MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (P...

By KayeEinstein

37.5M 779K 250K

(COMPLETED) Montenegro Series #1 Highest Rank: #1 in Romance Category I'm Akira Sapphire Santos-Montenegro, n... More

Panimula
Chapter 1: The Great Thunder Montenegro
Chapter 2: Cloud Hermosa
Chapter 3: The Request
Chapter 4: Wedding Ring
Chapter 5: Lights Off
Chapter 6: Questions and Detention
Chapter 7: Missed Calls
Chapter 8: Cloud's Confession
Chapter 9: Midterm
Chapter 10: Birthday Gift
Chapter 11: You and Me
Chapter 12: Mail
Chapter 13: Holding Hands
Chapter 14: Her Dream
Chapter 15: Can't Help Falling Inlove With You
Chapter 16: Proud Soldier
Chapter 17: Daniella Reyes
Chapter 18: Tiramisu
Chapter 19: Rain and Headlights
Chapter 20: What?
Chapter 21: Coffee and Garlic
Chapter 22: Little One
Chapter 23: Excuse Letter
Chapter 24: Responsibility
Chapter 25: Empty Room
Chapter 26: Someday
Chapter 27: Deserve
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Batch 2 / Final Batch for MPMH
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
AUTHOR'S NOTE
Chapter 52
Chapter 53
Author's Note
Chapter 54
EPILOGUE
Thank You
Special Chapter Part 1
Special Chapter Part 2
Book 2
SELF PUB
Batch 2: My Professor is my Husband

Chapter 32

658K 13.7K 9.2K
By KayeEinstein

Akira's POV.

Pinark ko ang sasakyan ko sa parking lot ng building na to.

Tiningala ko ang mataas na building sa harap ko. Maganda naman ang building. Mukhang alaga kaya mukha pa ring bago pero napaka boring tingnan. It really depicts it's owner.

The look of Montenegro's Company is so boring just like it's owner. Dahil sa boring tingnan hindi mo iisipin na sobrang high tech sa loob nito.

I sigh. Naiinis ako. Halos araw araw na kong nandito.

Isang buwan na ang nakalipas simula ng magsapakan or should I say magpabugbog si Thunder kay Cloud. Akala ko titigil na sya pero hindi pala.

Isipin mo sa nakalipas na buwan e halos every other day syang nagpapa board meeting. Kahit yung ibang mga board of directors ay nagtataka na pero wala silang magawa or makuwestiyon si Thunder. He's the president. He owns about 70% ng S&M. 25% naman ang hawak ko as vice president. The remaining 5% ay pinaghahatian na ng iba pang BOD.

I sighed bago pumasok sa loob.
Dumiretso ako sa receptionist.

"How may I help you ma'am?" magalang na tanong nya sakin.

"I am here to see Mr. Montenegro. I have an appointment at 3pm" I answered.

"Ma'am, Sir Montenegro is currently in a meeting, can you wait?" tanong nito sakin.

Tumango ako. Maaga pa naman. 2:45pm pa lang actually. Umupo na muna ako sa bench dito.

Napatingin ako sa mga janitress dito, pano naman kasi naka postura sila kahit naglilinis. Natigilan ako ng makilala ko sila. Tumingin sila saking tatlo at mukhang gulat na gulat.

Tumayo at para lumapit sa kanila.

"A-Akira" nauutal na sabi ni Venus.

I smirked. How can I forgot them? They almost killed my Celestine. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Long time no see, how come na nandito kayo at" tiningnan ko ang suot nila "Mga janitress?"

Hindi naman sa nilalait ko ang trabaho na janitress. Marangal yun actually pero dahil sa mayayabang ang tatlo na ito, idagdag mo pa ang kasalanan nila sakin. Nakakahiya ang kinabagsakan nila.

"A-Akira sorry. Pasensya na talaga sa nagawa namin noon, hindi namin alam na buntis ka" sabi ni Gail.

"Patawarin mo na sana kami Akira, hindi namin ginusto na malaglag ang baby nyo ni Sir Thunder. Inutusan lang kami nung Ella na yun" sabi ni Athena

Nakuyom ko ang palad ko ng maalala ko na naman ang babaeng yun. She almost ruined my life.

"Tapos na, nangyari na. Bakit kayo nandito at ganyan ang trabaho nyo?" I asked them.

"Ito kasi ang kaparusahan namin" malungkot na sabi ni Gail.

"Kaparusahan?" naguguluhan kong tanong sa kanila..

"Sobrang nagalit si Sir Thunder samin. He kicked us out of the school, at sinigurado nyang wala ng tatanggap pa saming school at ganun din sa trabaho. Even yung kumpanya ng pamilya namin ay babagsak kapag tinulungan kami ng pamilya namin" Athena.

"At dito lang kami sa kumpanya nya nakakuha ng trabaho pero as janitress lang. Kung alam lang namin na ganito ang mangyayari Akira, hindi ka na sana namin sinaktan" Venus.

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nakaramdam ako ng awa. Bumabalik na naman ata ako sa pagiging ako 5 years ago.

Thunder must really love Celestine kaya nung inakala nyang nalaglag ito ay ganito ang ginawa nya.

"Kakausapin ko si Thunder about dito, magtino na kayo" I said.

"Totoo?" Venus

Tumango ako.

"Totoo talagang mabait ka. Mas lalo tuloy kaming nagsisi dahil sa ginawa namin sa baby mo" Gail.

I want to say na okay na dahil buhay ang anak ko pero hindi pwede no.

Tumango lang ako.

"Salamat talaga Akira" Athena.

Tinalikuran ko na sila at bumalik na sa receptionist. May kausap sya sa telepono kaya sinenyasan nya na lang ako na umakyat na.

Nag elevator ako at tinungo ang 28th floor kung nasan ang opisina ng kumag na yun.

Hindi board meeting ngayon. Pinapunta nya lang talaga ako dahil may meeting daw kaming dalawa at importante daw yun para sa kompanya.

Buti na lang at nasa US si Cloud ngayo dahil malamang pagtatalunan na naman namin to.

Bumukas ang elevator. Mabilis kong tinungo ang pintuan ng opisina nya. Nadaanan ko pa ang sekretarya nya na nagpapaganda.

Papasok na sana ako sa loob ng harangin ako bigla ng secretary nya.

"Anong kailangan mo miss?" mataray na tanong sakin nito.

"I am here to see Mr. Montenegro, so please get out of my way" mataray kong tanong sa kanya.

"Sorry miss. I can't let you. Ilang babae na ang nagpupunta dito para lang landiin si Sir and I can't let you do that. You see I don't entertain my rivals" tinaasan nya pa ko ng kilay.

I chuckled atsaka nag smirk.

"Sino ka nga ulit?" I asked her.

"I'm Helen Garcia, I'm the secretary slash soon to be girlfriend of Mr. Montenegro" mayabang nyang sabi.

Inaasar talaga ako nito.

"Well, Helen. Kung ayaw mong matanggal sa trabaho. Lumayas ka na sa daraanan ko bago mo pa ko tuluyang mabuwisit"

I am trying to be patient here. I am doing my best here kaya wag nya sana akong piliting patulan sya.

"Sa ayoko nga at hindi nga pwede diba? At sino ka para tanggalin ako sa trabaho?" galit nyang sabi.

"You want to know?" tanong ko.

Nagsukatan pa kami ng tingin. She smirked kaya napuno na ko. Tinabig ko sya at dire diretso na binuksan ang pinto ng opisina ni Thunder.

Nakita kong nagulat sya.

"Sir, I'm sorry. Mapilit po sya e" maarteng sabi ng Helen na to.

"You're late" sabi sakin ni Thunder. I faked a smile on him. Lumapit ako kay Thunder at kunyaring pinapagpag pa ang dumi sa suit nya. I even fix his neck tie.

Fvck. Ang landi ko ngayon pero bahala na. Binubwisit ako ng sekretarya nya. Tiningnan ko yung malandi este Helen pala.

"Can you fire her?" I asked Thunder.

Ngumisi naman ang sekretarya nya. Sinusubukan talaga ako nito.

"Why?" tanong ni Thunder na nagsasalit salitan ang tingin saming dalawa.

"But before that, pwede bang ipakilala mo ko sa babaeng to, hindi nya yata alam kung anong meron satin e?" sabi ko. I give a fake smile on Thunder.

Nakita kong na confused sya tas huminga sya ng malalim. Hinawakan nya ko sa balakang ko at pakiramdam ko ay nakuryente ako.

Pero bakit parang init naman ng braso ni Thunder.

"Helen. Meet Akira, she's my wife" sabi ni Thunder.

Nakita ko namang na shocked si Helen. Tiningnan ko si Thunder at binigyan sya ng go-on-look.

"And you are fired" dagdag ni Thunder.

Lumapit ako kay Helen. Nilahad ko ang palad ko. Nung di nya inabot ay hinawakan ko ang kamay nya. Nanginginig pa nga iyon.

"Hi Helen, I am Akira Sapphire Montenegro, WIFE of your boss" pinagdiinan ko pa talaga ang wife para sumaksak sa kokote nya. Tinalikuran ko sya. "Feel free to go. You're fired anyway" dagdag ko.

Narinig kong padabog itong lumabas.

"Okay, what was that?" tanong ni Thunder. Umupo ito sa swivel chair nya. Ewan ko parang may iba sa kanya parang ang putla nya na ewan.

"Binuwisit ako nyan, hindi ba halata" sabi ko.

"I see" ngumiti sya ng nakakaloko sakin.

"What?!" angil ko sa kanya.

"I like how you said it"

"What?" pagma maang-maangan ko.

"You said your my wife, well it's true, you really are Mr. Montenegro, so bakit hindi mo pa pangatawanan and just come back to me"

"Shut it Thunder" sabi ko na binigyan sya ng masamang tingin.

"E di kung ayaw mo, ikaw na lang dapat ang pumalit sa secretary ko, you fired her" he smiled playfully. "Tama, mas ok yun pag secretary kita e di araw araw kitang makikita"

"Tse! Bukas na bukas magpapadala ako sayo ng 40 years old na secretary!" sabi ko.

"Why 40? Nagseselos ka no? Don't worry, I told you already. Ikaw lang ang mahal ko" sabi nya.

At pakiramdam ko nag akyatan ang dugo sa mukha ko. Damn! Magtu 25 na ko don't tell me kinikilig pa din ako. At bat naman ako kikiligin?!

"You're blushing" puna nya sakin.

"I'm not! Mainit dito sa opisina mo. Bukas ba ang aircon?" pagsisinungaling ko.

This guy is driving me crazy.

"Excuses"

"Shut up. Bakit mo ba kasi ako pinapunta dito?" pag iiba ko ng topic.

"Let's have lunch together" sabi nya.

"Lunch?! Nagbibiro ka ba? Alas tres ng hapon, Lunch?" I sarcastically asked him.

"E sa hindi pa ko nagtatanghalian e. Kakatapos lang ng business meeting ko and I am not feeling well" sabi nya

"So, pinapunta mo ko dito para lang mag lunch? Panong importante to at na involve pa ang company?"

Naka crossed arms ako habang nasa harapan nya.

"Syempre, if the president and the vice president of the company have a good working relationship it will benefit the company" nakangiti nyang sagot.

Napahawak ako sa sentido ko.
Matalino, masyadong matalino ang mokong na to. He's using his position.

"So what you say? Tara na?" sabi nya.

"Whatever! Bilisan na natin" sabi ko.

Nakita kong ngiting ngiti naman sya habang inaayos ang gamit nya.
Pumayag na ko sa dahil balak ko dun na sya kausapin about dun kila Gail.

Lumabas kami ng opisina nya at nakita kong nag aayos na ng gamit yung malandi nyang sekretarya habang umiiyak. She deserves it anyway.

Sumakay na kami ng elevator para bumaba.

At sa kamalas malasan talaga.
Huminto pa ito.

"Fvck" I heard him cussed. Pinindot nya yung emergency button.

"Yes sir?" sagot ng lalaki sa intercom

"We're stuck. Kindly send the maintenance here and get us out of here quickly" galit na sabi ni Thunder.

"Yes sir, right away"

I heard him sighed.

Namatay pang bigla ang ilaw at yumugyog ang elevator kaya napakapit ako sa kay Thunder.

"Don't worry, I got you" sabi nya kahit hindi ko sya nakikita dahil sa dilim, alam kong nakangiti sya.

Mabilis akong bumitaw sa kanya.

"Tse"

Yun na lang ang sinabi ko.

Mga 30 minutes na kaming nandito sa loob yet hindi pa din naayos. Nakakailang buntong hininga na nga si Thunder e. Dahil din sa walang kuryente dito sa loob ay hindi na sya makapag reklamo dun sa may intercom.

"Akira" tawag nya sakin. Hindi ako sumagot. "I am really sorry for what happened"

"Hindi mo kasalanang ma stuck tayo dito sa elevator" sagot ko.

"That's not what I mean, I'm sorry for hurting and pushing you away 5 years ago, sorry for blaming you for our child's death. I am just so devastated dahil dun ko lang nalaman na buntis ka pala talaga at nalaman ko lang nung patay na ang bata and I know that it wouldn't happen if I just chose you. If I didn't cheat and chose Ella. I am so sorry for hurting you, for making you cry every single time that you are with me. I know, I don't deserve you, I know you have Cloud. But just so you know, I love you and I will do everything to have that chance to be with you again" sabi nya.

Hindi ako nagsalita. Tulo lang ng tulo ang luha ko. Hindi ko alam parang sinasaksak ang puso ko habang naalala ko ang mga nangyari noon pero at the same time natutuwa ako dahil sa sinasabi ni Thunder. Akala ko ba naka move on na ko, mukhang hindi pa rin pala talaga.

Pinipigilan kong humikbi para hindi nya malaman na umiiyak ako.

Pero nagulat ako ng yakapin nya ko.

"Sssh. Don't cry, I'm sorry" sabi nya. He even planted a small kiss on the top of my head.

"Hindi mo alam kung gano mo ko nasaktan Thunder, ang sakit sakit sobra" sabi ko.

That 3 years of my life is hell and yet here I am in the arms of the man that brought me that pain. I'm insane.

Ilang minuto din bago humupa ang pag iyak ko. Hindi na ko yakap ni Thunder.

Nakakapagtaka ang bigla bigla nyang pananahimik.

"Thunder?" pagtawag ko sa kanya.

"Hmm" ungol lang ang sinagot nya kaya agad ko syang nilapitan at nagulat ako.

"You're burning" sigaw ko. Nilalagnat pala talaga sya kaya pala kanina ko pa nararamdaman na mainit sya.

Nagpa panic na ko dahil pakiramdam ko ay nanghihina na talaga sya.

And thankfully bumukas na ang ilaw at bumukas na din ang elevator.

I helped Thunder stood up.
Sinalubong agad kami ng mga bodyguards nya. Inalalayan agad sya ng mga ito.

"Sige na Akira, umuwi ka na. Kaya ko na" nanghihina nyang sabi.

I am a fool really pero I need to do this. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko alam na okay sya.

"Hindi, sige na sumakay ka na sa kotse, susunod ako" sabi ko. Sinakay na sya sa kotse at sumakay na din ako sa kotse ko.

Nakarating naman agad kami sa bahay.

Inalalayan sya paakyat ng mga guards nya at ako naman ay nagtungo sa stock room para kumuha ng alcohol, bimpo, planggana at gamot. Pagkatapos ay nag diretso ako sa kusina at nagpa init ng tubig.

"Ma'am Aki!" nagulat ako sa sigaw ni yaya minda. Nabagsak nya pa ang mga pinili nya.

Dali dali akong tumakbo para yakapin sya.

"Yaya I missed you!" sabi ko. Bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at hinawakan ako sa mukha.

"Aba, pagka ganda ganda na ng Akira namin ah. Mabuti naman at bumalik ka na kay Sir Thunder" nakangiti nyang sabi.

"Hindi po yaya, hindi kami nagkabalikan, nagkataon lang po na no choice kaya ako ang mag aalaga sa kanya. May sakit po kasi sya e" pagdadahilan ko. Bahagyang lumungkot ang mukha ng matanda.

"Akala ko e nagka ayos na kayo, masyado kasing naging miserable yang alaga ko nung nawala ka" sabi nito.

Pakiramdam ko ay may sumuntok sa puso ko.

"Pano pong miserable?" tanong ko.

"Basta, lagi na lang syang malungkot. Hindi ko ma explain" sagot nito.

Sakto namang pumito na ang takure kaya nahinto ang pag uusap namin. Dali dali ko itong nilagay sa planggana.

"Yaya, mamaya na po tayo mag chikahan ah. Baka kasi kinukumbulsyon na yung alaga mo doon" sabi ko.

Tumawa sya.

"O sige, doon ka na sa kwarto mo dumiretso. Doon na kasi nagku kuwarto si Thunder. Namimiss ka kasi nya palagi"

Napahinto ako dahil sa sinabi ni yaya. Ayoko mang maniwala pero itong puso ko parang mababaliw na.

Umakyat ako sa kwarto ko. Nakita kong nakahiga si Thunder dun at nakabalot ng comforter.

Inayos ko si Thunder. Una ay nagdadalawang isip pa ko kung pupunasan ko sya pero tinuloy ko na. Pinunasan ko sya at pinalitan ng damit.

"Thunder" pag gising ko sa kanya.

"Hmm" sagot nito.

"Bumangon ka muna dyan at kumain nitong nilutong lugaw ni yaya tas uminom ka na ng gamot" sabi ko.

Kahit nanghihina sya ay bumangon pa din sya at umupo. Inabot ko sa kanya ang tray ng pagkain.

Pero ilang minuto na ay hindi nya pa din ito ginagalaw.

"Bakit hindi ka pa din kumakain? Ayaw mo ba nyan? Magluluto ako ng iba" sabi ko.

"I'm too weak. Subuan mo na lang ako" sabi nya.

"Ano ka bata?!" galit kong sabi. Si Celestine nga hindi na nagpapasubo sakin e.

"E di wag, di na ko kakain. Matutulog na lang ako" sabi nya at umaktong mahihiga na ulit pero pinigilan ko sya.

"Fine, fine sige na. Susubuan na kita" I said in defeat. Ngumiti naman sya.

May sakit ba talaga to.

Sinubuan ko sya at ang ginawa nya lang all the time ay titigan at ngumingiti ng ngumiti.

"Isa pang ngiti mo dyan, ipapasok ko sa lalamunan mo tong kutsara" sabi ko.

Nag pout sya and god! He just looks so adorable.

"I'm just happy" sabi nya.

"Sa lahat ng may sakit, ikaw ang masaya" sabi ko at sinubo na sa kanya ang huling kutsara ng lugaw.

Inabot ko naman mula sa side table ang gamot at inabot ito sa kanya.

Luckily sya na ang uminom ng kusa non. Akala ko pati yun ako pa magpapainom.

Nilibot ko ang tingin ko sa kwarto ko dati. Nandito pa din pala lahat ng gamit ko. Even yung mga pabango at abubot ko ay nasa vanity table ko pa din.

"Hindi ko inalis yung mga gamit mo kasi pag nandyan sila feeling ko nandito ka pa din"

Ayan na naman ang puso ko, konting salita nya lang halos magwala na ito.

Nagulat ako ng hawakan ni Thunder ang kamay ko.

"You're real, nandito ka talaga. I'm so happy na nandito ka ngayon" sabi nya. He smiled.

And I don't know for what reason I can't help but smile back.

"Sige na, matulog ka na para gumaling ka na" sabi ko.

Sunud sunod ang ginawa nyang pag iling na parang bata.

"Ayoko, pag gising ko, wala ka na naman e"

Ewan ko parang nasaktan ako ng makita ang malungkot nyang mukha.

"Wag kang mag alala. Pag gising mo nandito pa din ako"

Gusto kong bawiin ang sinabi ko. Fvck! Sinabi ko ba talaga yun? I am in deep trouble.

"But I am here only as a concerned friend" defensive kong dagdag.

Ngumiti naman sya.

"Whatever. Wala ng bawian. Don't break your promise" sabi nya at humiga na.

Tumayo na ko, nagulat ako ng bigla nya kong hawakan sa kamay.

"Saan ka pupunta?"

"Ano ka ba naman Thunder? Magpapalit lang ako ng damit at may tatawagan lang ako" I said.

"Bumalik ka Akira, seryoso ako" sabi nya bago pumikit.

I sighed. Bossy as ever.

Lumabas ako ng veranda at tinawagan si Wendy para sabihing di ako makakauwi, sabi ko na lang may business conference akong pupuntahan at maaga yun kaya sa hotel na ko mag overnight.

Nung makapagpalit ako ay pumasok ako sa kwarto ko para i check si Thunder, hininaan ko ang aircon at lumapit ako para ayusin yung kumot nya.

Laking gulat ko ng hilahin nya ko kaya bumagsak ako sa tabi nya at halos lumundag naman ang puso ko ng yakapin nya ko.

Nasa likod ko sya at nakaharap ako sa side table.

My body frozed ng ilagay nya ang baba nya sa balikat ko. Sht nararamdaman ko ang paghinga nya sa tenga ko.

"T-Thunder, ano ba? Bitawan mo ko, matutulog na ko sa kabilang kwarto" sabi ko.

Bat ka nauutal Akira? Kinikilig ka agad, may I remind you, sinaktan ka nyan

Bulong sakin ng utak ko.

So what Akira? Binalikan ka naman nya at mahal ka na nya don't you think he deserves a chance?

Sagot naman ng puso ko.

Gustong gusto kong sundin ang puso ko but my heart is dominating and I hate it.

Triny kong pumiglas pero mahigpit ang pagkakayakap nya sakin.

"Let me sleep like this, I know in the morning you'll be gone" sabi nya sa malungkot na tono kaya hindi na ko pumalag pa.

Naramdaman kong hinalikan nya ko sa ulo

"Goodnight Akira"

Akala ko ay hindi ako makakatulog dahil nagwawala ang puso ko pero hinatak pa din ako ng antok.

Damn why is it so comfortable and relaxing beside him.

This is definitely wrong at baka mag lead na naman to sa panibagong pagkasira ko.

Thunder's POV.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Pagdilat ko ay ang natutulog na mukha ni Akira.

I touched it.

Para pa rin syang batang matulog.
God! I missed her.
Totoong nandito sya sa tabi ko.
And I felt so happy and contented.

Yinakap ko pa sya ng mahigpit at hinalikan sa noo.

Hanggang sa hilahin ulit ako ng antok.

Pagkagising ko ay wala na si Akira sa tabi ko.

I cussed, sana pala hindi na ko nakatulog ulit para na enjoy ko man lang na nandito sya.

Nalungkot ako, I am once again lonely.

Pero nawala ang lungkot ko nung may mapansin akong note sa side table ko, katabi noon ay pagkain at gamot

Thunder,

Rise and shine! You must get well okay? Bawal ng magkasakit. Hilig mo talaga akong pinag aalala. Kumain ka at inumin tong gamot na to, bawal ang pasaway okay?

Akira

Napatawa naman ako ng mabasa ko ang note. She still cares for me and it's more than enough for me to have the will to get her back.

------
TBC

Hinabaan ko na hahaha. Sorry sa late update, may pinagkaka abalahan lang si Author.

Vote and Comment.
I need a good comment para sa next chap.

Sino ang Team Thunder?
Sino ang Team Cloud?
And why is that?

Sino ba talaga ang mas bagay kay Aki?

- Kaye 😂😂

Continue Reading

You'll Also Like

12.5M 292K 32
"Didn't I promise you? I'll destroy anyone who dares hurt you." But then he left-taking my heart with him.
10K 509 22
Elijah Drake Montemayor is a talented and passionate photojournalist who recently transferred to a new school. With his camera in hand, he captures t...
757 133 46
fight to love the person who deserves your love. not to people who can't appreciate the love you give. fight your love for someone who can accept you...