MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (P...

By KayeEinstein

37.4M 777K 249K

(COMPLETED) Montenegro Series #1 Highest Rank: #1 in Romance Category I'm Akira Sapphire Santos-Montenegro, n... More

Panimula
Chapter 1: The Great Thunder Montenegro
Chapter 2: Cloud Hermosa
Chapter 3: The Request
Chapter 4: Wedding Ring
Chapter 5: Lights Off
Chapter 6: Questions and Detention
Chapter 7: Missed Calls
Chapter 8: Cloud's Confession
Chapter 9: Midterm
Chapter 10: Birthday Gift
Chapter 11: You and Me
Chapter 12: Mail
Chapter 13: Holding Hands
Chapter 14: Her Dream
Chapter 15: Can't Help Falling Inlove With You
Chapter 16: Proud Soldier
Chapter 17: Daniella Reyes
Chapter 18: Tiramisu
Chapter 19: Rain and Headlights
Chapter 20: What?
Chapter 21: Coffee and Garlic
Chapter 22: Little One
Chapter 23: Excuse Letter
Chapter 24: Responsibility
Chapter 25: Empty Room
Chapter 26: Someday
Chapter 27: Deserve
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Batch 2 / Final Batch for MPMH
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
AUTHOR'S NOTE
Chapter 52
Chapter 53
Author's Note
Chapter 54
EPILOGUE
Thank You
Special Chapter Part 1
Special Chapter Part 2
Book 2
SELF PUB
Batch 2: My Professor is my Husband

Chapter 36

534K 11.6K 4.9K
By KayeEinstein

Akira's POV.

Maaga akong nag out sa trabaho dahil uuwi ngayon si Cloud galing US at sa bahay sya magdi dinner.

Palabas pa lang ako ng opisina ay nakasalubong ko na si Thunder.

"Where are you going?" seryoso nyang tanong sakin.

"Bye" yun na lang ang sinabi ko at nagmamadali akong dinaanan sya at pumasok na sa loob ng elevator.

"Akira!" narinig kong tawag sakin ni Thunder bago sumarado ang elevator.

Buti naman naiwasan ko na sya. Ilang araw na kong ganito. Sobrang nagi guilty kasi ako dun sa nangyari samin sa company outing. Nagi guilty ako para kay Cloud dahil boyfriend ko pa rin sya and somehow there's a part of me that loves him aside from that hindi naman tama na iwanan ko na lang sya bigla for Thunder, dahil marami na syang nagawa para sakin.

Although I badly wanted to be with Thunder, hindi ako sigurado sa kanya. We need time.

Sabi nga nila diba? Kung kayo, kayo!

Nagmamadali akong sumakay ng kotse ko dahil 5pm na at baka parating na si Cloud dun.

Pagkarating ko sa condo ko ay sinalubong agad ako ni Celestine ng yakap at kiss.

"Mommy why are you so early home today?"

Nilapag ko sa kitchen counter lahat ng pinamili ko sa nadaanan kong supermarket kanina.

"Because uuwi today si Papa Cloud mo, gusto nya ditong mag dinner"

"Really? Darating na si papa?" excited na excited sya. "Mommy can I help you?"

Napangiti naman ako sa anak ko at binuhat sya at iniupo sa kitchen counter.

"Baby ka pa e, why don't you just watch mommy and yaya wendy cook?" sabi ko at pinaghahalikan sya ng madami.

She giggled.

"Okay, okay mommy"

"Wendy, pakihiwa na yung dapat hiwain dyan, magpapalit lang ako ng damit" saad ko dahil naka office attire pa din ako.

"Sige ate" sabi nito na kumuha na ng chopping board at kutsilyo.

"And ikaw my darling beautiful princess" baling ko anak kong mabait. "Don't move, wag malikot. Dyan ka lang at baka mahulog ka. Wait for mommy"

"Yes mommy" I pinched her face before I head to my room.

Mabilis lang akong nagpalit ng off shoulder na white at maong shorts.

Nagluto na lang ako ng sinigang at adobo dahil paborito ni Cloud yun. Pag sa tuwing umuuwi sya yun lagi ang request nyang lutuin ko.

Nagse set na ng table si Wendy, habang pinalitan ko naman ng damit si Celestine nang may mag door bell.

"Ako na" sabi ko at naglakad na papuntang front door.

Pagbukas ko ay nakangiti kong sinalubong si Cloud.

"Cloud!" niyakap ko sya pero nakakapagtaka dahil hindi nya rin ako niyakap pero pinagsawalang bahala ko na lang yun. Naka suit pa sya. Ngumiti ako sa kanya. "Tara na, nakahain na"

Naglakad na kami papuntang dining table.

"Papa!" sigaw ni Celestine at sinalubong si Cloud. Mabilis namang nawala ang seryosong mukha ni Cloud at napalitan iyon ng ngiti. Hinalikan nya sa ulo ang anak ko.

"I missed you princess" sinserong sabi ni Cloud. Yinakap naman sya ng mahigpit ni Celestine at hinalikan sa pisngi. They really love each other, para na talaga silang mag ama.

"I missed you more papa! You didn't face time me that you'll be coming home today, late na tuloy ako naayusan ni mommy" sabi ng anak ko sabay pout.

Ginulo ni Cloud ang buhok ni Celestine.

"Sorry na princess, papa is just busy. Hindi na mauulit. Hindi mo naman siguro ipagpapalit si papa no?" sabi ni Cloud pero nakatingin sya sakin ng diretso. There is coldness in his stares and it's fcking making me uncomfortable.

Anong ibig nyang sabihin?
Ano ka ba Akira? Baka paranoid ka lang. Masyado ka lang stress dahil sa Thunder na yun.

"Of course not, your my only papa" sabi ni Celestine. Nginitian naman sya ni Cloud.

"Ate, Kuya. Kain na ho tayo" sabi ni Wendy kaya nabaling ang atensyon namin sa kanya.

Umupo na kami sa dining table.
Pakiramdam ko ay nakatitig samin si Cloud habang kumakain ako kaya nag angat ako ng ulo at tama nga ako.

"Why?" I asked him.

"What did you do while I was gone?" tanong nya.

Kumabog ang dibdib ko, I don't like where this is going. Tiningnan ko si Wendy na kasalukuyang pinapakain si Celestine. Buti na lang wala samin ang atensyon nila dahil kung hindi ay mararamdaman din nila ang tensyon sa pagitan namin ni Cloud.

Uminom ako ng tubig dahil pakiramdam ko ay natuyuan ako ng lalamunan.

"Work. I worked" simpleng sagot ko.

"Okay" bored nyang sagot.

Natapos ang pagkain namin na hindi na kami nag uusap ni Cloud pero alam kong may dapat kaming pag usapan.

"Wendy, ikaw na ang bahala kay Celestine" sabi ko.

"Goodnight baby, sweet dreams" sabi ko sa anak ko bago sya hinalikan sa pisngi.

Nag yawn sya.

"Goodnight mommy, I love you. Goodnight papa, I love you" sabi nya kay Cloud.

"We love you too princess" sabi ni Cloud bago hinalikan sa ulo ang anak ko.

Antok na antok na sya dahil naglakad na agad sya papasok sa kwarto nya, sinundan naman sya ni Wendy to tuck her in.

"Let's talk" seryosong sabi ni Cloud.
Pumasok sya sa kwarto ko at nag diretso sa balcony doon.

Kinakabahan man ay nakasunod pa din ako.

"Ano bang problema Cloud?" I asked him.

Hindi sya sumagot, sa halip ay may nilapag syang mga litrato sa mini table ko.

At halos manlaki ang mata ko dahil ito yung mga picture namin ni Thunder nung nag company outing, may picture din na naghahalikan kami. Fvck! Where did he get this?

"Pinapasundan mo ba ko Cloud?" pinipilit kong kumalma dahil ayokong magsalubong ang galit naming dalawa.

"The fvck Akira! I am busy handling our business in the US and here you are flirting with that ex husband of yours!" galit na galit nyang sabi.

First time nya kong sigawan, first time syang magalit ng ganito sakin. Naiiyak ako. Natatakot din ako sa itsura nya. My body is literally shaking.

"Cloud, sorry" I can't defend myself dahil tama sya at may pruweba sya.

"Sorry?! Bakit hindi mo na lang ako hiniwalayan?! Bakit ginagamit mo pa din ako!"

Hindi ko napigilan at nasampal ko sya. Umiiyak na ko.

"Hindi ginamit! I am doing my best to avoid Thunder, alam mo yan! Iniisip kita sa bawat desisyon ko dahil ayokong masaktan ka!"

"Nasasaktan na ko Akira, I never knew you can be like this!" sabi nya at nag walk out.

"Cloud!" tawag ko sa kanya pero dali-dali syang lumabas.

Sinilip ko si Celestine sa kwarto nya at nakitang mahimbing na itong natutulog. Dali-dali akong lumabas ng unit ko at nagtungo sa sasakyan ko.

Paulit ulit kong tinatawagan si Cloud ngunit hindi ito sumasagot. Tsk. Bahala na nga.

Hinanap ko ang location nya thru GPS at nalaman kong nasa paborito nya itong bar kaya dali dali akong nagtungo doon.

Ayoko ng ganito, ayokong magtalo kami. I feel so guilty about that kiss dahil sobrang nagalit si Cloud dito.

Pinark ko ang kotse at lumabas na. Napatapik ako sa noo dahil hindi pala ako nakapagpalit ng damit at naka shorts at off shoulder pa din ako.

Bahala na nga, nandito naman si Cloud.

I was greeted by the bouncer of this bar dahil pag aari ni Josh ito. Malamang makarating kay Thunder na nag bar ako.
But who cares about Thunder? Ano ka ba naman Akira, sya ng ang reason bakit galit at hinahanap mo ngayon dito si Cloud.

Pumasok na ko sa loob. Masyadong maingay dahil napakaraming tao. Nahihirapan tuloy akong hanapin si Cloud.

Nagulat ako ng biglang may umakbay sakin.

"Hi miss, ang sexy mo naman" sabi nito. Agad agad ko namang inalis ang pagkakayakap nya sakin at tinulak sya ng malakas.

"Bastos! Lumayas ka nga sa harapan ko!" sigaw ko dito.

"Playing hard to get huh?" nagulat ako ng hawakan nya ko sa braso at pilit na hinatak palapit sa kanya.

Once again, tinulak ko sya at binigyan ng malakas na sampal.

"Gago ka pala e, pumili ka ng babastusin mo ah!" inis na inis na ko dahil sa kamanyakan ng hayop na to.

Lalapit pa sana sya kaso humarang na ang mga bouncer sa kanya.

"Ma'am Akira, pasensya na po. Ilalabas na po namin sya" pagpapaumanhin sakin nung bouncer. Tumango na lang ako.

"Wait. Where are you taking me?! I'm a customer!" rinig kong sigaw nung hinayupak na yun.

Naku talaga Cloud pag nahanap kita at nagka ayos tayo, babatukan kita ng malakas dahil nabastos lang naman ako. That's why I hate going to places like this.

Nag ikot-ikot pa ko pero hindi ko makita si Cloud. Nasaan kaya yun? It clearly says sa GPS nya na nandito sya.

Dahil pakiramdam ko ay dumikit sa balikit at braso ko yung amoy ng manyak na yun ay napagdesisyunan kong mag restroom.

Pagpasok ko pa lang ng restroom ay nakarinig na ko ng parang ungol pero pinagwalang bahala ko dahil baka may nagme make out sa isang cubicle. Dali dali na kong nagpunta sa wash area na may salamin at dahil sa salamin ay makikita mo yung mga pinto ng cubicle.

Mabilis kong hinugasan ang braso ko. Napansin kong may pasa pala ito dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak sakin.

Nagulat ako ng bumukas ang isang cubicle at mula doon ay may lumabas na naghahalikan.

Napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino yung kahalikan nung babae.

"Cloud" hindi ko napigilan ang pagtawag ko sa kanya. Nanginginig ako dahil pakiramdam ko ay iiyak na ko.

Mabilis naman na humiwalay si Cloud dun sa babae at tarantang napatingin sakin.

"Aki-"

Hindi ko na sya hinintay makapagsalita at dali dali na kong lumabas ng restroom. Hindi ko napigilan at tumulo na ang luha ko. Ilang tao na ang nabangga ko pero wala akong pakielam hanggang makalabas ako ng bar na iyon.

Ilang beses pa ba akong may makikitang ganoong eksena. Palagi na lang akong biktima.

Akala ko hindi magagawa sakin ni Cloud yun but look what happened.
Pinamumukha ba sakin ng tadhana na wag na kong magtiwala sa kahit na sinong lalaki dyan dahil pare parehas lang sila?

Nagulat ako ng higitan ni Cloud ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.

"Sht Akira, don't cry" sabi nya pero hindi ko napigilan ang sarili ko at sinampal ko sya. Pinunasan ko ang luha ko.

"Why Cloud? Why did you do this? Gumaganti ka ba?"

"No Akira, let me explain"

"Save it dahil kahit anong i explain mo hindi magiging reasonable yung nakita ko kanina" pinunasan ko ang luhang patuloy pa din ang pag agos mula saking mata.

"Sorry Aki, nasaktan lang ako at nagalit"

"So ganun? Pag nasaktan ka, saktan mo din? Tinanggap ko na nga yung thought na pinapasundan mo ko, aminado naman akong may kasalanan ako kaya nga hinanap kita para magka ayos tayo, nabastos pa ko dahil sa pagpunta ko sa ganitong klaseng lugar, tas yun ang maaabutan ko?"

"What? Sinong nambastos sayo?"

"I never thought na kaya mong gawin sakin to, akala ko pa naman ikaw yung huling taong kayang saktan ako, kaya kahit ang hirap hirap, patuloy kitang pinipili cause I think you deserve it. But as I can see now, I was mistaken. Ayoko na Cloud. Tapos na tayo"

"Aki"

"Wala ka ring pinagkaiba sa kinakaayawan mong tao, parehas lang kayo ni Thunder" sabi ko bago sumakay sa kotse ko at pinaandar yun.

Iyak lang ako ng iyak habang nagmamaneho.

Why do men cheat?
Why?

-------
TBC

Bakit nga kaya nanloloko or nanakit ang isang tao hahaha.

Do you like it?
Vote and comment!

- Kaye

Continue Reading

You'll Also Like

15.3K 702 6
The picture was not mine, so credit to the owner.
766K 26.5K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
49.1K 723 13
Sharlene San Pedro has it all. Perfect family, good education but never syang nakapag-decide on her own. Her life was planned from the moment she was...
1.5K 200 25
Zedd Aviana Alfonso who will arrange to Azrael Emanuel MerceƱez one of the sons of business partners of her Dad. The agreement is totally for busines...