5-28-14
Kathryn's POV
"Yiheeeeeeeee, Lizaaaaaaaaaaaa!" Pang-aasar ko sa best friend ko.
Naglalakad lang kami sa hallway, Early dismissal e.
"Ano ba Kathryn Chandria?" Halatang naiinis na si DJ, pero para sa kanya naman to e.....
"Ah! Janellaaaaaaaaaaaaaaaa! Maputi yon DJ!"
"Tigil na!"
"Ayaw mo din dun? Edi ano nalang, Juliaaaaaaaaaaaa. Yiiiiiiiie." Pang-aasar ko lalo, kaya humarap na sakin si DJ, galit na.
"Ano bang hindi mo maintindihan sa Tigil na? Araw araw nalang ha, Kathryn! Ano ba? Kung hindi lang kita bestfriend, Hindi na kita papansinin!"
Yun na nga e, Bestfriend. Bestfriend lang ako.
"Sorry na DJ........ Libre kita?"
Niyakap niya ko."Ikaw naman kasi bes eh, sorry din nasigawan kita. Tara, alam mo namang di ako tumatanggi sa libre eh!" Hinawakan niya ko sa kamay tapos hinila ako.
Nagpout ako, "Ah ganun?" Ngumiti siya. Tapos hinalikan ako sa cheeks
"Oo na, Alam mo namang hindi kita matitiis e."
Boom. Kamatis.
Daniel's POV
Naiinis ako, Kay Kathryn pati na rin sa sarili ko. Lagi nalang ako inaasar ni Kath sa kung sa kani-kanino. Naiinis ako sa sarili ko,
Hindi ko magawang tumingin sa iba kasi punye*a, Kay Kathryn lang naka-focus ang Mata ko.
Hindi ko siya magawang layuan kasi ako rin lang ang mahihirapan, at alam kong madadatnan ko nalang ang sarili kong naglalakad papunta sa kanya.
Hindi ko mapigilan e. Pucha, hirap na hirap na Kong itago to, Minsan, sa gigil at pagmamahal, gusto ko nalang siyang hilain at lamugin. Sobrang sarap niya kasi yakapin, tapos sobrang ganda niya. Yung Mata niya expressive, Nakakagigil yung cheeks niya, tapos yung ilong niya ang tangos pero mas matangos yung akin, tapos yung lips niya parang inaaya ak------ Pucha Daniel! Minamanyak mo na ang best friend mo ano ba yan! O.O
Eh Hindi ko naman kasalanan yon! Tulad ng Sinabi ko, bulag nalang ang magsabing hindi maganda ang best friend ko. Teka, sakit sa puso nang bestfriend bestfriend na yan!
Naramdaman kong may pumitik sa noo ko. Syempre, ang maganda Kong asawa--- este katabi.
Nasa canteen na Pala kami.
"Oy Bro, Ano bang gusto mo? Sino iniisip mo? Si Liza, si Janella, si Julia, si Sofia, Si Michell------" Tinakpan ko bibig niya. Gustong gusto kong naririnig ang boses niya pero kung puros mga babaeng may gusto sakin (*cough* Yabang *cough*) ang sasabihin niya wag nalang.
Saglit palang pahinga, Ngayon sunod sunod na naman ang dada. Pano ba ko nakakatiis sa babaeng to?
"Dami mong Dada. Ilibre mo nalang ako!" Binatukan Pako. Susko, kung di ko lang mahal tong babaeng to!
"Ano ngang gusto mo e!" Gusto Kong sabihing "Ikaw" kaso halata na ko nun.
Kaso, ang bibig ko, hindi na napigilan.
"Ikaw" Nagpacute pa ko tapos wink.
Namula siya. Dahil sa galit o kilig? Ewan. Wala nakong pake. Pucha, ang ganda e!
"G**o!" Nanlaki ang Mata ko sa narinig ko.
"Hoy Kathryn Chandria! Kelan ka pa natutong magmura?! Hindi nga ako nagmumura sa harap mo kasi pangit tignan sa babae ang nagmumura tapos maririnig kong nagmumura ka?!" Pinapagalitan ko siya, nagpout naman siya. Oo, sa humahabang pila pa kami nag-away, at nasa harap kami.
Ewan, hindi naman nabobother yung mga nakapila, nanood nga sila e, pati yung mga nakain, tsaka yung mga canteener..
Parang kinikilig sila e.....
Ako din!
"Niaaway mo na naman ako!" Nag-baby voice siya. Pakshit. Ang cute, ang sarap yakapin, ang sarap kurutin. Ang sarap lamugin!!!
"Eh kasi naman e....." Sinubukan ko siyang hawakan, pero tinabig niya kamay ko.
"Inaaway mo nalang ako ngayon, sige dun ka na kay----"
"Pucha naman Kathryn! Ayan ka na naman sa Liza Liza na yan! Nakakainis na! Ayoko nga sakanila eh! Bakit ba lagi mo nalang ako pinapamigay?!" Nagulat silang lahat sa sinabi ko. Si Kath, paiyak na.
"Bagay ba ako? Bagay ba ako para ipamigay mo ako? Kathryn naman! Kilala mo ko! Kapag may gusto ako, ako mismo lumalapit! Eh Hindi ko sila gusto! Ikaw kasi yung gusto ko!" Nakita kong may tumulong luha sa Mata niya.
"Ikaw yung gusto ko! Ikaw yung mahal ko! Kung ayaw mo sakin, Sabihin mo! Hindi yung kung kani-kanino mo pa ako inaasar! Nasasaktan na kasi ako Kath eh!"
"Deej........" Pinunasan ko yung Luha niya.
"Hindi ba pwedeng sa pagkakataong ito, sa sarili mo naman ako asarin? Promise, di ako magagalit.........."
Ngumiti siya.....
"Kathryn sayooooo........ Daniel sa akin......." Napangiti ako sa sinabi niya. Kinanta pala. (Tone = Simula ng hinahanap hanap kita. Credits!)
"Wala akong maiasar e. Akin ka nalang, DJ ko. Promise ko sayo, Sayong Sayo lang rin ako!"
------------
(A/N: Hindi ko po alam kung may gusto yung mga nabanggit dito Kay DJ, Pero sa story may gusto sila kay DJ. hahahahaha. Naasar ako, ayaw kita sa Create yung spaces, pag pinost ko Hindi na! Argh. -_____-)