Akira's POV.
"Gina, pakilipat naman yung appointment ni Mrs. Garcia sakin ng Wednesday. Hindi ko na talaga kaya ang pagod" sabi ko.
"Sige ma'am ako na pong bahala, gusto nyo na po bang umuwi?" tanong sakin nito.
"May tatapusin lang akong report tas uuwi na din ako, gusto ko ng humiga sa kama" sabi ko.
Magse 7 pm na pero tambak pa din ang papeles sa table to.
Almost 1 week na kaming ganito. Parehas kaming sobrang busy ni Thunder kaya hindi na namin nagagawang makapag usap after nung nangyari samin.
Minsan late syang umuuwi at maabutan nya na tulog na ko, minsan naman ako ang late at sya naman ang tulog. Sa umaga naman, parehas kaming nagmamadaling pumasok.
Nagka problema kasi sa expansion ng branch ng S&M sa Korea and since kami ang namamahala doon kaya inaasikaso naming pilit.
Kagabi umalis si Thunder papuntang Korea. One stop flight lang naman yun kaya 6 hours lang ang biyahe nya dahil private jet ang gamit nya.
I received a phone call from Thunder kaninang lunch at sinabi nyang pauwi na sya since naayos nya na ang problema sa branch sa Korea. Thankfully mababawasan na ang load of work. Expected arrival nya ay 7:30 pm sa airlines dahil hindi na sya sumakay sa private jet namin dahil missing in action ang piloto namin at since gusto nya na din umuwi ay nag book na lang sya ng flight sa airlines doon. Ma said magluluto ako and then mag usap kami.
I guess he really wants us to talk kaya kahit labag sa loob nyang sumakay sa hindi naman nya eroplano ay sumakay na sya rito para makauwi.
One week lang kaming naging busy pero miss na miss ko na agad sya.
I want to tell him that I am ready na maging maayos na ulit ang lahat. Nasira na kami noon, hahayaan ko pa bang masira kami ngayon.
Kahit marami pa kong gagawiin ay nagpasya na kong umuwi kailangan ko na ring makapagluto.
Nung makauwi ako ay sinalubong agad ako ng stress reliever ko.
"Mommy!" bati sakin ni Celestine.
Binuhat ko sya at agad agad na pinugpog ng halik.
"How's my baby?" tanong ko.
"I'm fine mommy! Mommy, kabisado ko na ang flag at capital city ng iba't ibang country" masiglang sabi nito.
"Really. So anong capital ng Spain?" tanong ko habang karga ko sya at naglakad papuntang kusina.
"Madrid" bibong sagot nito.
"How about Belgium?"
"City of Brussels"
"Wow. Last na kapag tama ito, sasabihin ko sa daddy mo na i enroll ka na sa nursery next year" sabi ko.
Nag lit up ang mukha nya. Gustong gusto nya kasing mag aral na.
"Really mommy. Pinky swear?" tanong nya at iniharap sakin ang hinliliit nya. Kinabit ko naman doon ang hinliliit ko para mag pinky swear kami.
"Pinky swear. So anong capital ng Netherlands?" tanong ko. Ngumiti sya sakin at proud na sumagot.
"Amsterdam"
"Wow! Ang galing ng baby ko! I'll tell your daddy about it. Sino nagturo sayo?" tanong ko.
"It's Yaya Wendy and Lola Minda" masayang sabi nito.
"Wow. Good girl. Nag dinner ka na?" tanong ko.
"Yes mommy, nag order na lang kami. I couldn't wait for you mommy because I got hungry in all what I've learned today" sabi nya.
Inupo ko sya sa kitchen counter. I touched her face.
"Sorry kung busy si mommy at daddy lately ah" sabi ko.
Ngumiti lang sya sakin.
"It's okay mommy, alam ko namang para sakin yang ginagawa nyo. I understand" sabi nya.
"Whoa my baby is like a grown up already" sabi ko at tumawa.
Tumawa din sya pero maya maya ay humikab na.
"Inaantok ka na?" tanong ko.
Tumango sya.
"I never knew learning could be this tiring mommy but it's worth it"
Humikab ulit sya.
"Is daddy coming home today?" tanong nya.
"Yes baby" sabi ko kay Celestine.
"I think I will just see him in the morning. I'm too sleepy mommy" sabi nya.
"Sige baby, sleep ka na. Wendy!" tawag ko sa yaya nya.
Agad namang pumasok ito sa kusina.
"Yes ate?" sabi nito ng nakangiti.
"Paki ayusan na si Celestine at inaantok na daw" sabi ko.
"Sige ate, ako ng bahala" sabi nito.
Yumakap sakin si Celestine at hinalikan ako sa pisngi ng dalawang beses.
"Mommy, my other kiss is for daddy just give it to him okay?" sabi nito.
"Oo" sabi ko at tumawa.
"Ibigay mo daw ate ah" pang aasar ni Wendy kaya pinanlakihan ko sya ng mata, tumawa lang ang huli at binuhat na ang anak ko.
"Goodnight baby, I love you" sabi ko.
"I love you too mommy" she said in a sleepy tone.
Nung maiwan ako mag isa sa kusina ay nagsimula na kong magluto. Nag adobo na lang ako dahil yun ang mabilis lutuin.
Alas otso na nung matapos ako sa pagluluto.
Siguro ay nag land na ang eroplano na sinasakyan nya. Maliligo nga lang ako ng mabilisan.
Binilisan ko talaga ang paliligo ko dahil ayokong dumating si Thunder na nasa banyo pa ako.
At yes! 30 minutes lang ang paliligo ko. Nagsuot na lang ako ng long sleeves dahil malamig, dahil tag ulan na din.
Narinig ko ang sunud sunod na pag doorbell kaya nagmamadali akong bumaba.
Nakita kong papalapit na sa maindoor si Yaya Minda kaya inunahan ko na sya.
"Ako na yaya, si Thunder yan" sabi ko.
"Sige, magtutulog na ko" sabi nito sakin kaya nginitian ko sya.
9:30 pm na pala agad.
Lumakad ako papuntang main door at nakangiting binuksan yun.
"You're late!" sabi ko dahil akala ko si Thunder ang mapapagbuksan ko.
Ngunit si Cloud ang nasa harap ko.
He looked terrified.
"Aki" pagtawag nya sakin.
Nginitian ko sya.
"Uy Cloud napadalawa ka! Tulog na si Celestine atsaka hindi pa dumadating yung kaya mong praning" sabi ko.
Dumadalaw din si Cloud minsan dito sa bahay pero dahil kay Celestine, madalas pa rin nya kasi itong ipinapasyal at minsan pinupuntahan nya din si Thunder for business matter or para buwisitin lang.
"Aki, hindi sila ang ipinunta ko dito. Ikaw" sabi nya sakin.
"Teka? Bakit parang wala ka sa sarili mo? Okay ka lang ba? Ano bang sadya mo? Gusto mo bang pumasok muna sa loob?" tanong ko.
Umiling sya.
"Kailangan mong sumama sakin Aki" sabi nito.
"Saan? Late na atsaka pauwi na si Thunder baka hanapin ako nun" sabi ko.
"We need to go Aki!" sigaw nya kaya nagulat ako. "Nag crash ang eroplanong sinasakyan ni Kuya!"
Pakiramdam ko ay nabingi ako.
Imposible.
Yung kabang nararamdaman ko sobra sobra.
"A-ano bang sinasabi mo? Uuwi yun!" sabi ko.
"Don't you watch news? Wala ka bang na receive na phone call? The plane crashed in the nearby ocean. Kailangan nating pumunta doon, cause we don't know kung isa ba sya sa mga nakaligtas, nawawala o namatay" sabi nya.
"No! That's impossible!" sigaw ko.
Ngayon ko lang naalala na naiwan ko pala ang cellphone ko sa opisina dahil sa kamamadali kong umuwi.
Hindi ko napansin na nagbagsakan na pala ang luha ko. Iyak na ko ng iyak.
"Aki, get a hold of yourself. Mag focus ka" sabi ni Cloud.
Tumango ako kahit na nahihirapan na kong intindihin ang sitwasyon.
"Tara na" sabi nya at inakay na ko papuntang sasakyan nya.
This is a nightmare.
Please lord, Iligtas nyo sya.
I need him.
I haven't told him how much I still love him.
I kept pushing him away, ngayon pa lang namin maaayos ang lahat.
Why do this need to happen?
----------
TBC
OMG! What happened to Thunder?
Please do wait for my next update.
Sinasadya ko talagang bitinin kayo haha sorry!
I need your comment and reactions
So vote and comment para sa next chap!
- Kaye