Lilith's Smile (GxG)

By Azshura

294K 12.8K 2.9K

"Dick for life!" That's the first thing na narinig ko mula sa bibig niya. I hated her because of many reasons... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2

Chapter 4

5.9K 268 7
By Azshura


Wala sa pagiisip akong pumasok sa calculus class namin. Kulang ako sa tulog at masakit pa ulo ko. Pagupo ko palang pansin na agad ni Riyn ang mukha kong parang pinagbagsakan ng langit at lupa. 


"Nangyari sayo?" Usisa niya at hinawakan noo ko. "Wala ka namang lagnat" 


"Uminom ako kagabi." Nasabi ko nalang at binaon ulo ko sa braso ko dahil medyo masakit pa rin talaga. Pumikit ako at nagbaka sakaling mawala ito.


"Ew weak." Natatawa niyang sabi. Pinakyuhan ko nalang siya dahil ayokong magsalita. Nakakadagdag ng sakit sa ulo.


"Buti nalang talaga walang quiz ngayon kundi lagot ka." 


"Di naman ako iinom kung may quiz ngayon." Pagdedepensa ko. Totoo naman eh.


"Tsk sabi mo eh." Tumahimik na siya. Narinig ko boses ni Khims na nagtatanong tungkol sakin. Sinagot naman siya ni Riyn. Di ko nalang sila pinansin at mas piniling umidlip. May time pa naman bago mag time. Ilang segundo lang nakatulog na ako pero bago yun isang pamilyar na mukha ang sumilay sa isip ko. Her smile that always makes her look more beautiful...


But scary. 


...



Lilith's PoV


Kakapasa ko lang ng plates ko kay Ms. Mich. The usual ako nanaman ang pinaka unang nagpass. I might look like pabaya pero no I'm not. I still value my studies as much because my parents will kill me if I won't. Wala na akong ibang gagawin kaya tinext ko na si Keish, ang dakila kong bff. Napagdisisyonan namin magkita sa gym dahil andon siya nanonood sa boys.


"Did you do what I told you to?" Bungad ko sa kanya. Agad naman siyang napa irap.


"Seriously? yan agad hahanapin mo sakin?" Nakacross arms niyang sabi. 


"Of course Keish." Umupo na ako sa tabi niya. 


"Hi Lili!" Bati sa aking ng mga naglalaro. Kumaway lang ako sa kanila. Gwapo pero mas gwapo babe ko. Mga crim pala yung mga naglalaro. Namumukaan ko yung iba dahil sa friend din ni Adam yung ilan.


"So ano nga?" Baling ko ulit sa katabi ko.


"Well I talked to someone na schoolmate niya dati." pagsisimula niya. Nakinig lang ako. 


"She's not straight bes." 


Napatigil ako sa sinabi niya. I didn't know. Kahit na medyo di yun girly manamit di parin halata na pumapatol pala siya sa kapwa niya babae. Don't get me wrong, I don't have anything against people like her. Nakakagulat lang kasi. Di ko din naman siya tinutuonan ng pansin dahil focus lang ako sa mga friends and bf ko. 


"Really?" yun lang nasabi ko. 


"Hmm she had a girlfriend before but they broke up before graduation." continuation niya. Napatahimik nalang ako at tulalang nagisip. 


"So ano na plano mo girl? Seduce mo?" Natatawa niyang sabi. Napakunot naman noo ko dun. Pano? I can surely do so kung lalaki pero kung babae? Di ko pa yata na tatry yan. Naalala ko tuloy yung mukha niya kaninang umaga. Medyo natawa ako.


"Oh anong tinatawa-tawa mo diyan? Nabaliw ka na ba?" Inis ko siyang pinandilatan. 


"No. Nagiisip ako Keish." 


"Luh meron ka pala nun girl?" Pangiinis niya. Hinampas ko naman yung braso niya. 


"Mas matalino ako sayo gaga." 


"Saan? sa kalokohan?" Dagdag pa niya. Isa pang banat nito kakalbohin ko na siya swear. Napansin niya sigurong ang sama na ng tingin ko kaya tumigil na siya. 


"Pero di nga magkikita kayo ngayon diba? Di nga ako makapaniwala na gagawa ka ng project maliban sa major sub mo." Ngisi niya ng nakakaloko. 


"I pass my projects Keish." Pagdedepensa ko.


"Yeah you do pero hindi naman ikaw gumagawa." yung  totoo best friend ko ba talaga to? Kanina pa siya ah.


"At least I do pass." Sabay irap ko. Tumawa naman siya. She's Keisha Villanueva and a political science student. Best friend ko since high school. She wanted to be a lawyer kasi and that's her dream ever since I know her.


"Seryoso na nga. What's your plan ba?" Nakahalumbaba niyang tingin sakin.


"I was planning on teaching her a lesson." 


"Just because she stood up against you? Mali ka naman talaga girl." Agad ko siyang tinignan ng masama. 


"Yung totoo Keish best friend ba talaga kita?" Nakacross arms kong sabi.


"I am gurl and I'm telling you this because I am. Stop hanging out with those bitchy girls like Maxine. Nagiging bitch ka na talaga." Commento niya. Di ko alam kung ano irereact ko sa sinabi niya. 


"Why bringing out my squad here? Basta gaganti ako. Lintik lang ang walang ganti." Confident akong ngumiti. Now I already have something in mind. Iniisip ko palang parang natatawa na ako.


"Whatever. Based naman sa story ng old classmates niya mabait naman siya. Baka ikaw pa magsisi at makonsensya sa huli." Ngisi niya parang alam na ang mangyayari. 


"Well tignan na lang natin." I stood up at inayos ang palda ko. 


"Oh saan ka?" pagtataka niya.


"Uuwi. Diba nga gagawa ako ng project?" Pilyang t'giti ko bago tuluyang nagpaalam sa kanya at tinext si Adam na mauuna na ako.


Napaisip naman ako sa sinabi ng best friend ko. Iba din talaga words of wisdom nun. Siya lang yata ang taong pagsasabihan ako ng ganun maliban sa parents ko and I am giving her the right. Natural best friend ko yun eh pero hanggang ganun lang siya. Alam niya kasing matigas ulo ko kaya in the end support lang siya. May point naman din siya. I just don't like the idea of someone na di ako sinusunod. Siguro na sanay akong palaging ineespoil. Adam is spoiling me. He treats me like his queen. Kahit na ako ang mali no choice siya para ipagtanggol at kunsintihin ako. Kung hindi naman kasi magaaway kami and he hates that.


Pagbigyan ko nalang siguro si Keish pero that doesn't mean na di ako gaganti. Medyo itotone down ko lang. Naramdaman ko naman na nagvibrate yung phone ko. Si Maxine nagtext may party daw later sa club. For the first time tatanggi ako sa aya nila.


'Sorry but I have something to do'

Message sent.


...


Demi's PoV


Chineck ko ang time, almost 3 na pala. Meaning malapit na matapos ang klase. Ilang minuto lang din ay tumunog ang bell at nagpaalam na si sir. Wala parin ako sa sariling tumayo. Medyo wala na yung sakit ng ulo ko pero lutang ako dahil kulang sa tulog.


"Tara na." Hila sakin ni Riyn palabas ng room. Bago pa kami makababa ng hagdan ay may tumawag sa pangalan ko. Teka ako nga ba? ako lang naman Demi dito samin.


"Dems!" Paglingon ko kung sino si Ads pala. Para naman akog na istatwa sa kinatatayuan ko. Shit oo nga pala ngayon yung usapan namin ni Veron. Sinenyasan ko nalang si Riyn na mauna na. Mukhang nagets niya naman gusto ko sabihin kaya tumango lang siya at sumabay sa iba naming kaklase.


"H-hi Ads." Bati ko ng makalapit siya sa akin. 


"Wala ka ng klase?" Ngiti niya. 


"Wala na." Di ko alam kung anong sasabihin ko. Ayoko sanang sumama dahil makikita ko nanaman mukha ng maldita niyang girlfriend. 


"Pinapasundo ka nga pala ni Lili sakin. Ngayon niyo daw gagawin project niyo." Pagpapaalala niya. Oo nga pala yung project kailangang matapos dahil exam na namin next next week.


"Di ko alam na di ka lang pala niya boyfriend at driver ka rin pala." Natatawa kong sabi. Under talaga eh.


"Mahal ko eh." Proud siya ngumiti kaya pabiro akong umirap. Infairness nakakapagusap parin kami gaya ng dati.


"Whatever Ads. Tara na nga." Nauna na akong maglakad at tatawa tawa lag siyang sumunod. Dala niya pala sasakyan niya. Gara nga eh ang cool ng dating. Pumasok na ako at siya naman sa driver seat. Nagkwentuhan lang kami ng konti. Medyo inaantok parin ako. Buti nalang malapit lang pala condo ni Veron. 


Pinark na niya yung car sa gilid kay nagtaka ako kung bakit hindi siya sa mismong parking lot nag park. 


"I'm not going inside. May tatapusin din kami ng kapartner ko." Parang nag loading yung utak ko sa sinabi niya. Ibig sabihin kami lang ni Veron?!


"Sino kapartner mo?" Natanong ko nalang. Kinakabahan ako maiwan magisa kasama nung maldita niyang gf.


"Si Dan." Chill niya lang na sagot. Napakunot naman noo ko dun. 


"As in Danicca? Di ba magagalit bebe mo niyan?" Parang ako yung natatakot para kay ate Dan.


"Di naman siguro at isa pa may kasama naman kami." Ngiti niya.


"Alam ba ng gf mo?" 


"Hindi hehe." Napakamot siya sa batok niya. Naku Lacorte pinaggagawa mo. 


"Luh lagot ka talaga apaka selosa pa naman nun." Commento ko nalang. 


"Huwag mo na lang sabihin please? Ang alam niya si Jark kasama ko." Nako talaga tung mga lalaki. Pero naiintindihan ko naman siya kung bakit di niya masabi. 


"Bahala ka. Di ko sasabihin pero goodluck nalang." Sinuot ko na yung bag ko at binuksan ang pinto ng sasakyan para makalabas. 


"Room 118 yung unit niya nasa fourth floor." Ani niya bago ko pa masara yung pinto. 


"Okay thank you sa paghatid Ads." Kumaway nalang ako at ngumiti. Gumanti lang din siya ng ngiti bago tuluyang pinaharurot paalis ang sasakyan niya. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa building. Parang mas gusto kong umuwi sa dorm at matulog nalang. Pero di pwede paano na lang project namin?


Kinumbinsi ko nalang ang sarili ko na wag na lang isipin na si Veron ang makakasama ko bago pumasok sa loob. Inayos ko yung jacket ko. Tinanong ng guard ang name ko at nung makuha niya saka niya ako pinapasok. Infairness ah. Pang high end at halatang mayaman lang makakaafford. Pumasok ako sa elevator at agad pinindot ang number 4. Pagbukas ay agad kong hinanap room niya na agad ko din namang nakita. 


Parang wala ako sa sariling nakatayo sa labas. Magdodoor bell ba ako? huwag na lang kaya? Pero sayang pinunta ko dito. Lumanghap ako ng sariwang hangin dahil baka pagpasok ko di na akong makahinga dahil sa sama ng nakatira sa loob. Pinindot ko ang maliit na boton sa gilid. Ilang minuto lang din ay bumukas ang pinto at niluwa ang naka tuwalya at bagong ligong Lilith. 


Feeling ko nagstop yung oras habang nakatitig ako sa kanya. Shit.


"Like what you see?" Pilyang ngiti niya sakin. May kung ano talaga diyan sa ngiti niya at parang hinahatak ako. My God Dems wag kang papatalo, itikom mo yang kabaklaan mo.


"No." walang ka emosyon kong sabi. Nagsmirk lang siya. Aba at hinahamon yata ako.


"Whatever, pasok ka." Binuksan niya ng mas malaki yung pinto para makapasok ako. Pagkapasok ko pa lang agad akong namangha sa interior design ng condo niya. Ang ganda at ang lawak. Malinis din at masasabi mo talagang may taste ang nakatira dito. Carpeted yung floor at ang classy ng mga furnitures.


"Wait here magbibihis lang ako." Ani niya saka nawala at pumasok sa kwarto niya. Naiwan akong nakatayo. Wala talagang ka manners manners yung babaeng yun. Di man lang pinaupo bisita niya. Ako nalang nagprisentang umupo sa couch niya. Nilabas ko na din yung laptop ko. Maghahanap ako ng idea para sa project namin.


Mga Ilang sandali din bago siya lumabas. Nakasuot siya ng sobrang ikling shorts at loose shirt. Binaling ko ulit tingin ko sa laptop ko. Mahirap na baka akalain niyang bet ko siya.


"Hey ano nga ulit yung project?" Pagtatanong niya at umupo sa tabi ko. 


"Di ka talaga nakikinig no?" 


"Just tell me Sandoval." Ang taray talaga.


"Gagawa tayo ng scrapbook about dun sa globalization." Inopen ko yung folder kung saan ko nilagay ang ideas na nakalap ko nung ang tagal niyang lumabas sa kwarto niya.


"Ohh may gamit ka?" Tumingin siya sakin. Tumaas naman kilay ko. 


"Ano ka hilo? bibili tayo tara." Sinara ko na yung laptop at binalik sa lalagyan.


"What? no tatawagan ko nalang si Adam siya nalang-" Pinutol kung sasabihin niya. Feeling donya talaga tung babaeng to. Ginawa pang alalay boyfriend niya.


"Busy boyfriend mo may gagawin ding project. Isa pa project natin to kaya tayo bibili, tayo magpapakahirap." Pangangaral ko sa kanya. Kailan pa ako naging mama ng spoiled brat na to.


"Pero wala yung car ko. Ayokong maglakad." Nagcross arms siya.


"Sino nagsabing maglalakad tayo mahal na prinsesa?" sarkastik kong sabi sa kanya. 


"Then what?" taas kilay niyang tanong.


"Commute miss." Ngumiti ako na parang nangiinis.


"Excuse me?" Naiba yung ekspresyon niya na parang nandidiri.


"Magcocommute tayo sa ayaw at sa gusto mo." Ani ko at tumayo na. Parang di parin siya makapaniwala sa sinabi ko kaya di ko na napigilang umirap talaga. Arte talaga neto.


"Bilis na." Hila ko sa kanya. 


"Ugh wait let me get my wallet." Inis niyang hinila pabalik kamay niya at pumunta sa kwarto. Pero bago yun ay pinanlisikan niya ako ng tingin. Natatawa ako sa itsura niya. Siguro hindi na ganun kasama ang araw na to...


kasi mabwibwisit ko siya.


...



Continue Reading

You'll Also Like

767K 30.4K 33
[This is a GL story] Date started: December 2016 Date finished: December 15, 2017 ** Tahimik na ang buhay ko, eh. Kuntento na 'kong kasama si Kuya at...
61.5K 2.9K 39
WARNING: READ LS SERIES #2: WHEN DESTINY PLAYS FIRST BEFORE READING THIS TO AVOID CONFUSION.
675K 24.1K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
127K 5.1K 44
She is a famous lawyer. A gorgeous, smart, brave and seductive young lawyer, to be exact. Siya ay si Alice Saavedra, mas nakilala pa dahil madalas, m...