Tutulo, Tutula, Titila

By Azclar

285K 5.3K 742

Watty Awards 2019 Winner in Poetry Isang daang tula tungkol sa sakit, hirap, takot, galit, pighati, pagsubok... More

Tutulo
Paano Hahabulin ang Hindi Akin?
Pangungulila
Ikatlong Palapag
Kabiguan
Hindi Sana
Ang Iyong Sundalo
Parang Kahapon Lang
Imahinasyon
Ikalawang Palapag
Sa Lihim
Siya
Sa Taong Pinakawalan Ko
Ikaw at Ako
Ang Ibigin Ka
Unang Palapag
Isang Beses sa Asul na Buwan
Hahayaan na Lamang
Grotesque
Tatlong Taon
Ako ang Pinili
Paano?
Paghanga
Liham
Sawa Kana
Unang Pag-ibig
Kung Oras ay Maibabalik
Ang Pagtingin na Hindi Nakikita
Walang Sagot
Paulit-ulit
Paano na Ito?
Karagatan
Mahal, Pakiusap
Ang Limutin Ka
Hindi Pinili
Kaibigan Lang
Tayo Parin Ba?
Likha
Ikaw Parin
Umaasang Babalik Ka Pa
Buhay at Kamatayan
Napagod Ka
Isang Araw
Unang Pagsuko
Heto
Aasa Ako Sa'yo
Kung Hindi na Mahal
Alas Dose
Alak at Pag-ibig
Sa Isang Gilid
Ang Multo ng Kahapon
Ang Tingin sa Akin
Kahit Ano, Kahit Gaano
Panghihinayang
Ang Ating Pasya
Sa Sarili na Lamang
Balkonahe
Ambon
Isang Oras
Dahil Mahal Ka
Patawad
Manyika
Hibang
Mahal Kita
Bahagi
Ang Pag-ibig Natin
Pagbawi
Siguro
Hindi Ako
Wala Naman
Wala Kang Alam
Wala
Ayaw Ko Na
Taloy
Hanggang Diyan Ka Nalang
Pinipili
N
Hindi Ko Na Alam
Sana
Hindi Kaya
Mundo
Hindi na Ikaw
Lamat
Hindi
Plaza
Dapitan
Hindi Ako
Ang Babae
Takot
Hindi Ka Akin
Pebrero Bente
Sakit
Ang Ika'y Pakawalan
Kapalit
Bakit
Palipas-Oras
Daungan
Anyaya
Titila

Siya na May Dalawang Mukha

5K 88 17
By Azclar

Sigurado akong nalinlang ka n'ya-
Siya na mayroong maamong mukha,
Siya na dalubhasa sa paghuhulma-
Ng kurba sa kanyang labi na sa buhangin ay gawa.

Mahusay siya sa pagbabalat-kayo,
Kaya n'yang humarap sa kahit na sino,
Nakakaahon kahit paulit-ulit na nilulunod-
Sa hampas ng mga alon sa dagat ng unos.

Samantalang ang isa ay hindi kaaya-aya,
Sinumpa na magkaroon ng mga peklat na kahiya-hiya,
Wala siyang mukha na maihaharap sa iba,
Nagtatago sa anino ng taong hindi n'ya kilala.

Naiwan sa kanyang nakaraan,
Sumusugal sa laro na taguan at habulan,
Naiipit sa buhay na walang pagpipilian,
Hindi nakakawala dahil sa nangingibabaw na kahinaan.

Habang ang isang mukha ay walang tigil sa mapagkunwaring ngiti,
Ang isa ay tumatanaw sa dagat na tanging saksi sa kanyang pighati,
Habang ang isa ay nagsisikap sa paghulma ng buhangin,
Ang isa ang sumisira dahil sa pananatili sa dagat na mahangin.

Sa paglubog ng araw ay nahahanap parin nila ang pagdamay sa isa't-isa,
Para sa isa na namang gabing malamig at mahaba.

Masdan mo ang mata ng mukhang iyong nakikita,
Makikita mo rin dito ang matang tumatanaw sa dagat at nagluluksa,
Masdan mong mabuti at malapit dahil hindi ito marunong magpanggap,
Dahil siya ang taong may dalawang mukha-
Na may magkatulad na mga matang lumuluha.



010
Siya na May Dalawang Mukha
08/03/21
Azclar

Continue Reading

You'll Also Like

18.7K 111 59
Mga tulang hinugot mula sa kaibuturan ng aking puso't damdamin. Char! xD
200K 6.9K 37
"You have no idea how my hands crave to roam around thirsty in your body with my tongue lusting to taste something I'm not allowed to.." Warning: Thi...
589 98 33
Isang koleksyon ng mga tula, 'di mawaring salita at damdaming 'di maipinta
11.1K 971 63
"The love that you are searching from someone else, will and must always start with yourself." (A collection of poem and prose about self-love, movin...