MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (P...

By KayeEinstein

37.4M 777K 249K

(COMPLETED) Montenegro Series #1 Highest Rank: #1 in Romance Category I'm Akira Sapphire Santos-Montenegro, n... More

Panimula
Chapter 1: The Great Thunder Montenegro
Chapter 2: Cloud Hermosa
Chapter 3: The Request
Chapter 4: Wedding Ring
Chapter 5: Lights Off
Chapter 6: Questions and Detention
Chapter 7: Missed Calls
Chapter 8: Cloud's Confession
Chapter 9: Midterm
Chapter 10: Birthday Gift
Chapter 11: You and Me
Chapter 12: Mail
Chapter 13: Holding Hands
Chapter 14: Her Dream
Chapter 15: Can't Help Falling Inlove With You
Chapter 16: Proud Soldier
Chapter 17: Daniella Reyes
Chapter 18: Tiramisu
Chapter 19: Rain and Headlights
Chapter 20: What?
Chapter 21: Coffee and Garlic
Chapter 22: Little One
Chapter 23: Excuse Letter
Chapter 24: Responsibility
Chapter 25: Empty Room
Chapter 26: Someday
Chapter 27: Deserve
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Batch 2 / Final Batch for MPMH
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
AUTHOR'S NOTE
Chapter 52
Chapter 53
Author's Note
Chapter 54
EPILOGUE
Thank You
Special Chapter Part 1
Special Chapter Part 2
Book 2
SELF PUB
Batch 2: My Professor is my Husband

Chapter 33

592K 11.5K 2.9K
By KayeEinstein

Akira's POV.

"Baby, come here, susuot ko na tong shoes mo sayo" sabi ko kay Celestine. Tumatakbo naman syang palapit sakin.

"Mommy, mommy! I am so excited" masayang sabi ni Celestine kaya napangiti ako.

Sinuot ko na ang sapatos nya at mabilis naman syang tumakbo kay Cloud at binuhat sya.

"Papa, are we going to the amusement park now?" tanong ng bulinggit ko.

Napangiti naman si Cloud sa kanya. Hinalikan nya ito sa ulo.

"Yes princess. I missed you, kaya I'm taking you and your mommy out" sabi ni Cloud na nilahad ang kamay nya sakin. Kinuha ko iyon, nagulat ako ng yakapin nya kami. "You two are my treasures"

"Hmm. Masyado ka ng corny. Tara na" sabi ko.

"Let's go, let's go, let's go" paulit ulit na sabi ni Celestine.

"Wendy, Ikaw na muna ang bahala dito ah" bilin ko sa baby sitter ni Celestine.

"Oo ate, ako na bahala. Mag enjoy kayo nila kuya" sabi nito.

"Yaya, I'm gonna bring pasalubong for you ah, so don't go anywhere" sabi ni Celestine sa yaya nya.

Tumawa naman si Wendy.

"Yes baby, wag magpapasaway ah" sagot nito.

Celestine loves her yaya, tinatrato na naming pamilya si Wendy dahil nakikita at ramdam ko ang pagmamahal at pag aalaga nya sa anak ko.

Bumaba na kami sa parking lot at sumakay ng kotse, walang ginawa si Celestine sa sasakyan kundi paulit ulit na tanungin si Cloud kung sa amusement park ba kami pupunta at ilang beses nya na din pinaulit ulit na excited sya.

Kababalik lang ni Cloud galing amerika kaya sabi nya idi date nya kami dahil namiss nya daw kami ng sobra.

Isang linggo na din matapos kong alagaan si Thunder.
Napagpasyahan kong iwasan na lamang sya.
Tama iyon, dahil baka masaktan na naman ako ulit
Masasaktan din si Cloud
At baka magkataon na malaman nya pa ang about kay Celestine at kunin nya ito sakin.
Ayoko, mahirap na.

Dapat ngayon pa lang ay iniiwasan ko na sya cause falling for that jerk the second time around is really dangerous. Ayoko ng sumugal.

Maya maya lang ay nag park na si Cloud sa loob ng Star City.

Pagbaba pa lang namin ay wala ng paglagyan ang saya ni Celestine.

"Mommy! It's so wonderful here! Can we live here?" tanong nya sakin na binigyan pa ko ng pagpapacute na mukha.

"No baby, pero pwede naman tayong pumunta lagi dito" I said.

Nag pout sya.
God! Kamukhang kamukha nya si Thunder. Ano ba naman to?

"Sayang naman but it's okay mommy. Let's go in na?" sabi nya.

"Yes princess" sabi ni Cloud at kinarga nya na si Celestine. Hinawakan nya naman ang kamay ko.

Nagtitinginan samin ang ilang mga tao.

Grabe ang ganda nung bata, parang manika.

Oo nga e, gwapo naman kasi yung tatay. Kita mo kahawig.

Parang hindi naman. Medyo mas hawig nya yung nanay.

Sana pag nagka pamilya ako ganyan din kami kagandang tingnan

Asa!

Natawa na lang ako sa sinasabi nila. Even si Cloud ay napapangiti. Si Celestine naman ay tumitingin tingin lang sa paligid.

Sinilip ko naman si Cloud na karga si Celestine, kamukha daw?

"Gwapo ko no?" mapang asar na sabi sakin ni Cloud.

"Asa!" sabi ko. Naglakad na kami papunta dun sa bilihan ng ticket.

Tuwang tuwa si Celestine ng makita nya na ang iba't ibang rides.
Medyo nalulungkot lang sya dahil may mga rides na hindi sya pwede dahil sa edad at height nya.

Hanggang magdilim ay sakay lang kami ng sakay ng rides. Hindi naman ako bininitawan ni Cloud na animo'y bata rin akong mawawala.

"Hindi kaya ako bata" sabi ko kay Cloud.

"Baka kasi mawala ka, ayokong may makakaagaw sayo sakin" sabi nya at tinitigan ako sa mata.

Nakasakay kasi si Celestine ngayon sa kiddie train kaya kaming dalawa lang ang magkasama ngayon ni Cloud habang nakatingin sa anak kong enjoy na enjoy.

"Malaki na ko, di na ko mawawala" sabi ko. I tried to laugh para mawala ang pagka seryoso nya.

"You know what I mean Akira, I won't easily give you up to Thunder, unless ikaw mismo ang magsabi saking sumuko na" nabakas ko ang lungkot sa boses nya.

How can I hurt this man?

"A-ano ka ba Cloud? Hindi mangyayari yun. Tapos na kami ni Thunder, boyfriend na kita diba?" I said.

"Then, kaya mo bang pilitin si Thunder na ipa annul na ng tuluyan ang kasal nyo at pakasalan mo ko?"

Parang na estatwa ako sa sinabi nya. Ano? Mapipilit ko ba si Thunder?
Pero hindi yun ang tanong talaga dito. Ang tanong is
Gusto ko pa rin ba talagang ma annul kay Thunder?

Fvck! What am I saying. Dapat lang na ma annul na kami dahil nandito na si Cloud sa buhay ko.

Hindi agad ako nakasagot.

"No need to answer now, think about it. Hinintay nga kita ng 5 taon e. Basta anytime na um-oo ka. Ready na ko mag propose" sabi nya.

Niyakap ko si Cloud.
Hinalikan nya naman ang ulo ko.

"Thank you for always understanding me Cloud" sabi ko.

"Ikaw pa ba? You know I love you" sabi nya.

Natigilan ako ng ilang segundo. Dati naman, nasasabi ko agad ang I love you too pero parang ngayon naipit ang dila ko.

"I-I love you too" I finally said.
But when I said that a picture of Thunder flashed into my mind.

Sigurado ka bang yang I love you na yan ay para kay Cloud o dun sa isa.

Yan lang naman ang sinisigaw ng taksil kong puso.

Maya maya lang ay natapos na ang ride ni Celestine at lumapit sya samin.

"Mommy I'm so tired. I want to eat" sabi nya kaya kinarga na agad sya ni Cloud.

"Okay, daan na lang tayo sa restaurant tas take out na lang then uwi na. Pagod na ang princess natin e" sabi ni Cloud.

Hinalikan naman sya sa pisngi ni Celestine.

"Thank you papa" sabi ng anak ko bago humilig sa balikat ni Cloud. Pagod na nga ito.

Nung nasa sasakyan na kami ay nagsabi si Celestine na ang gusto nyang dinner is yung chicken and spaghetti sa favorite nyang italian restaurant.

Papunta doon ay nanonood lang si Celestine ng offline videos nya sa youtube na cartoons habang naka headset.

Bumaba ako ng sasakyan pagkarating namin sa tapat ng restaurant. Nagulat ako ng bumaba din si Cloud. Ako na kasi ang dapat oorder.

"Ako na lang ang bibili, ikaw na lang ang maghintay dito kasama si Celestine" nakangiti nyang sabi.

"Sure ka? Ako na lang" sabi ko. Tiningnan ko ang anak ko na nasa passenger seat sa likod. Nakatingin sya samin at parang nalilito. Napukaw yata nya ang atensyon namin. I smiled on her. She smiled back at me and then she focused her attention on what she's watching.

"Wag ng makulit Akira, ako na okay?"

"Okay. I surrender" sabi ko. Sinarado ang pintuan sa back seat at binuksan na ang sa may tabi ng driver seat para pumasok na.

"Look who we have here" na froze ako sa kinatatayuan ko ng makita ko syang papalapit.

Ella

And she's not alone, mula sa likod nya ay lumabas si Thunder.

Why are they together?

Nagsasalit salitan ang tingin ni Thunder sa amin ni Cloud.

"Mukha yatang nagde date kayo" sabi ni Ella. Mabilis kong sinarado ang pintuan ng kotse.

Lihim akong nagdadasal na sana wag mapunta samin ang atensyon ng anak ko na kasalukuyang nasa sasakyan.

Mahirap ng makita sya lalo na't nandito ang ama nya. 

"You guys don't care kung nagde date kami o hindi ni Akira. We're in a relationship so mind your own business" galit na sabi ni Cloud.

Nakita kong na confused si Ella at lumingon kay Thunder.

"I thought you guys are still married?" tanong ni Thunder. "Ikaw, Thunder ah. Nagsisinungaling ka para siguro tigilan na kita" malanding sabi nya kay Thunder.

Kumunot ang noo ni Thunder.

"Just go home Ella" sabi nito.

Nakita kong nag roll eyes pa si Ella.

"Okay, see you Thunder" sabi nya at nag flying kiss pa. Humarap sakin ang malandi este si Ella pala at nag smirk. "It's nice to see you again Akira" sabi nya bago naglakad at sumakay sa kotse nya.

Maya maya ay umandar na ito.

Hindi ako makapagsalita or kahit gusto ko ng sampalin si Ella ay di ko pa din nagawa dahil natatakot ako na pagka nagkagulo ay biglang lumabas or magwala si Celestine.

"So, nagkabalikan na pala kayo ni Ella, why still want my Aki?" maangas na tanong ni Cloud.

"Cloud tama na" sabi ko dahil baka san na naman ito humantong.

"It's just a business meeting hindi gaya ng iniisip nyo, unlike you two na talagang nagde date" ang itim ng aura ni Thunder, alam kong galit na sya.

"Isa pa, don't act as if you own Akira. You know who she truly belongs to at hindi ko na sana kailangan pang ipamukha yun sayo. So enjoy why you still have her by your side" sabi ni Thunder bago kami nilagpasan at sumakay na din sa kotse nya.

Nung makaalis lang ang kotse nya ay doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Nakita ko ang inis na inis na mukha ni Cloud.

Naiinis din ako, parehas sa kanila.

Itong si Cloud humahanap pa ata ng gulo, alam nya namang kasama namin ang anak ko. Pano na lang talaga kung lumabas ito?

At itong si Thunder akala nya ba mapapaniwala nya ko sa business-business meeting na yan? Kahit na ba totoo, pero bakit yung Ella pa no yun?

God! Am I being jealous now? Nababaliw na talaga ako.

Hanggang makauwi kami ay hindi na kami nagkibuan ni Cloud, alam ko rin kasing nabadtrip sya sa sinabi ni Thunder. Jusko wag ko lang malalaman na nagsapakan na naman sila, kung hindi malalagot sila sakin.

Bago umalis si Cloud ay binigyan nya lang kami ni Celestine ng halik. Magpapalamig lang daw sya ng ulo.

I was tucking in my daughter para matulog na sya ng bigla itong magsalita.

"Mommy is that man outside our car earlier is my dad?" nabitawan ko ang hawak hawak kong stuff toy nya dahil sa tanong nya. Agad agad ko naman itong pinulot.

"H-ha? San mo naman nakuha yan? Hindi sya ang daddy mo" pagsisinungaling ko.

I am sorry Celestine.

"Wala lang, sabi kasi ni yaya. Malamang daw pogi ang daddy ko dahil maganda daw akong bata, that man earlier mommy, he's handsome so I thought he's my daddy"

Napangiti naman ako, anu ano kasi ang sinasabi ni Wendy dito.

"Ano ka ba naman anak" sabi ko at tumabi sa kanya sa kama. "Hindi lahat ng pogi ay daddy mo just like that man" sabi ko.

"Yes mommy I know now. Atsaka imposibleng sya ang daddy ko, ang sama ng tingin sa kany ni Papa Cloud e. I know that my daddy and papa are friends kaya nga pinaalagaan muna tayo ni daddy kay papa e" sabi nya.

If only you know.
I just kissed her.

"Matulog ka na nga" sabi ko.

"Mommy, sana umuwi na si daddy. Matagal ko na syang gustong makita at makasama" sabi nya bago pumikit.

At nasasaktan ako. Nasasaktan ako para sa kanya dahil pinagkakaitan ko sya ng ama pero ano ba talaga ang tama kong gawin?

Hindi ko na alam. Ang alam ko lang, ayoko syang masaktan.

Masyado pang magulo lalo pa't nagbalik na pala si Ella baka ano na naman ang gawin nyang masama kay Celestine.

I can't bear to lose her.
She's my life

-------
TBC

Update later!
Muntik ng magkita ang mag ama!
Whatchasay?

- KayeEinstein2898

Continue Reading

You'll Also Like

500 54 26
Read at your own risk
15.3K 702 6
The picture was not mine, so credit to the owner.
2M 79.4K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
49.1K 723 13
Sharlene San Pedro has it all. Perfect family, good education but never syang nakapag-decide on her own. Her life was planned from the moment she was...