Tutulo, Tutula, Titila

By Azclar

285K 5.3K 742

Watty Awards 2019 Winner in Poetry Isang daang tula tungkol sa sakit, hirap, takot, galit, pighati, pagsubok... More

Tutulo
Paano Hahabulin ang Hindi Akin?
Pangungulila
Ikatlong Palapag
Kabiguan
Hindi Sana
Parang Kahapon Lang
Imahinasyon
Siya na May Dalawang Mukha
Ikalawang Palapag
Sa Lihim
Siya
Sa Taong Pinakawalan Ko
Ikaw at Ako
Ang Ibigin Ka
Unang Palapag
Isang Beses sa Asul na Buwan
Hahayaan na Lamang
Grotesque
Tatlong Taon
Ako ang Pinili
Paano?
Paghanga
Liham
Sawa Kana
Unang Pag-ibig
Kung Oras ay Maibabalik
Ang Pagtingin na Hindi Nakikita
Walang Sagot
Paulit-ulit
Paano na Ito?
Karagatan
Mahal, Pakiusap
Ang Limutin Ka
Hindi Pinili
Kaibigan Lang
Tayo Parin Ba?
Likha
Ikaw Parin
Umaasang Babalik Ka Pa
Buhay at Kamatayan
Napagod Ka
Isang Araw
Unang Pagsuko
Heto
Aasa Ako Sa'yo
Kung Hindi na Mahal
Alas Dose
Alak at Pag-ibig
Sa Isang Gilid
Ang Multo ng Kahapon
Ang Tingin sa Akin
Kahit Ano, Kahit Gaano
Panghihinayang
Ang Ating Pasya
Sa Sarili na Lamang
Balkonahe
Ambon
Isang Oras
Dahil Mahal Ka
Patawad
Manyika
Hibang
Mahal Kita
Bahagi
Ang Pag-ibig Natin
Pagbawi
Siguro
Hindi Ako
Wala Naman
Wala Kang Alam
Wala
Ayaw Ko Na
Taloy
Hanggang Diyan Ka Nalang
Pinipili
N
Hindi Ko Na Alam
Sana
Hindi Kaya
Mundo
Hindi na Ikaw
Lamat
Hindi
Plaza
Dapitan
Hindi Ako
Ang Babae
Takot
Hindi Ka Akin
Pebrero Bente
Sakit
Ang Ika'y Pakawalan
Kapalit
Bakit
Palipas-Oras
Daungan
Anyaya
Titila

Ang Iyong Sundalo

6.8K 113 33
By Azclar

Sa mundong ito, na kung saan lahat nakikipaglaban,
Nakita kita sa gitna, lumuluha at duguan,
Balisa ka't tila gusto nang wakasan-
Ang buhay para sa walang kwentang dahilan.

Hindi mo alam na pinapanood kita,
Ganyan naman lagi, hindi mo ako nakikita,
Gayon paman, nakahanda akong sagipin ka,
Dahil buhay mo'y higit pa sa aking hininga.

Dito sa mundong kasiyahan ang iyong kamatayan,
Ako ay iyong pananggalang,
Ikaw ang hari at ako ang iyong sundalo-
Nakahandang itaya ang buhay ko, mapanatili lang ang sa iyo.

Hayaan mo lang ako,
Magtiwala kang kaya ko,
Kaya kong gamutin 'yang mga sugat na iyong natamo,
Kaya kong linisin ang putik na nakadikit sa'yo,
Hanggang sa mawala na ang kirot,
At ang mga maruruming ala-ala na bumahid sa iyong pagkatao.

Matulog ka-
Babantayan kita,
Magpahinga ka-
Hindi ko hahayaang gambalain ka nila,
Ayos lang maging mahina,
Pansamantala-
Ako ang magsisilbing lakas mo sa lahat ng pagdurusa,
Hanggang sa dumating ang umaga,
At kaya mo nang mag-isa.

Hindi ako isang bituin,
Subalit maaari mo akong tanawin,
Dito sa mundong makulimlim-
Maaari kang sa akin ay humiling,
Gagawin ko ano man ang iyong naisin,
Ako ang magsisilbing tanglaw mo sa dilim.

Poprotektahan kita-
Laban sa kanilang mapang-api't mapanghusga,
Hindi ko hahayaang magalusan ka,
O dumaplis man lang sa balat mo ang mga pasakit na ibabato nila.

Ako ang sasalo sa lahat ng iyong problema,
Ako ang magdadala sa mga pasanin kung nabibigatan ka na,
Tutulungan kita, manalig ka;
Tulungan mo rin ako, alisin natin 'yang iyong pangamba.

Maghihintay ako-
Sa araw ng pag bangon mo,
Sa araw na muli mong itatayo ,
Ang iyong matayog na imperyo.

Sa araw na iyon, hindi ako ang katabi mo sa trono,
Pero sapat nang ako ang iyong nangungunang sundalo,
Ipag-utos mo lang at ito'y masusunod,
Magiging tapat ako at mananatili sa pagkayod.

Kaya, magpalakas ka,
Dahil may naghihintay sa iyong umaga,
Manatili kang buhay at humihinga,
Sa ngayon, ako muna ang bahala sa iba.



007
Ang Iyong Sundalo
07/05/18
Azclar

Continue Reading

You'll Also Like

4.5K 54 24
"Mga tulang matagal ko nang dapat sinabi sayo."
589 98 33
Isang koleksyon ng mga tula, 'di mawaring salita at damdaming 'di maipinta
18.7K 112 59
Mga tulang hinugot mula sa kaibuturan ng aking puso't damdamin. Char! xD
4K 670 22
Highest Rank: #86 in Poetry 05/04/18 #08 in mgatula 05/11/18 Sa mundong ito lahat ng bagay kailangan, lahat ng bagay ay...