Fragments - KathNiel One Shots

By FlurriedSimplicity

220K 4.7K 1K

šŸ’™šŸ’™šŸ’™ Fragments of my thoughts, collected experiences, along with a spur of my imagination, pieced and separ... More

Mr. Seloso
Bote ng C2
Starbucks
Mangga?
Cleaner?
Minsan Kasi...
Notebook
MOVE ON
Brutal na Pag-Ibig
Kisapmata
Si Kitkat at si Rocher
My 11:11 Wish
Ako Na Lang
The Best Birthday
Pagdating ng panahon
Si Gael
Hi Crush! :)
Hi Love! :)
Perfect Timing (PNP prt. 2)
Perpekto (Her Side)
Perpekto (His Side)
Bakit ba kita minahal?
He Loves Me........ He Loves Me Not.
LOL Have Fun
Scars
Fact About Kathryn Bernardo...............
Asar
Seatmate?
Ever Again
Sorry Na.........
Laruan
Bally, I'm Sorry.
Bally, I'm Sorry (Part 2)
Superman? SUPERMANHID
Hanggang dito nalang
If I Had A Choice
If I Had A Choice (HER SIDE)
Hinding Hindi Na
Ikaw
Never
I don't
Happy Birthday, Love. (Birthday Special)
Spaces
Paano ba?
I see
Hindi na kami
Swerte nga naman
Si Daniel (Birthday Special #1)
Creep (Birthday Special #2)
The way you look at me (Birthday Special #3)
Package Deal (Birthday Special #4: Bonus)
Kahit ano ka pa
Sana Maulit Muli
Bakit Labis Kitang Mahal
The One That Got Away
Hanggang Kailan Kita Mamahalin
Finally
Hanggang
Special Ingredient
Si Tatay
Si Nanay
Crazy in Love
Again
Perfect Thursday
Still Thursday
Picture Perfect
Home This Christmas
AngYna
Lovesick
Worth it
In The Mind of The "Best" Boyfriend
All That Matters
So In Love
In His Arms
P R O T E C T O R
Never Too Far
A Queen
Graduation
#PSYAppreciationLunch
I Don't Wanna Cry
Kiss Me
When I Saw You
Bittersweet
Bliss
Understand
Can't Let Go
Against All Odds
Toxic
Half
I Like You Meter
Mended
The Cutest
Nag-Iisa Lang
One Sweet Day
Headcanon
Forever
Still
The 10th
Forever Thankful
Miss you most
The Mechanic
Miss Universe
Fluff
All I've Ever Wanted
Just To Hold You Once Again
Baby Girl
To Love Thee
Deflection
Wolves
Kislap
After All
Lapses
When
Not an update, but VERY important (UPDATE ON SITUATION)
For All It's Worth
Kontento
Like This

Dito lang ako

1.1K 37 49
By FlurriedSimplicity


6-25-18

I don't have words 🙃 I honestly do not know where this came from (but I promise, it ain't something I pulled out of my.. 😂)

Napansin ko pala, ang hilig ko din sa confrontational scenes. I mean, is that normal? Kasi diba, one of the key things to a smooth-sailing (as far as smooth-sailing goes) relationship is communication? (Sabi nila. HAHAHAHAHAHA DON'T QUOTE ME ON THIS)

Sort of alternating POV's. Just a heads up.

(May bumabasa pa ba ng ganito? Hmm)

HALA! I SWEAR NAKA-ITALICS YUNG DIALOGUES AND SOME OTHER STUFF! huhuhu bakit :(

Disclaimer pala! I do not own Harry Potter. All referenced characters and plot points belong to the ever brilliant, J.K. Rowling.⚡
-

--------------

Napaangat ng tingin si Daniel nang marinig ang maingay na pagbukas ng pinto. Iniluwal nito ang pamilyar na tayo ng matalik na kaibigan. Nakatunghay ito kagaya ng lagi nitong gawi — parang hindi interesado — ngunit pansin niya ang tensyon dito.

"Uy," Nakangiting bati niya, "Napadaan ka?"

Isinarado nito ang pinto. Naglakad lakad.

Pumasada ang tingin nito sa silid. Maayos ang pagkakaorganisa ng mga aklat sa lagayan. Ganun na rin ang mga kagamitan pang-eskwelahan at pang-opisina.

"I expected more... chaos."

Lumunok siya.

Naalala ang kaganapan kanina.

"Gusto mong makita yung opisina?" Unti-unti nang dumudulas palayo ang ngiti niya.

Hanggang sa wala.

Hanggang sa sumikip ang dibdib niya.

Napansin nito ang pagbabago ng ekspresyon niya. Pero hindi kumibo.

Lumunok siyang ulit at huminga ng malalim.

Pilit ibinalik ang dating ngiti.

Ngunit sa pagkakaalam niya — at sigurado siyang alam na rin ng nagiisang kasama sa silid — na hindi na iyon babalik.

Kagaya ng tuluyang pag-alis ni Kathryn.

--------------

Iminuwestra niya ang sarili para ipakita ang opisinang tila dinaanan ng bagyo.

Natatakpan ng papel ang sahig. Halos wala na siyang makita niyon.

Iisa na lamang ang paper weight na nakahilera sa mesa niya. Dati'y mayroon siyang sampung nakalinya doon; iba ibang uri at disenyo.

Mukhang hindi na niya mahahagilap iyong lahat.

Maraming basag.

Yung paborito niyang baso.

Yung salamin niyang gamit pagmasakit ang ulo.

Yung isang bintana.

Yung babasaging modelo ng globo na namana pa niya sa kanyang lolo.

Pero syempre, mas basag pa rin ang puso niya.

Pinong pino ang pagkakabasag.

"Pasok," Natapakan niya ang ilang mga papel, "Nakasapatos ka naman?"

Tumango ito. Iniayos muna ang nakabaliktad na upuan bago umupo.

Inokupa niya ang isa pang upuan.

"Bakit ka nga ba napadaan?" Tanong niya. Kahit alam na niya ang sagot.

"Bakit mo ginawa 'yon?" Hindi niya inasahan ang bigat ng tanong.

Nanubig muna ang mata niya.

Pagod na sa pagpipigil.

"Ayoko lang naman siyang hadlangan..." Dahilan niya, nakikiramdam. "Maraming para sa kanya. Hindi ako kasama."

Sa lahat ng katotohanan, iyon ang masakit.

Sa halos pitong taon nilang pagsasama bilang magkasintahan, may isang bagay siyang hirap na hirap komprontahin.

Isang bagay na nakakatuwa at nakakasakit. Sabay.

"Pare."

Lumukob ang kalungkutan niya. Humapdi.

"Alam mo ba," Dapat ba niyang sabihin? "May isang beses na inaya ko siyang magpakasal."

Hindi niya ito tinignan. Pero nakita niya sa gilid ng mga mata ang pagkagulat nito.

"Unintentional. Parang, naisingit lang sa usapan. Pero nagbago ang lahat mula noon," Nakuyom niya ang kamay, "Ramdam ko, e.

"Hindi niya ako tinanggihan, pero ramdam ko yung pagtanggi niya, non-verbal yung paghindi niya e."

Hindi na rin niya pinigilan ang mga luha.

"Gusto kong pigilin yung impact na dinala nun. Hindi ko napigilan. Lumayo na siya. Hindi ko na siya ulit maabot," Nanlalambot siyang umiling, "Ang tagal kong hinintay yung oras na para sa amin. Ang tagal kong sinubukan siyang habulin at abutin. Nangalay ako pero hindi naman ako sumuko. Pero bakit parang hindi talaga siya para sa akin?"

Tumikwas sa mga dingding ang hapdi ng bawat hikbi. Parang nanunukso.

Tumikhim ang lalaki. "Kaya inunahan mo siya?"

Tumango siya ulit. Tatlong beses.

Huminga mula sa bibig.

"Naulinigan kong malapit na niya akong bitawan. Nanlalamig na siya," Pumikit si Daniel ng mariin, "Kaya ako na ang umalis habang may kakaunting init pa. Habang mahal pa niya ako. Kahit kaunti lang. Habang nakikita ko na magagalit pa siya kapag nakipaghiwalay ako."

Anong patunay niya?

Ang pagdadabog nito ora mismo ng lumampas sa mga labi niya ang mga salitang 'Tapusin na natin to'.

Nanatili siyang nakatitig nang magsimula itong umiyak at magbasag ng gamit. Magbato ng bawat mahawakan nito.

Inisip niya lang ang huling imahe ng huling ngiti nito sa kanya, isang oras mula ng pagdadabog nito, nang kumain sila sa paborito nitong kainan.

Tinanggap niya ang sampal, suntok at sipang iginawad nito.

Pinigilan niya ang umiyak, kasi putangina, sa lahat ng tao sa mundo sa mga minutong iyon, siya iyong higit na naghihinagpis para sa pagmamahal na nawala sa kanya.

Nagbuhos ito ng galit. Sa kanya, sa mundong ginagalawan, at sa katotohanan. Kaso, kita rin dito ang galit sa sarili.

Bago ito tuluyang lumabas ng pinto, hinila niya ito palapit at hinalikan ng buong puso.

Hindi ito lumaban. Hinayaan siya. Bumalik ng bumalik.

"Mahal kita. Dito lang ako," Bulong niya sa mga labi nito, "Ikaw lang, bali. Sorry."

Humakbang ito paatras. Hila ang pinto.

Nang mawala na ito sa paningin niya, tumitig lang siya kung saan niya ito huling inakap.

Walang emosyon siyang dinala ng mga paa palabas. Para panoorin itong umalis ng tuluyan.

Para sumulyap sa pagmamahal na panghabang buhay.

Pero siya lang ang magmamahal hanggang doon.

Narinig niya ang malalim ding paghinga ng kasama.

"At sa tingin mo, tama ang ginawa mo?"

Dumako ang tingin niya sa kamay na kanina pa nakakuyom. Bumukas ito, at lumantad ang singsing na matagal na niyang napapanaginipang nakapalibot sa palasingsingan nito.

"Oo."

Dahil higit sa lahat, alam niyang wala siyang laban sa karera nitong patuloy na umuunlad.

--------------

Bagsak ang parehong balikat ni Kathryn nang tumapak palapit sa pinto ng dating tinutuluyan.

Maliit ito, sapat lang para sa isang tao.

Sanay siyang mag-isa doon.

Isa ito sa mga una niyang pinagbuhusan ng pera nang sumabak siya sa pag-arte.

Sa ilang taon, nakita niya ito bilang tahanan. Isang lugar na sa kanya. Na mapagdadausan niya ng saya at pagod.

Nakita ng mga dingding ang pabagsak na katawan niya kapag bugbog sa taping bilang baguhan.

Sinalo siya ng sofa kapag hindi na siya makaabot sa kwarto at sa sariling kama.

Narinig siya ng mga kagamitan sa pagluluto sa tuwing dumadaing siya sa gutom.

At higit sa lahat, nang buksan niya ang pinto, nandoon ito, handa siyang tanggapin ulit. Kahit halos wala nang bahid niya. Limang taon niya itong inabandona.

Bumalik na siya.

Ito lang ang kaya niyang balikan sa ngayon.

Masyadong maraming alaala ni Daniel ang natira sa inuuwian niya dapat ngayon.

Pinintahan nito ang bawat pader nang mga istorya na masarap paulit ulitin. Pero sa ngayon, masakit pa.

Nakatulalang binagsak niya ang sarili sa sofa. Malayo ang tingin.

Inaalala ang bawat salita mula dito kanina.

Kung paano gumuhit ang pait sa ngiti nitong nakasanayan niyang puno ng tamis.

Kung paano nito inubos ang huling dalawang oras bilang magkasintahan na nakatitig at ipinapakitang walang mali.

Kahit masyado nang malala ang problema para iwasan.

Humanga siya sa tagal at tibay ng paninindigan nito.

Akala niya, bibitiw ito nang hindi siya umimik nang buksan nito ang paksa ng kasal noon.

Akala niya, tuluyan na itong mapapagod sa kahihintay. Dahil ito naman lagi ang naghihintay para sa kanya.

Para sa kakaunting oras.

Dalawang oras sa piling ng isa't isa sa isang linggo.

Kahit pinagdadamutan ay hindi natinag. Naglalakas lakasan.

Tumagal pa ito ng limang buwan. Nagtitiis. Naghahanap ng oras para sa kanilang dalawa.

Patuloy na lumalaban kahit naging kabilang na siya sa mga kalaban nito.

Kaya hindi na siya nagtaka sa pagsuko nito.

Pagod ang mga matang sumuri sa paligid niya.

May pagkakahawig sila ng silid.

Ubos na ubos na rin siya.

--------------------

Pansamantala niyang isinara ang bookstore. Dalawang araw lang.

Kailangan niya lang mag-aral ulit kung paano huminga nang walang hangin.

Nang bumalik siya, sagana pa rin ang mga customer at marami ang nagtaka sa pagkawala niya.

"Where'd you go, Danny?" Tanong ng walong taong gulang na madalas doon, "I just needed a bit of a break, Cass. But I'm back now."

Tumango ito. Niliitan siya ng mga mata. Boluntaryo ang tawa niya. Peke rin.

"You're sure?" Paninigurado nito. Umihip nalang siya ng hangin at ginamit ang bagong dating na mga libro upang ilihis ang atensyon nito.

Kaya nabuhay nalang siya.

Para sa bookstore. Sa mga customer. Sa mga libro.

"Is it possible to get my Hogwarts letter earlier?" Nakasimangot na bungad ng bata sa kanya.

Inirekumenda niya ang Harry Potter Series dito noong isang linggo. At natapos na nito ang tatlong libro.

Nakangiting umiling siya. "You know, I custom made some really impressive Hogwarts letters for my first customers who bought the whole series." Namilog ang mga mata nito. Parang pumalakpak din ang tenga.

Wala nang bakas ng pagkakasimangot sa mukha nito.

"Will you make me one?" Mabait na tanong nito.

May kumirot sa dibdib niya.

Si Kathryn kasi ang nagpakilala sa kanya ng HP series. At nang calligraphy.

Dati, iniuugnay niya ang sarili kay Ron at ito kay Hermione.

Sa maraming paraan.

Sa nangyari ilang araw na ang nakalilipas, naging AU ang kinalalagyan nila.

Nakita nang marami ang potensyal ni Kathryn, kagaya ni Hermione. Marami siyang ginawa na nakapagpabago ng buhay ng iba. At siya, nagpatalo sa lahat ng idinidikta ng utak niya, na madalas kalaban noon ni Ron. Kahit pinangako noon na hindi na muli pang aalis, ay umalis kasama ang pusong durog. Dahil iyon ang tama at dapat.

Sa Universe na iyon, hindi nagkatuluyan ang dalawa.

Nakatunghay lang si Ron habang pinapanood ang pagunlad ni Hermione.

Pero masaya ito sa tinatamasa nang babaeng hinangaan niya noong una pa. Kahit matagal na itinanggi.

Noong gabing iyon, nakailang ulit siya sa paggawa. Kung hindi sa teknikalidad ang mali, sa mata niya umuusbong ang likidong naglalagay ng mali sa papel.

Isang segundo, klaro ang kumpas ng dip pen sa sinusulatan.

Sa sumunod, nabura ang bawat letra hanggang sa matira ang madilim na kumpol sa pinagpatakan ng luha.

Kailan titigil ang sakit?

Kailan niya tatanggapin, na kahit si Kathryn lang ang kinilala niya bilang pangarap nang pagkatagal tagal, na hindi talaga ito para sa kanya?

Isinantabi niya ang unang ginagawa. Kumuha ulit nang blangkong papel. Nagsimulang ibuhos ang lahat nang gusto niya sanang sabihin at aminin dito bago sila magkahiwalay.

Hindi niya ininda ang paglabo ng mga salita dahil sa luha. Hinayaan niyang mapatakan ito. Hinayaan niya ang sariling maging mahina muli.

Dahil bukas, kailangan na naman niyang maging malakas at magkunwari.

--------------

Parang robot kung umakto si Kathryn buhat ng araw na iyon.

Bumangon siya para dumating sa kaganapang matagal nang nakalista sa kalendaryo niya.

Bumangon siya para ngumiti at makipagkuwentuhan sa mga taong akala niya'y may pakialam sa kanya.

Pero walang nakapansin.

Na kailangan niyang huminga ng malalim para sa isang praktisadong ngiti.

Na kailangan niyang mag-alarm para ipaalala sa sariling kumain.

Na kailangan niyang kurutin ang sarili upang malaman na may nararamdaman pa siya. Na hindi pa siya manhid dahil sa sakit.

Na kailangan niya nang makakausap. Nang makikinig.

Dati, nakangiti siyang pinapakinggan ni Daniel habang dumadaldal siya tungkol sa lahat nang nangyari na hindi niya maikwento ng ayos sa tawag o video chat.

Nakakapit lamang ito sa kamay niya, humahalik pa minsan minsan, nagtatanong kapag hindi naintindihan. Kung tutuusin, kalahati ng oras nilang magkasama ay tungkol lamang sa kanya.

Lalong umapoy ang galit niya sa sarili.

Nanliit siya.

Naging sapat kaya ang pinakita niya dito?

Hindi naman siya nakakalimot mag-I love you. Sinasabi niya ang mga salitang iyon sa bawat pagkakataon.

Hindi siya nagkulang doon. Pero... naramdaman kaya nito? Na totoo ang bawat bigkas niya?

Kailangan niya itong makausap.

---------------

Tahimik na ang bookstore pagpatak ng alasingko ng hapon. Kinawayan niya ang huling napagbentahan.

Inabala niya ang sarili sa pagaayos at paglilinis. Masyadong pokus sa ginagawa kaya hindi namalayan na hindi na siya muli nag-iisa.

Nakatayo, malapit sa pinto, higit ilang hakbang ang layo sa kanya, ay si Kathryn.

Dalawang linggo mula nang huli nilang pagkikita.

May pagaalinlangan sa tayo nito. May guhit sa gitna ng kilay dahil sa pagkakakunot noon.

May kaunting takot.

Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong maisautak ang bawat kibot ng labi nito noon. Kung gaano pumilantik ang mga pilikmata nito habang sumusubok na umiwas ng tingin. Kung paano namula ang mga pisngi nito ng mapatagal ang pagkakatitig niya.

Marahil, puro iwas siya ng tingin noon. Dahil mahina ang depensa niya pagdating dito.

Wala munang nagsalita. Masyadong masakit ang mga salitang naglalaro sa utak ng dalawa. Hindi kayang isaboses.

Magkahinang lang ang mata.

Dati, sapat na iyon para sa kanya.

Ngunit sa pagkakataong ito, masyadong malaki ang agwat at lamat sa pagitan nila para piliing tumanaw na lamang kaysa umusap.

Kaya nang tumikhim siya at tinapunan ng tingin ang nakaawang na pinto ng opisina, alam agad nito.

Lumapit siya. Inilipat ang nakasabit sa pinto palikod upang ipahiwatig na sara na ang bookstore.

Hindi niya kailangang lumingon para malaman kung sumusunod ito sa kanya.

-----------------

"Hindi ko napansin na hindi pala kita kinukumusta dati."

Iyon ang unang lumabas sa bibig niya nang hindi ito umimik.

Ngumiti ito, "Wala namang ibang exciting na nangyayari sa buhay ko. Dumadaan ang araw na naghihintay lang ako sa balitang pwede na ulit kitang makita.

"Sa'yo lang umikot ang mundo ko simula nang maging tayo, Kathryn," Pumikit ito nang mariin, bago nagbukas ulit ng mata. Puno iyon ng lungkot, "Kaya nung nawala ka, kinailangan kong gumapang ulit para matutong maglakad ulit nang hindi ka kasama."

Umismid siya, nailipat ang tingin. "It was always about me..."

Bumaba ulit ang temperatura sa kwarto.

"I didn't mind..." Sagot nito, "You were everything I've ever wanted."

"Why?"

Napatigil ito. Tama naman ang tanong, diba?

"Mahal kita, e." Narinig niya ang dahan dahang paghina ng boses nito, "Handa akong maghintay ng habang buhay kahit hindi ka maging akin. Sa papel."

Pinunasan niya ang basang pisngi, "Ang selfish ko," Natatawang sambit niya, "Ang selfish selfish ko."

Hindi ito sumalungat o sumangayon.

"I was selfish, too.

"Alam kong hindi ka pa handa. Marami ka pang plano. It was stupid to bring up marriage when you're..." Huminga ito ng malalim, "... finally getting the hang of everything.

"Bakit hindi ako nagpakontento sa anong meron tayo? Matagal kitang pinangarap, kaya bakit ako pa ang gumawa ng dahilan para iwanan mo rin ako?"

Umiling siya.

"Daniel..."

"Bali..." Tawag nito, "Hindi ko na kailangan nang kasiguraduhang akin ka parin sa huli... maging akin ka lang ngayon at bukas... okay na yun sa akin."

Wala nang tigil ang paghikbi niya. Pumaikot ang mga braso nito sa kanya. Sumabay ang bawat patak ng luha.

"Wala namang ibang exciting na nangyayari sa buhay ko. Dumadaan ang araw na naghihintay lang ako sa balitang pwede na ulit kitang makita.

"Please..."

Sa oras na iyon, wala silang ibang kinailangan kundi ang isa't isa.

---------------

Marami pang dapat sabihin.

Marami pang dapat marinig.

Inabot niya ang mukha ni Kathryn.

Tumingin ito, mas lumapit ng kaunti, at saka huminga ng malalim.

"Pagod na ako," Malungkot na simula nito, "Acting used to be... rewarding."

Hindi siya gumawa ng anumang ingay.

Inaanyaya pa itong magsalita.

"But now... ayoko magtunog ungrateful but... I'm exhausted."

Hinuli niya ang isang kamay nito. Humalik sa likod.

"Magbakasyon ka."

"Will you come?"

Napasinghap siya, "I lost a lot of time with you, too. Kahit ayoko. I would've sacrificed my sleep but..."

"I would've never let you," Mahinang bulong niya, "And you know that I'll always wait for you, love."

"Ayun nga. I don't want to keep you waiting... I lost you once, too."

"Because everything changed... From that night." Umiling siya, humigpit ang kapit sa kamay nito, "Hindi kita pakakawalan kung nanatili kang sa akin... but I really felt you slipping... at wala akong magawa kundi panoorin kang lumayo.

"Masyadong malaki yung naging impact sa atin... too harsh, too apparent. Wala akong nagawa kundi bumitaw. Bukod sa masakit na, I thought of you, too."

"I'm sorry."

Lumunok siya, binitawan ang kamay nito at inilagay ito sa kabilang pisngi nito, "You're with me..."

"I am," Nakangiting patunay nito, "And I'm staying. For good."

Tumawa siya. Magaan na ang dibdib niya.

"Hindi na kita pakakawalan. Be careful with your words," Natatawa pa ring sambit niya.

"Where's my ring?"

Sandali siyang natigilan.

Muling nanikip ang dibdib niya sa narinig.

Pero...

"Wala namang ibang exciting na nangyayari sa buhay ko. Dumadaan ang araw na naghihintay lang ako sa balitang pwede na ulit kitang makita.

"Don't ." Pananawagan niya.

Ngumiti ito ng pilyo. "But I'm serious."

"Kathryn..."

Inalis nito ang pareho niyang kamay sa pagkakalapat sa mga pisngi nito bago ipinagbuhol ang kanilang mga kamay.

"Hmm... ako kaya ang magpropose? That will be a fun sto---"

Hindi na nito natapos ang sasabihin ng hapitin niya ito para halikan.

Mabilis itong tumugon at kumapit sa kanya habang nauubusan siya ng hininga dahil naninikip pa rin ang dibdib niya.

"Kathryn..."Hinga niya bago muling hinabol ang mga labi nito.

Sumabunot ang mga kamay nito sa buhok niya at nagabala ang kanya para kumapit sa likod nito at hilahin pa ito palapit.

Kumikinang ang kulay tsokolate nitong mga mata nang muli siyang magbukas ng mata.

Punong puno ang mga iyon ng pangarap, pangako, at pagmamahal.

"Dito lang ako. Kung nasaan ka."

Isang taon mula ng bitawan nito ang pangakong iyon, pinagsaluhan nila ang unang halik na sumimbolo sa habang buhay nilang pagsasama.

-----------------

"Dad," Malakas na pagtawag ni Kathryn sa asawa na nasa kabilang kwarto, "Dad!"

"Wait lang bali!"

Nginitian niya ang batang lalaki na sinamahan sa parte ng bookstore na puno ng libro. Ngumiti ito pabalik, "Kagwapong bata mo naman," Tuwang tuwa na pinisil niya ang pisngi nito, "Sana kasing gwapo mo ang baby ko."

Hinaplos niya ang bilugang tiyan. Maya maya, may yumakap sa kanya mula sa likod at nakisabay sa paghimas sa patuloy na lumolobo niyang tiyan.

"Siguradong gwapo ang lahat ng magiging anak natin, mahal. Ano ka ba."

Hinalikan niya ang panga nito at saka binalingan ulit ang bata. "Tell him what you're looking for."

Mabait na nakinig si Daniel at saka umaksyon para hanapin ang hinahanap ng bata.

Siya naman ay lumabas upang mapagsilbihan pa ang ibang customer.

"Wow! Legit pala ang sinasabi ng mga tao sa Twitter!" Tumatalong salubong ng isang babae sa kanya.

"Ilang beses akong dumaan dito, baka sakaling maabutan ka," Napangiti siya.

Matagal nang iniwan ni Kathryn ang mundo ng pagarte. Pero hindi siya iiwanan nang lahat ng naiambag niya sa sining ng pelukila at telebisyon.

Minsan nang umikot ang mundo niya sa pagbibigay buhay sa iba't ibang karakter na may iba't ibang katangian.

Pero sa ngayon, sapat na sa kanya ang 'role' na ginagampanan sa kasalukuyan.

Dahil sa puntong ito, hindi na lamang siya nang siya.

Sila na. Sila na lagi.

--------------------

Continue Reading

You'll Also Like

19.1K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
39.5K 1.3K 77
Compilation of Vhoice stories.
816K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
115K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...