MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (P...

By KayeEinstein

38.2M 788K 252K

(COMPLETED) Montenegro Series #1 Highest Rank: #1 in Romance Category I'm Akira Sapphire Santos-Montenegro, n... More

Panimula
Chapter 1: The Great Thunder Montenegro
Chapter 2: Cloud Hermosa
Chapter 3: The Request
Chapter 4: Wedding Ring
Chapter 5: Lights Off
Chapter 6: Questions and Detention
Chapter 7: Missed Calls
Chapter 8: Cloud's Confession
Chapter 9: Midterm
Chapter 10: Birthday Gift
Chapter 11: You and Me
Chapter 12: Mail
Chapter 13: Holding Hands
Chapter 14: Her Dream
Chapter 15: Can't Help Falling Inlove With You
Chapter 16: Proud Soldier
Chapter 17: Daniella Reyes
Chapter 18: Tiramisu
Chapter 19: Rain and Headlights
Chapter 20: What?
Chapter 21: Coffee and Garlic
Chapter 22: Little One
Chapter 23: Excuse Letter
Chapter 24: Responsibility
Chapter 25: Empty Room
Chapter 26: Someday
Chapter 27: Deserve
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Batch 2 / Final Batch for MPMH
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
AUTHOR'S NOTE
Chapter 52
Chapter 53
Author's Note
Chapter 54
EPILOGUE
Thank You
Special Chapter Part 1
Special Chapter Part 2
Book 2
SELF PUB
Batch 2: My Professor is my Husband

Chapter 37

550K 11.3K 5.4K
By KayeEinstein

Dedicated to: shannon

Happy birthday my bibi reader!
Greet her because it's her birthday today and she is a lovely reader ❤

Akira's POV.

"Good morning Ma'am" pagbati sakin ni Gina pagpasok ko. Tinanguan ko lang sya dahil wala talaga ako sa mood ngayon for the past 3 days ay ganito lang ako.

Tatlong araw na ang nakalipas simula ng mahuli ko si Cloud yet I am still affected. Minahal ko na din sya sa 5 taon naming magkasama and yet he chose to cheat on me.

What a fool I am.

Hindi ako nagagambala ni Cloud o ni Thunder dahil pinapaharang ko agad sila kay Gina. Ayokong makita o makasama ang isa sa kanila. They remind me of each other. Bagay silang magkapatid.

Sa condo naman ay pumupunta si Cloud. Hindi ko naman sya pwedeng pagbawalan dahil magtataka si Celestine. So ang ginagawa ko, nag i stay lang ako sa opisina hanggang sa umalis na sya at dun lang ako uuwi.

Papasok na sana ako ng opisina ko ng

"Ma'am sandali po" tawag sakin ni Gina.

"Why?" I asked her.

"Ma'am may emergency po kasi sa bahay. Pwede po ba kong umuwi?" nakikita ko na hindi mapakali si Gina, malamang talaga emergency ito.

"Go ahead. Mas mahalaga yan. Mag iingat ka" sabi ko.

"Salamat po ma'am" sabi nya.

Pumasok na ko sa loob ng opisina ko dahil kailangan ko ng asikasuhin ang ipi present ko sa board meeting sa S&M in 2 weeks.



Type lang ako ng type sa laptop ko at kung hindi naman ako nagta type ay nagpapaka busy ako kakabasa ng mga document.

Huminto lang ako ng mapatingin ako sa orasan at malamang magla lunch break na pala, pero binalik ko na lang ang atensyon ko sa pagtatrabaho dahil wala din naman akong gana.

Nagulat ako ng bumukas ang pintuan ng opisina ko at niluwa noon si Cloud. Nagsalubong ang kilay ko.

Ugh! Why did I let Gina go home?
Nakapasok na ang isa sa mga kampon ni Lucifer.

"Akira, let's talk please" sabi nya na nagsusumamo.

"What for? We're done anyway" I said.

"Kahit na, hindi ko kaya na galit ka parang ang imposible na kasi talagang magka-ayos tayo kapag ganyan ang trato mo sakin"

Napahawak ako sa ulo ko at tiningnan ko sya sa mata.

"Mag uusap tayo pero hindi ngayon, hindi pa ko handa at baka mas lalong lumala ang galit natin sa isa't isa"

Magsasalita sana ako ng pumasok si Thunder. Nagtawag pa ng isang kamag anak ni Lucifer.

"Why are you here at my wife's office? Diba break na kayo?" mapang asar na sabi ni Thunder.

Wait? Pano nya nalaman? Tsk. Malamang dahil dun sa mga bouncer sa bar ni Josh. Kalalaking tao, chismoso.

"May pinagtalunan lang kami at pwede ba wag kang mangielam?" asar na sabi ni Cloud.

"At bakit hindi? Alam mo bang muntikan ng mapano si Akira dahil sa ginawa mo?!" nakikita ko na ang galit sa mukha ni Thunder even in Cloud.

"Wow nagsalita ang perpektong lalaki, hindi ba ikaw ang unang hiniwalayan sating dalawa?"

Fvck I sound like a two-timer here. Mas nag iinit lang ang ulo ko.

"You two!" sigaw ko sa kanilang dalawa kaya nabaling ang atensyon nila sakin.

Ngumiti pa silang dalawa ng sabay.

"Get the hell out of my office! Kung gusto nyong magsapakan o magpatayan wag dito sa opisina ko o sa makikita ng empleyado ko. Lumayas kayong dalawa! Nakakainis ang mga pagmumukha nyo" sigaw ko sa kanila.

"Akira" sabay pa nilang sabi at nagkatinginan pa sila.

"Kambal ba kayo?" tanong ko sa kanila. "Out! Now!" sigaw ko kaya dali dali silang lumabas dalawa.

Nakaka stress. Sa totoo lang mas napapagod pa ko sa kanilang dalawa kesa sa trabaho ko sa kompanya.

Cloud's POV.

Bwisit na lalaki to! Kung hindi sya umepal malamang nakausap ko ng maayos si Akira at baka nagka ayos na kami ngayon pero dahil dumating sya, napalabas tuloy kami.

Actually kung hindi sya bumalik, magiging smooth ang relationship namin ni Akira.

Asar na asar ako dahil doon sa picture na yun.

How dare he kiss my Akira?
Those lips are mine ever since he left her.

At sobrang laking kagaguhan ko yung pagpunta ko sa bar na yun. I even kissed a cheap girl.

Hanggang ngayon naaasar pa din ako sa thought na ginawa ko yun kay Akira.

Pumasok ako ng elevator at nagulat ako ng sumakay din tong si Thunder.

Hindi ako nagsasalita at ganun din sya hanggang makarating kaming parking lot.

Lumabas na ko at ganun din sya.
Pasakay na sana ako sa sasakyan ko ng hilahin nya ko sa braso at sapakin.

"That's for that douche bag who touched Akira! Kung hindi dahil sayo ay hindi sya pupunta sa ganoong lugar!" galit na galit nyang sabi.

Nang makabawi ako ay sinugod ko din sya at sinapak. Kung galit sya, galit din ako.

"Hindi ko yun gagawin kung hindi mo sya hinalikan! Mapagsamantala ka kasi! Alam mong sa akin na, kinukuha mo pa din!"

"Who told you, you owned her? May I remind you that she's still married to me!" sabi nya at sinapak ulit ako.

"Gusto nya ng maghiwalay kayo diba? Why don't you respect that!" sabi ko sabay sapak sa kanya.

"Sorry I can't do that because iba ang kinikilos ni Akira sa sinasabi mo. You know how badly she wants to go back to me right? Ikaw lang ang humahadlang!" sinapak na naman nya ko.

"Eh gago ka pala e!" sinapak ko sya.

Nagsapakan lang kami ng nagsapakan hanggang sa mapagod kaming dalawa.

Sobrang dumi ng mga suit namin dahil sa ginawa namin.

Nakaupo kami pero malayo sa isa't isa.

Tumayo na ko at ganun din sya. Pinagpag nya ang suit nya at sasakay na sa kotse nya.

"Where are you going?" tanong ko dito dahil diba nga dito na nag o opisina ang gagong to.

"Uuwi muna ako, magpapalit ako dahil may gagong nagdumi ng suit ko, I'm sill a business man. I always need to be presentable" sabi nya sabay ngisi sakin.

"Makinig ka Thunder, hindi mo basta basta makukuha sakin si Akira"

"Dream on cause I am not born to lose to you" sabi nito bago sumakay sa sasakyan nya at pinaharurot yun.

Napakayabang ng gago.
Sorry Akira, the battle begins.

Akira's POV.

Inayos ko na yung mga gamit ko dahil 10pm na pala. Wala pa sana akong balak umuwi kaso tumawag sakin si Wendy at nilalagnat daw si Celestine.

As a paranoid mom I am. Natataranta na kong umuwi ka agad.

Mabilis akong sumakay ng elevator at tinungo ang parking lot. Sasakay na sana ako sa kotse ko kaso kamalasan talaga!

Ngayon pa ko na flat-an ng gulong. Anong gagawin ko? May taxi pa ba ng ganitong oras?

"Akira" napalingon ako sa tumawag sakin.

"Bakit nandito ka pa?" tanong ko kay Thunder at nakakapagtaka nagpalit ito ng suit.

"May tinapos lang ako" sabi nya habang papalapit sakin at doon ko lang napansin na putok pala ang labi nito.

"What happened to that?" turo ko sa labi nya at bigla namang nag pop up ang idea sakin "Wag mong sabihing nagsapakan talaga kayo ni Cloud?"

Nagkibit balikat sya.

"Hoy tinatanong kita Thunder?!" sigaw ko sa kanya.

"Kailan ka pa naging bossy Akira?" sabi nya at nakangiting tumingin sakin.

"Shut up!" lumapit ako sa kanya at chineck yung labi nyang namamaga. "Nagpabugbog ka na naman ba kay Cloud?!"

"Hindi na no, nilabas lang namin yung init namin sa isa't isa. Men tend to be like that"

"Yeah right, tend to be cheater?" sabi ko sa kanya ng nakataas ang kilay.

"Nagbago na ko" sabi nya.

"Talaga lang huh?"

Sunud sunod ang ginawa nyang pagtango habang nakatitig sa gulong ng sasakyan ko.

"Guess I'll be taking you home tonight?" sabi nya at nag cross arms.

"Who told you that?" nakataas kilay kong sagot.

"You have no choice. Your tire is flat. Come on it's getting late already. Hindi naman kita papayagan mag commute. Remember what happened to you?" sabi nya.

I sighed. Kailangan ko na talagang umuwi. Nag aalala na ko ng sobra kay Celestine kapag may sakit pa naman iyon ay ako ang hinahanap.

Pero bakit sa dinami dami ng taong pwedeng maghatid sakin si Thunder pa.

Kahit alam kong delikado at mas pinapaliit ko ang mundo ng anak ko at ama nya ay wala na kong nagawa kundi sumakay na sa sasakyan nya.

"That day nung sumakay ako ng taxi at naaksidente ako, yun yung araw na nalaman kong buntis ako"

Hindi ko alam, out of nowhere ay nasabi ko iyon.

Nakita ko sa peripheral view ko na lumingon si Thunder sakin pero binalik nya ang tingin nya sa daan. I heard him sighed.

"I was supposed to tell you that pero natakot ako na baka i reject mo ang bata at dahil nga nalaman ko din na kayo ni Ella"

"I'm sorry because of the things I've said and done, natakot ka. Kasalanan ko rin naman kung bakit namatay ang baby natin" narinig ko ng may bahid ng lungkot ang boses nya.

"If only I wasn't jerk, maybe hindi ka nawala sakin at baka siguro nandito pa ang anak natin. Masaya siguro tayong pamilya. I'm really sorry. Just so you know even though I didn't meet our baby, ni hindi ko nga alam kung babae or lalaki sya but I already love that unborn child and I felt truly devastated nung nawala sya kaya nasisi kita" sabi nya at binigyan nya ko ng malungkot na ngiti.

Pakiramdam ko ay may humaplos sa puso ko. He loves our daughter? Pero anong kasiguraduhan ko na hindi sya magagalit sakin at hindi nya kukunin si Celestine kapag nalaman nya.

"Palagi akong pumupunta dun sa pinaglibingan nya especially whenever I missed you both"

Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko at maiiyak ako. We faked her death at sinabing inilibing sya pero wala naman talagang nakalibing doon. I feel so guilty.

"Wag ka ng malungkot. I don't mean to bring that topic up. May good news na lang ako para sayo well to be true, hindi sya good news para sakin" sabi nya.

I cleared my throat.

"Ano yun?" tanong ko.

"Those three, I gave them a chance to go back to college"

"Sila Gail?"

Tumango naman sya. Napangiti ako. Mabuti naman at pinagbigyan nya ko sa hiling ko dito.

"I still hate those girls. Maswerte sila at sa Montenegro University ko pa din sila pinadala. I just can't resist your request. Why so nice to them Akira?"

"Nagsisi naman na sila. By the way bakit hindi ka na nagtuturo sa MU?" I asked him.

"Well technically, I violated one of the university's rule and that is having an affair with my student. I violated that for three years. So I decided na mag quit na lang sa pagtuturo kesa naman mawala ang lisensya ko as a professor"

"Sorry" I felt too bad.

"Don't be. Wala ka namang kasalanan" sabi nya at nginitian ako.

Why so gwapo Thunder?
Ano ka ba naman Akira.

"But I know how badly you wanted to teach" sabi ko.

"But I like being a business man more, but I like you the most"

Nag init ang mga pisngi ko. Bumabanat na pala ito?

"Ang corny mo bwisit!" sabi ko at nag roll eyes sa kanya.

"I'm dead serious"

"Whatever" sabi ko.

Tumahimik na kami hanggang makarating kami sa building ng condo ko.

Bumaba pa sya at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Since break naman na kayo ni Cloud, are you thinking of coming back to me?"

"Thunder"

"I badly want to be with you Akira"

"Hindi ganoon kadali yun Thunder. Marami ng maaapektuhan and it's better if wag na lang tayong magkaayos. We can be friends" sabi ko.

Specifically, I'm talking about Celestine. Natatakot ako na baka kuhanin sya ni Thunder.
Sino ba ang makakasigurado na magiging maayos na talaga ang pagsasama namin at hindi na kami maghihiwalay pa ulit.
Baka pag naghiwalay ulit kami e kunin nya sakin ang anak ko.

"Sorry" sabi ko.

Hindi sya sumagot at sumakay na sa kotse nya at pinaandar yun.

Hindi mo ko maiintindihan Thunder.
Even I can't understand myself.
Masyado na kong natatakof.

-------
TBC

Whatchasay?

#57 in Romance na tayo.
Higher higher higher please!

- Kaye

Continue Reading

You'll Also Like

22.1M 533K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
440K 1.4K 3
TEACHER'S LOVE (UNDER REVISION) Love Trilogy #1 Teacher Series #1 [COMPLETED] Mali sa tingin ng iba ang pagmamahalan ng isang guro at estudyante pero...
1.8M 80.4K 18
(Yours Series # 3) Kelsey Fuentes thought that after her failed experience in marriage, she would never dare try again. She was contented with her wo...