw sila. Kaya nagpaalam nalang siya sakin na babalik siya.


Chineck ko ulit ang oras kahit maypagka duling na yung paningin ko. Pasado alas dose na pala. Patay lagpas curfew na. Tatayo sana ako para hanapin sina Ja dahil makikisabay ako sa kanya for sure kina Shai makikitulog yun. Biglang may humawak sa wrist ko.


"Saan ka?" Tanong niya. Wala na pala si Adam sa tabi niya. Di ko napansin.


"Asan si Adam?" Hindi ko naman pwedeng iwan to magisa dito. Nasa dance floor kasi yung mga friends niya.


"Andun kina JB may paguusapan daw." Uminom ulit siya ng beer.


"Tama na inom mo lasing ka na." Pinigilan ko siyang inumin yung natitirang laman ng bote. Napakunot naman noo niya.


"Aish pakialamera ka talaga." Pagmamaktol niya.


"Sige ka magkakahangover ka bukas." Feeling ko din magkakahangover ako ng very light. Nagpout lang siya at nagbuntong hininga.


"Ayokong magkahangover." Parang bata niyang sabi. Alam niyo yung tono ng pananalita ng lasing? ganun na siya.


"Yun naman pala eh." Ngiti ko at binaba yung bote sa mesa. Di na siya umimik pero nagulat nalang ako nung sumandal siya sakin.


"Pahiram ng balikat mo antok nako." Wala sa wisyo niyang sabi. Tangina parang nagpaparty yung tiyan ko tas naging drummer yung puso ko. Lakas ng kalabog.


"Tawagin ko nalang si Adam hatid ka niya." Suhestyon ko. Umiling naman siya.


"Sama ka." Anong sama ako?


"Saan?"


"Condo ko."


"Bakit?"


"Para maglinis. Natural matutulog ka." Lasing na nga binabara pa ako.


"Hindi na kina Shai nalang ako." Pagtatanggi ko. Sumimangot naman mukha niya.


"Sa Condo ka na ako lang naman dun." Sagot niya. Hindi matutulog si Adam dun? baka kasi makarinig at makawitness ako ng live action.


"Si Adam?"


"Edi sa kanila." Mabilis niyang sagot. Medyo napangiti naman ako dun.


"Bakit mo naman ako papapuntahin sa Condo mo? Hindi mo nga pinapapunta friends mo diba."

"Natutuwa ako sayo kaya okay lang." Ay wow ginawa akong clown. Kahit gusto ko mang ideny pero kinilig ako sa sinabi niya HAHA harot eh.

Hay nako Veron pinaggagawa mo sakin.

...

Continue Reading

You'll Also Like

767K 30.4K 33
[This is a GL story] Date started: December 2016 Date finished: December 15, 2017 ** Tahimik na ang buhay ko, eh. Kuntento na 'kong kasama si Kuya at...
24.4K 1.1K 37
Arabella, one of the most highest paid assasins in asia. A girl who's always been inivisible. A girl who was trained not to be visible, found herself...
410K 16.3K 36
Student x Student Siguro nga pinagtagpo lang kami ngunit hindi itinadhana para sa isa't-isa. Pinagtagpo kami para lang hindi magkatuluyan sa huli. O...